SCENE 46

312 10 0
                                    

MAMA KO
KARIBAL KO
(SCENE 46)

J E S S I C A

Dalawang linggo na lang at sasapit na naman ang buwan ng disyembre. Kaya naman ngayon ay sinabay ko na ang pagki-christmas shopping kasama ang college bestfriend ko at ninang ni Macoy na si Agnes. Nasa loob kami ng department store at kasalukuyang namimili ako ng mga pang-decorate sa christmas tree na itatayo ko mamaya sa bahay. I know medyo late na akong namili ng mga pang-christmas. But so what, it's better be late than never, ika nga..

"So.. may balak ka pa bang mag abroad ulit?" kapagkuwan ay tanong ni Agnes, matapos niyang magbayad sa counter ng binili niyang polo para sa inaanak niyang si Macoy. Nasabi ko dito ang ginawang pagbayad ni Vince sa naging utang ko sa parents nito.

Tumayo ako. "Siguro.. kapag nasiguro kong okay na si Macoy at pwede ko na siyang iwan." Since nag offer din naman si Agnes na pwedeng sa kanya muna si Macoy kapag napag desisyonan ko nang mag abroad ulit. "Para naman makabawi ako kahit papaano sa parents ni Vince."

"Hmm.. mare.. magagalit ka ba kapag may sinabi ako sa 'yo about sa anak ng amo mo?"

Natawa naman ako. "Bakit? May dapat ba akong ikagalit sa sasabihih mo, about kay Vince? Ano 'yon mare?" ngunit hesitant pa rin ito kaya pinilit ko pa siya. "Mare, college pa lang tayo nagsasabihan na tayo ng sekreto sa isa't isa. Ngayon ka pa ba matatakot na magsabi sa akin?"

"Kasi nung araw na binisita ko si Macoy sa ospital, bago mai-schedule ang operasyon niya. Ay.." she trailed. Still hesitant.

"Tapos?.."

"Nakita ko si Vince.. na hinahalikan ang kamay ni Macoy." Gusto kong matawa kung paano umasim ang mukha nito habang inaalala ang pangyayari na kanyang ikwe-kwento sa akin ngayon.

"Wala namang masama sa paghalik ni Vince sa kamay ng anak ko. Masyado lang siyang nag alala. And we dont know, baka gano'n ang paraan niya para palakasin ang loob ng anak ko. Mare you have no, idea.. kung gaano tini-treassure ni Vince ang friendship nila ng anak ko."

"Sorry mare ha.. medyo ang wierd lang kasi no'n."

Naglakad na kami palabas ng store. "Who you mind if I ask you something too?"

"Go ahead.."

"May issue ka ba, sa same sex relationship?" bagay na ikinalaki ng mga mata niya.

"Hindi naman. Pero hindi ako sang-ayon doon, dahil hindi iyon tama at ayon sa bibliya, ay kasalanan 'yon." May kumurot sa puso ko. Kung hindi siguro nanggagaling ang mga salitang iyon sa bestfriend ko, ay hindi ako maaapektuhan.

"Ganoon ba? So ibig sabihin, kapag may anak kang bading ay magagalit ka sa kanya. Kasi hindi mo siya matatanggap bilang gay?"

"Mare.. kung may anak man akong bading. Siyempre mahahalata ko na 'yon bata pa lang siya. Kaya hangga't bata pa lang siya, ay ituturo ko na at itatak sa isip niya na ang mali ay mali at hindi na dapat gawin pa."

Bumuntong hininga ako saka matapang na sinalubong ko ang mga mata niyang nagtataka. "Matagal na kitang kaibigan. Pero ngayon ko lang napagtanto na makitid din pala ang utak mo," pinamulahanan siya ng mukha sa sinabi ko. Alam kong ang sinabi kong ito ay higit pa sa malakas na sampal para sa kanya. "Hindi ko alam kung anong klaseng prinsipyo ang pinapatunayan ng binabasa niyong bibliyang iyan. Anong klase siyang Diyos na lumikha ng isang tao, kung hindi niya naman kayang tanggapin ang buong pagkatao nito? There's nothing wrong being a gay. And it is not a sin nor a choice. It's part of human being."

MAMA KO KARIBAL KO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon