SCENE 38

373 12 0
                                    

MAMA KO
KARIBAL KO

(SCENE 38)

M A C O Y

Mula nang magising ako sa hospital matapos ang aking operasyon, ay araw araw na lang mugto ang aking mga mata sa pag iyak sa tuwing nagigising ako, dahil araw araw kong napapanaginipan si Hans.

Pero iba ang araw na ito.

Mugto ulit ang aking mga mata sa pag iyak, ngunit hindi dahil sa napanaginipan ko ulit siya, kundi dahil sa hindi ko siya napanaginipan.

Bakit hindi niya ako dinalaw sa panaginip ko? Galit ba siya sa akin, dahil sa pagtatangka kong magpakamatay kahapon?

Hinaplos ko ang mukha niya, sa picture na nasa cellphone ko. Ito ang unang picture naming dalawa sa Singapore. Hindi pa siya naka-smile dito dahil sa selos na selos siya noon kay Vince.

"Ayaw mo bang sundan kita diyan? Alam kong dapat kong pangalagaan ang puso mo na ine-regalo mo sa akin. But ano pang rason para huminga? You are my breath Hans. And a day without you, is always torturing me very painfully. Kagaya ngayon.. sobrang nasasaktan ako. Hindi ko magawang masanay na wala ka, at ayokong masanay.. dahil ikaw lang ang gugustuhin kong makasama araw araw. Kaya araw-araw na wala ka, ay palala nang palala ang sakit.

"Hans, kagabi sa restaurant. Hindi ko alam kung bakit ko 'yon naramdaman sa kanya. But after n'on, ay halos hindi ako patulugin ng konsensya ko. Pakiramdam ko kasi ay nagchi-cheat ako sa 'yo.. Kaya patawad, ikaw lang Hans. Ikaw lang ang mamahalin ko at wala ng iba." Habang-buhay kitang mamahalin.. at wala kang magiging kapalit sa puso nating dalawa. Iyan ang pangako ko sa sarili ko.

At tama kayong ng pagkakaintindi sa sinabi ko, "puso naming dalawa" dahil ang pusong tumitibok ngayon sa dibdib ko ay kanya. Siya ang nagmamay ari ng puso ko, kahit pa nung nabubuhay pa siya.

Napalingon ako sa maliit na cabinet katabi ng kamang pinaghigaan ko. At ilang segundo kong pinakatitigan ang nag iisang blade na nakapatong doon.

The blade is so tempting to escape from my life.

"Hans, maiintindihan mo naman ako kung bakit ko gagawin 'to diba? I'm so sorry Hans. Sobrang miss na miss na kita. Kaya gusto na ulit kitang makasama. Susundan na kita diyan, Hans.. alam kong iniintay mo ako. Alam kong gaya ko, ay sobrang miss mo na rin ako."

Hawak ko na ang napakatalas at hindi pa nagagamit na blade, at panay tulo ang aking mga luha habang inaalala ko ang mga sandaling magkasama kami ni Hans. -- Ang pangungulit nito sa akin, kung papaano niya ako ipagluto, ang pag aaruga niya, at lalong lalo na ang mga ngiti niya na nakakahawa at nakakalunod..

"Magkikita na rin tayo, Hans ko.." Madiing nakagat ko ang aking labi kasabay nang pagdiin din ng hawak kong blade sa balat ng pulso ko.

Doon naman biglang bumukas ang pinto.

"Macoy!" sigaw niya at patakbo niya akong nilapitan. Sa pagkabigla ko sa pagdating niya ay hindi kaagad ako nakakilos, kaagad na naagaw niya ang blade na hawak ko. "Shit!"

Nanlaki ang mata ko nang ipagpag niya ang palad niya at may mga dugong tumutulo doon. Tiningnan ko ang pulso ko, na maliit lamang ang sugat at halos wala pa iyong dugo. Samantalang ang kamay ni Vince ay maraming dugo ang umaagos. Marahil ay nasugatan siya nang agawin niya ang blade na hawak ko.

MAMA KO KARIBAL KO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon