MAMA KO
KARIBAL KO
SONG: SORRY NA - PAROKYA NI EDGAR(SCENE 9)
M A C O Y
"B-bakit.. ikaw lang ba ang may pangalang Hans sa mundo? For your information, ex-girlfriend ko 'yun si Hans!" halos umusok na ang ilong kong sagot sa kanya.
"Oh, relax lang.. I'm just asking.. no need to be defensive." Lalo lang nagtangis ang bagang ko dahil sa narinig.
"Bro, sinong Hans 'yon na ex-girlfriend--" tinakpan ko bigla ang madaldal na bibig ni Andy, sa biglaang pagsingit niyang iyon sa aming usapan. Ngunit huli na yata dahil kasunod niyon ay narinig ko ang pagtawa naman ni Hans sa phone.
"Ex-girlfriend pala ha?.." huminga muna ako ng malalim saka muling nagsalita.
"Siguraduhin mong hindi mo kinalikot 'yang phone ko kundi--"
"Ah, 'yung mga nude photos mo ba sa gallery mo? Nakita ko nga. Pero okay lang. Normal lang naman 'yon, e." At nakuha niya pa talagang tumawa habang ako ay naiiyak na. "Kahit nga ako meron 'non."
"Ang sama mo!" sigaw ko dahilan kaya napatingin din sa akin ang iba ako pang mga kaklase.
"Bro.. okay ka lang?" concern na tanong ni Andy na hinawakan pa ang balikat ko.
"Macoy.. I'm sorry.." at iyon ang huling nasabi ni Hans sa cellphone na hiniram ko kay Andy bago ko pinatay ang tawag.
Nang mag umpisa ang aming klase ay halos wala naman akong maintindihan sa itinuturo ng aming teacher, dahil lutang ang isip ko. Sobrang naiinis ako sa tuwing maalala na hinalungkat nga ng mokong na 'yon ang cellphone ko.
Gaganti rin ako.. kaya humanda siya..
Ang marahang pagtapik sa akin ng katabi kong Victor, ang nagpukaw sa malalim kong pag iisip.
"Kanina ka pa tinatawag ng teacher natin, nakatulala ka lang diyan." Ngayon ko lang napansin na nakatingin na pala sa akin ang lahat. Habang ang history teacher namin na si Mr. Rodriguez ay napapailing naman sa akin.
"Mr. Macoy, can you please stand up." Napapakamot sa ulong tumayo nga ako.
Ilang segundong katahimikan muna ang nagdaan bago ko naibuka ang bibig ko para magsalita. "Sir.. can you repeat the question?"
"So.. ibig sabihin, sa tinagal-tagal kong pagsasalita dito ay hindi ka pala nakikinig? Tama ba ako mr. Macoy?" hindi ko magawang tumingin nang matagal sa mapanuring mata ng aming teacher kaya nagpasalit-salit ang tingin ko sa kanya at sa sahig. Hindi ko gusto ang ganitong atensiyon na ibinibigay sa akin ngayon nang lahat. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa pagkakataong ito.
"You may leave now, mr. Macoy. I don't need a student like you na wala namang interest sa mga itinuturo ko."
"But sir--"
"No, buts mr. Macoy. Just leave. Saka na lang tayo mag usap kapag kasama mo na ang parents mo." Lumunok muna ako saka ako nagpasyang kunin na ang bag ko para lumabas.
Hindi pa man ako nakakalayo ay muli kong narinig ang boses ng aming guro na pinagsasabihan naman ang aking mga kaklase. "Magsilbi sana itong leksiyon, hindi lang sa kaklase niyong si Macoy, kundi maging sa inyong lahat. Ilang buwan na lang at gagraduate na kayo. Kaya dapat ay patunayan ninyo na deserve nga talaga kayong grumaduate sa kursong ito."
BINABASA MO ANG
MAMA KO KARIBAL KO (COMPLETED)
Любовные романыWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil never pa naman siyang nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans nung una dahil para sa kanya, ito a...