MAMA KO
KARIBAL KO(SCENE 25)
H A N S
Nakapatong ang dalawang siko ko sa aking mga binti habang nakaupo ako sa sopa. Nang biglang tumunog ang doorbell hudyat na sinusundo na ako ng mga magiging ka-team ko sa basketball.
Tiningnan ko ang orasan. Kalahating oras na lang bago magsimula ang aming laro, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating si Macoy.
Kaya naman ay dismiyado akong tumayo para lumabas na ng bahay at salubungin ang mga bago kong katropa na taga-dito lang din sa village kung saan kami nakatira.
"Bro!" masayang bati ng bago ko lang kakilala na si Jose. Pilit naman ang ngiti ko na tinanggap ang pakikipagkamay niya saka nito ipinakilala sa akin ang dalawa pa niyang mga kasama. "Sila pala sina Voun at Noel, mga tropa ko. Ka-team din natin," Sabi pa niya kahit halata namang mga ka-team din namin sila dahil sa pare-pareho kaming suot ng basketball uniform; na kulay silver na may tatak na logo ng subdivision namin. Sa likod naman ng jersey na sando ay ang mga apelyedo at number namin ang naka-printa. Number seven ang nakatatak sa likod ng sando ko, dahil iyon ang petsa nang umuwi ako dito sa pilipinas, ang araw din kung kailan ko unang nakita si Macoy nang personal.
"Mga bro, siya si Hans." Nakipag-fist bump naman sa akin ang dalawa.
Ang covered court kung saan kami maglalaro ay naririto lang din sa loob ng village. Kaya hindi lumampas nang limang minuto ay nakarating na nga kami sa loob ng covered court. Hindi ko na lang dinala ang kotse ko dahil sa malapit lang naman. Pangwarm-up na rin sa amin itong paglalakad.
Pagdating namin sa court ay marami ng mga tao ang nandodoon. Naka-pwesto na rin ang tatlong judge at mukhang sa team namin kaming apat na lang ang iniintay. Binubuo ng sampong miyembro ang bawat team. Ang makakalaban naman namin ay mula lamang sa katabi naming village.
Limang minuto bago magsimula ang laro ay nag-briefing muna sa amin ang coach. Nagbigay ito sa amin ng mga instructions at mga rules na dapat naming sundin.
Pero hindi naman ako makapag-focus sa mga sinasabi sa amin ng coach dahil panay ang linga ko sa paligid. Hinahagilap pa rin ng mga mata ko si Macoy.
Hanggang sa pumito na nga ang coach at inihagis nito paitaas ang bola na aming pag aagawan.
M A C O Y
Parang isang life achievement sa pakiramdam nang naibagsak ko na rin sa wakas si Mabeth sa kama nito. Tagaktak na ang pawis sa nuo ko kaya kinuha ko ang panyo sa bulsa ko para punasan ang aking nuo.
"M-makoy.. b-babe.." asar na napabuntong hininga na lang ako dahil bumangon ulit si Mabeth, kahit halos wala na itong lakas dahil sa sobrang kalasingan.
"Ano na naman?!"
Hinawakan niya ang kamay ko at dahil sa hindi ko inaasahang paghila niya sa akin ay sumubsob ako sa kanya. Saglit na na-blangko pa ang isip ko hanggang sa ma-realized ko na naka-ibabaw na pala ako sa kanya.
"Don't leave me.. please.."
"P-pero.. hindi pwedi, may kailangan akong puntahan." Iaangat ko na sana ang katawan ko nang bigla naman niyang hinawakan ang ulo ko saka niya ako kinabig para marahas na halikan.
Nagpupumiglas ako pero mas lalo lang siyang naging agresibo. Paramg hindi ito si Mabeth na kanina lang ay sobrang tamlay pa. Pero ngayon ay halos hindi na ako makawala sa paggapos niya habang patuloy na hinahalikan.

BINABASA MO ANG
MAMA KO KARIBAL KO (COMPLETED)
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil never pa naman siyang nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans nung una dahil para sa kanya, ito a...