Chapter 7

18 7 0
                                    

Chapter 7

Ally

Never have I ever imagined that I will live under one roof with Simon. I mean, what are the odds?

Almira and France left after some time, sabi nila ay may pupuntahan pa sila kaya ngayon ay kami nalang ni Simon dito. He's in the kitchen, drinking water. Hindi n'ya man lang inalala ang sugat n'ya kaya naisipan kong kunin ang first aid ko na nasa isa sa mga box na naglalaman ng mga gamit.

"Simon?" Tawag ko sa kanya, he was preparing some food from the refrigerator.

Napatingin naman s'ya sakin, "Hmm?"

"A-ano, yang sugat mo..." Tinaasan n'ya ako ng kilay, busy parin s'ya sa paghihiwa ng gulay. "Ano...gagamutin ko kaya maupo ka muna dito." Napatigil naman s'ya sa ginagawa at napatitig sa'kin, he looked shocked. He stared at me unusually long so I got conscious at umiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

"A-ayaw mo?" Tanong ko dahil parang ayaw n'ya yata.

"Oh! Hindi! I mean yeah, I'll go there. Wait lang," sabi n'ya at naghugas muna ng kamay.

Lumapit na s'ya saakin, naka-upo kasi ako sa sofa at nilatag angmga gamot sa coffee table. Umupo naman s'ya sa tabi ko.

"Pasensya na kung binato kita nung picture frame, 'di ko sinasadya. Nagulat lang talaga ako." Pag-aapologize ko habang nilalagyan ng betadine ang bulak. He chuckled at nilahad ang noo sa'kin.

"It's fine. Naiintindihan ko naman kung bakit mo ginawa yon." Nilapit n'ya ang mukha n'ya saakin at napaatras ako dahil don. Masyadong malapit. I felt my heart beating fast.

He was so close, kaya naman tinulak ko palayo ang mukha n'ya gamit ang hintuturo ko. Then he pouted like a child, hinawi n'ya nalang ang buhok mula sa noo n'ya at maayos na inilahad iyon.

"Model ka pa naman, puhunan mo'yang mukha mo tapos---"

"I said it's fine, kaya naman takpan ng buhok ko. Don't feel too bad about it." I was treating his wound but his eyes were glued into my face.

"I'm sorry too, about last week. I was drunk, 'di ko alam kung anong mga pinagsasabi ko." Hilaw na ngumiti ako sa kanya. Di na n'ya siguro maalala.

"Ayos lang, lasing ka eh."

Nagpatuloy nalang ako sa paggamot ng sugat n'ya at ng matapos ay pinagpatuloy n'ya ang pagluluto. Hindi ko naman inexpect na marunong pala s'ya magluto. Tinolang manok ang niluto n'ya and surprisingly ay masarap naman.

While eating, I took the chance to ask him about the rules in the house.

"May rules ba dito? Or..."

"Wala naman, pero kung gusto mo...edi sige pwede naman tayo gumawa." He shrugged.

"Ah okay, sige pag-iisipan ko kung ano ang gusto ko. Tsaka ikaw rin, gumawa ka ng sa iyo para mapag-usapan natin. Kailan ba pwede?" Tanong ko.

"Siguro next week nalang. It's Wednesday today, may work ako bukas tapos Friday pa ako makakabalik. How 'bout Saturday?" Napatango naman ako sa sinuggest n'ya. Wala naman akong gagawin sa Saturday kaya okay lang.

"Sige, Saturday then."

Then silence enveloped after that. We were done eating kaya nilagay na namin ang mga plato sa sink.

"Ako na maghuhugas," I insisted.

"No, it's fine. I'll do it. Kakalipat mopa lang naman kaya ako na."

"No, ako na. Ikaw na nagluto eh, kaya ako na maghuhugas." Napatingin s'ya saakin at nagkibit-balikat.

A Silent SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon