MAMA KO
KARIBAL KO(SCENE 41)
M A C O Y
Nanginginig ako sa sobrang galit habang ang mga kamay ko ay nakakuyom, pigil ang sarili na hindi padapuin iyon sa magang mukha ng aking ama na nakaluhod ngayon sa harapan ko, sa likod ng mga rehas na nakapagitan sa aming dalawa.
Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang aking braso. Pilit na pinapakalma ko pa rin ang aking sarili.
"Paano?.. Paano kita patatawarin kung hindi ko alam ang dahilan kung bakit mo iyon nagawa? Anong kasalanan namin sa 'yo, 'pa?! Sabihin mo anong kasalanan namin sa 'yo?!"
"Dahil inagaw ng gagong iyon ang dapat ay akin!"
"A-anong dapat na sa 'yo ang inagaw ni Hans 'pa? Kami ba ni mama? In the first place, nung magkakasama pa tayo, pinahalagahan mo ba kami bilang pamilya mo? Nasaan ka ng mga panahong kailangan ka namin? Nasaan ka nung mga panahong palagi akong nako-confine sa hospital dahil sa sakit ko? Makasarili ka pa. Never mo kaming inisip. Walang ibang mahalaga sa 'yo kundi 'yong mga putang inang bisyo mo!"
"Nagsisisi na ako anak.. alam kong hindi ko na mababawi pa ang mga kasalanang ginawa ko sa inyo. Pero sana.. sana kahit sa pagpapatawad man lang, ay maibigay niyo sa akin dahil ako pa rin ang ama mo. Kung hindi dahil sa akin, ay wala ka ngayon sa mundo. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon para magbago.."
Mapait ang pagngiti ko. "Hindi dahil ama ka, ay deserve mo na ang pagpapatawad ng iyong anak. Ilang beses ka na ba namin binigyan ng pangalawang pagkakataon? Kulang pa ang mga daliri ko sa mga kamay at paa, para mabilang ang napakaraming pangalawang pagkakataon na binigay namin sa 'yo. Pero kahit kailan ay hindi ka nagbago. Siguro 'pa.. mapapatawad kita. Pero hindi sa ngayon. Siguro pagkalipas ng ilang mga taon. Hanggang sa tuluyang gumaling sa sugat sa puso ko na kagagawan mo."
"I-im sorry.." nakayuko ito habang nakaluhod pa rin.
"Alam mo, 'pa. Si Hans, siya ang taong pinakamamahal ko.. siya ang dahilan kung bakit nadugtungan ang buhay ko.. kanya itong pusong tumitibok ngayon dito sa dibdib ko. Kaya bago ka, humingi ng tawad sa amin, himingi ka na ba ng tawad sa taong tinatawag mong gago? Hindi diba? Sa amin ka lang humingi ng kapatawaran para hindi kana usigin pa ng konsensya mo. Ganyan ka kasama 'pa. Kaya sana.. ma-enjoy mo, ang pagkakulong mo diyan habang buhay. Magkita na lang tayo ulit sa korte." Ilang beses akong napalunok at nang bahagyang kumalma na ako ay tinuyo ko muna ang basang pisngi ko, saka ako naglakad na paalis.
Pero ang muling pagsigaw ni papa ang nagpahinto sa amin. "PUTANG INA!!! PUTANG INA NIYO!!!" Kaya muli akong naglakad pabalik sa harapan ni papa.
"Anak.. please, huwag mo naman ako pabayaan dito.." ang kanina ko pang nakakuyom na kamay ay hindi ko na pinigilan pa, hanggang sa tuluyan na nga itong dumapo sa bibig ni papa. Nanlalaki ang mga matang natigilan siya dahil sa ginawa ko. Ito kasi ang pinakaunang beses na nasuntok ko siya, at hinding-hindi ko iyon pagsisisihan.
"Okay ka lang ba?" ang nag aalala pa ring tanong ng kasama kong si Vince nang makalabas kami sa presinto. Umiling naman ako. Paano ako magiging OKAY, matapos ang mga nangyari? Kinuha niya ang braso ko upang suriin ang kamao ko, na nagpadugo kanina sa bibig ni papa. "Masakit pa ba? Siguradong mamamaga 'to. "
At imbes na sagutin ko siya ay binawi ko ang kamay ko na hawak niya, para tawagan si mama sa cellphone. "Ma.. saang hospital ipinanganak si Hans?"
BINABASA MO ANG
MAMA KO KARIBAL KO (COMPLETED)
RomanceWalang pag aalinlangan si Macoy na isa siyang straight dahil never pa naman siyang nagka-interest sa kapwa lalaki. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Hans. Ang boyfriend ng mama niya. Galit siya kay Hans nung una dahil para sa kanya, ito a...