SCENE 42

323 11 0
                                    

MAMA KO
KARIBAL KO

(SCENE 42)

M A C O Y

"Oh, sige mare ha.. babalik na lang ulit kami bukas."

Pagkauwi namin ni Vince sa bahay, ay iyon ang narinig namin sa isang babae na bisita ni mama, ang lalaking kasama nito ay mukhang mister niya yata at nagbeso pa ang dalawa. Sa hitsura ng dalawa ay mukha itong mayayaman dahil sa Louis Vuitton na shoulder bag nung babae at Gucci naman ang belt nung lalaki.

Saka lang kami napansin ni mama na mukhang nagulat pa pagkakita niya sa amin.

"O, nandito na pala kayo," at ipinakilala niya naman kami sa dalawang kasama niya. "Anak ko nga po pala si Macoy at ito naman si Vince, alaga ko, anak naman siya ng amo ko sa Singapore."

"Ah, siya ba si Macoy. Ang pogi ha.." tumawa naman si mama.

"Siyempre, maganda ang nanay, e."

Inihatid ni mama ang dalawang bisita hanggang sa makalabas sila sa gate. Kaya pala may ibang sasakyan ang nakaparada sa labas, ay dahil sa mga bisita ni mama.

Hinintay muna namin si mama na makabalik bago kami tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

"Mama.. sino ang mga 'yon?" hindi ko alam kung bakit kailangang ma-tense ni mama sa pagiging curious ko sa dalawang bisita niya.

"Wala.. mga kaibigan ko lang ang mga 'yon. Teka.. kumain na ba kayo? May ginawa akong white pasta." At nauna na itong pumasok sa loob. Hindi ko pinansin ang pang aalok niya sa amin ng pagkain dahil ang isip ko pa rin ay nasa dalawang bisita niya kanina. Sinundan ko siya sa paglalakad patungo sa kusina."Siguro nagugutom na kayo. Halos wala pa kayong pahinga, kaba-biyahe niyo lang galing Cuyo."

Kaya naman iba ang naisagot ko sa kanya. "Pero sabi nila babalik sila dito bukas. Bakit? Anong meron?" ang tinutukoy ko ay ang naging bisita niya.

Napatigil si mama sa pagkuha ng mga pinggan para sana mag-prepare ng kakainin namin. At saka siya humugot ng malalim na hininga. "Ibebenta ko na ang bahay." Mahinang tugon nito.

"What?! Ibebenta niyo ang bahay?" gusto kong makasigurong hindi ako nagkakamali ng pagkarinig.

"Oo.." hindi na makatingin ngayon ng diretso sa akin si mama.

"Pero bakit? Paano kapag nabenta na ang bahay, saan tayo titira?!"

"Kahit saan. Mangungupahan."

"But what my point is. Para saan, bakit niyo kailangang ibenta itong bahay natin? Ma, pamana ito sa atin ni lolo."

"Alam ko. Pero wala na akong choice. Ito lang ang paraan para mabayaran ko ang mga utang natin." Inilapag niya ang malaking plato sa lamesa na pinuno niya ng white sphagetti, saka siya naglakad palapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Umutang ako ng isang milyon sa mga magulang ni Vince. Para ipangpaopera sa 'yo."

"P-pero ma.. bakit ngayon niyo lang 'to sinabi sa akin?"

"Dahil ayaw kong pag aalalahanin kapa dahil sa utang natin. Alam kong tututol ka dito. Pero huwag kang mag alala. Sinangla ko lang naman sa kanila ang bahay natin. Kapag nakapag ipon na ulit ako, mababawi ulit natin ito." Hinaplos ni mama ang buhok ko at niyakap niya ako ng mahigpit.

MAMA KO KARIBAL KO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon