SCENE 2

2K 43 4
                                    

MAMA KO
KARIBAL KO
SONGS: ILILIGTAS KA NIYA

(SCENE TWO)

H A N S

Kalalabas ko lang sa bathroom nang marinig ko ang nag aalalang boses ng girlfriend kong si Jessica.

"Anong nangyari, love?" hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at pinaupo muna siya para kumalma.

"S-si Macoy kasi.. w-wala siya sa kwarto niya." Hinaplos ko naman siya sa pisngi niya habang hindi inaalis ang tingin ko sa mga mata niyang hindi na makatingin sa akin ng diretso.

"Don't worry everthing will be okay.. tinawagan mo na ba siya? Baka lumabas lang siya."

"Imposibleng lumabas lang siya lalo na sa ganitong oras ng gabi. Kanina ko pa nga tinatawagan ang cellphone niya, pero hindi niya sinasagot."

Tumingin ako sa kisame para saglit na mag isip. "Baka naman wala siyang internet connection?"

"Love, matatawagan ko naman siya kahit walang load." Medyo naguluhan naman ako kaya napakamot tuloy ako bigla sa ulo ko. Sa America kasi kailangan may internet connection muna ang isang tao bago mo siya matawagan. Pasensya na sa limang taon ko doon ay nakalimutan ko nang hindi pala gano'n dito sa Pinas.

Masasanay din ako.

"Okay sige.. ibigay mo na lang sa akin ang number niya. Baka sakaling sagutin niya ang number na hindi naka-register sa contacts niya." Baka kasi kaya hindi sinasagot ni Macoy ang tawag dahil sa alam niyang Mama niya ito. Ang mga kabataan talaga ngayon, oh.

Well, hindi pa naman ako masyadong matanda. Twenty five years old pa lang ako 'no. Kaya lang ako ganito na ka-mattured ngayon ay bunga ng lahat ng mga pinagdaanan ko sa America.

Kagaya ng kwento ni Macoy. Nag asawa din ang mom ko nang isang Amerikano kaya kami napadpad sa America. Sa kasawiang palad. They both died in an accident when I'm just seventeen years old. Kaya sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong maging matibay at mamuhay nang mag isa sa Amerika.

But anyway, 'yon nga.. Sinubukan kong tawagan si Caloy. Good thing, I have philippines sim card already, ngunit nagri-ring lang ito pero wala namang sumasagot. Dahil doon ay lalo lang nadagdagan ang pag aalala ng girlfriend ko sa kanyang anak.

Hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay at marahan ko 'tong hinagkan. "Walang mangyayaring masama sa anak mo. His seventeen na right? I'm sure he can handle himself."

"P-pero.. iba kasi ang kondisyon ng batang iyon, e. May sakit siya sa puso."

Ang noo naman niya ang hinagkan ko. "Okay sige. Ganto na lang. You stay here at hahanapin ko siya sa labas."

"Sasama na ako sa'yo.".

"Hindi na.. dumito na kana lang. Baka mamaya kapag tayong dalawa ang naghanap ay hindi pa rin natin siya makita. Iyon pala nakauwi na siya dito."

Tumango na lang siya at mahinang sinabi, "O-okay sige. P-pero sure kaba? Wala ka pang pahinga, kagagaling mo lang sa biyahe."

Ngumiti ako at kahit totoo ang sinabi niya, ay hindi ko pinahalata na pagod ako. Sisiw lang 'to compare sa mga pinagdaanan ko sa Amerika.

MAMA KO KARIBAL KO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon