Chapter 17
He's Back
I don't know why I feel this way. Or if I should even feel this way. Wala naman akong espesyal na nararamdaman kay Simon, pero kahit kinabukasan na ay nasasaktan parin ako. I didn't get to see his face when I left. Or more like, I didn't want to see his face. Cause I know that if I did, I probably wouldn't have left.
I'm back at my family's house, I know I'm like an uninvited guest in our house now but I don't have much of a choice. This is the only thing I have right now, at hindi pa nga ito akin.
Nasa kusina ako ng marinig kong magbukas ang pinto, "Emmy? Asan ka, 'nak?" Boses ni Aling Hosing agad ang narinig ko. S'ya palang ang nakakaalam na nandito ako. Hindi ko pa nasasabi kay Almira. Masyado akong okupado kagabi, kaya si Aling Hosing lang ang napagsabihan ko. S'ya na rin ang nagsuggest na dito nalang ako sa bahay dahil pwede pa rin naman siguro ako dito.
"Nandito po ako sa kusina." Tugon ko sa kanya, dumiretso naman s'ya dito saakin.
"O s'ya, eto nagdala ako ng pagkain. Ilagay mo nalang ito d'yan sa ref, initin mo nalang iyan. May klase ka pa ba?" Tanong ni Aling Hosing.
"Opo, mamayang alas diez. Salamat po sa inyo Aling Hosing. Inaalagaan n'yo parin ako kahit hindi na kayo nagtratrabaho dito sa bahay." I said, truthfully. Sobrang thankful ko kay Aling Hosing, s'ya na ang tumatayong magulang saakin ngayon.
"Nako, wala iyon. Kahit naman na hindi na ako nagtratrabaho dito, aalagaan parin kita. Napamahal na ako sa iyo, bata ka pa lang alam mo na 'yan. Isa pa, ang daming naitulong nila Ma'am Natalia saakin at sa pamilya ko. Kaya kahit sa alagaan lang kita, makakabawi ako sa kanila." She said as she patted my shoulder and smiled. Pero maya-maya rin, she snapped her fingers as if she remembered something. "S'ya nga pala, may pumunta ditong lalaki kahapon. Ivan Lee Villanueva daw ang pangalan, hinahanap ka eh. Ikaw ah, ang dami-daming poging naghahanap sa'yo." Aling Hosing said and gave me a mischievous smile. Naalala ko naman ang sinabi ni Almira na uuwi nga si Ivan. Maybe it was him.
"Ah, kilala ko po 'yon. Kababata po namin ni Almira Aling Hosing." I smiled, siguro'y iniisip n'ya na baka kung sino-sinu nalang lalake ang mga kinikilala ko.
"Kababata pala, akala ko manliligaw mo." She giggled. Napatawa nalang ako sa kanya. "Hindi naman sa minamadali kita o nangengealam ako, pero sana naman ay mahanap mo na ang taong magmamahal sayo at mamahalin ka Emmy. Alam kong mahirap pa ang sitwasyon, pero sana mahanap mo rin ang taong iyon."
"I hope so too, Aling Hosing. I hope so." A faint and unsure smile grazed my lips. Hoping, sincerely, that I would.
Aling Hosing left after talking for a while. Agad kong tinawagan si Joan. Hindi ko s'ya natawagan kagabi dahil sa busy ako. Bumyahe pa ako at inayos ang mga gamit ko dito sa bahay.
"Hello? Nagawa mo na ba?" Agad n'yang bungad saakin. It was as if she was just waiting for my call all this time.
"Oo. So please, do your part."
"Fine, and one last thing, if this happens again hinding-hindi ko na papalampasin 'kay? Nagkakaintindihan naman tayo diba? Isa pa, ayoko rin na makarating kay Simon na may kinalaman ako dito, pag nalaman kong may sinabi ka, mananagot ka ulit saakin." May pahabol pa talaga s'yang pagbabanta. Hindi ko na rin naman planong harapin pa si Simon. Mas mabuti na rin iyon, alam naman siguro ni Simon na pinagkasundo na s'ya.
"I understand. "
She ended the call. I felt so little, talking about this with her. I felt like she got me under her fingertips. It felt like anytime that I mess up, she's there to mess it up even more.
BINABASA MO ANG
A Silent Serenade
RomanceA Silent Serenade For a soul that wants to be alone. To survive and thrive by her own. Meeting a stranger that's going to keep her company, will her serenades be enough for the stranger to stay away or will it draw the stranger even more? By: hori_z...