MAMA KO
KARIBAL KO(SCENE 37)
J E S S I C A
"I'm sorry.." nangingilid ang mga luhang paghingi ko ng tawad kay Micheal. Hinanda ko ang sarili ko sa magiging feedback nito sa nagawa kong kasalanan sa kanya. Alam kong hindi ko dapat siya idinamay dito, but I was desperate at handa kong gawin ang lahat para tulungan ang anak ko.
"What?" nagugulahan niyang tanong.
"I.. I used you. T-to help my son." Nakita ko ang pag igting ng panga niya, at naihilamos pa niya sa mukha ang kanyang palad bago siya tumingala. "N-naiintindihan ko kung galit ka sa akin. Pero sana ay mapatawad mo ako.."
"What do you expect na mararamdaman ko pagkatapos kong malaman ang plano mong ito? Dapat ba akong matuwa?" sunod ay pagak siyang natawa. "Akala ko iba ka! Katulad ka din pala ng ex ko, na manggagamit!"
Tumalikod na siya para iwan ako, ngunit pinigilan ko siya sa paglalakad sa pamamagitan ng paghawak ko sa isa niyang kamay.
"Micheal, I'm really sorry.." pero marahas niyang inilayo ang kamay niya na hawak ko.
"Sorry ha? Sorry?" pagduduro nito sa akin. "Ang mga taong gaya mo, ay hindi deserve na patawarin. Dapat lang na patayin kayo ng mga konsensya niyo. At isa pa.. hindi ako bakla. Kaya itong ginawa mo sa akin ngayon? Ay hinding hindi ko makakalimutan. Tinapakan mo hindi lang ang pagkalalaki ko, kundi pati na rin ang buong pagkatao ko!"
Sa sobrang galit niya, ay wala akong nagawa kundi ang panoorin na lang siyang mag impake ng mga gamit habang patuloy ako sa paghagulgol. At nang matapos siya ay hindi na niya ako tinapunan pa ng tingin at pabalibag niyang isinara ang pinto.
Nanghihina akong napaupo at napasandal sa may gilid ng kama. Pilit kong pinakalma ang sarili ko.
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto dito sa guess room na kinaroroonan ko. Si Vince na nakabihis na at may dala ding bag ang iniluwal ng pinto, mukhang aalis din ito..
"Auntie.. okay ka lang ba? Nasaan si Micheal?"
Pinilit kong ngumiti bago ko ipinilig ang aking ulo. "Umalis na siya.."
Sa nakikita ni Vince na pamumugto ng aking mga mata ay mukhang agad na ring naunawaan nito ang nangyari, at hindi na siya nagtanong pa.
"Mukhang nakabihis ka, saan ka pupunta?"
"Ah.. sa Cuyo po. Susundan ko si Macoy." This time ay naging totoo na ang pagngiti ko habang pinagmamasdan ko ang maamong mukha ni Vince.
Dati ko pang napapansin ang kakaibang concern ni Vince sa aking anak. At ngayon mukhang alam ko na. But still, I have to confirm.
"Mahal mo ba siya?" nahuli ko ang mabilis na pagkurap-kurap ng kanyang mga mata dahil sa naging tanong ko. Halatang nagulat ito ngunit pinilit pa niyang itago iyon sa pamamagitan ng kunwaring pag ubo, bago niya ikinompose ang sarili. Ngunit pati ang boses nito ay mukhang tinraydor siya dahil sa kanyang pagkautal.
"S-sino?"
Huminga ako ng malalim saka ko inayos ang nagulo niyang buhok.
![](https://img.wattpad.com/cover/241974747-288-k498544.jpg)
BINABASA MO ANG
MAMA KO KARIBAL KO (COMPLETED)
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil never pa naman siyang nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans nung una dahil para sa kanya, ito a...