SCENE 44

329 10 0
                                    

MAMA KO
KARIBAL KO

(SCENE 44)

V I N C E

"V-vince --" mabilis kong iniharang ang hintuturo ko sa bibig niya para pigilan siyang magsalita.

"Shhh..." at naramdaman kong unti-unting bumababa ang kamay niya para kumalas sa aming pagsasayaw, ngunit kaagad ko din iyong hinawakan at ipilibot sa leeg ko. His hands are now wrap my neck, while I'm holding his waist, and continued dancing.. slowly..

"Vince, what are we doing?" kung kanina ay parang hindi siya mapakali, ngayon naman ay kalmado na siya at seryoso.

"Dancing.." I smirk.

"No, I mean.. what. Are. We. Doing?" binigyang diin niya ang bawat salita. "What is this? B-bakit natin ito ginagawa?"

"Well, let's say, you can't say "no" to me. As far as I remember, you've just said, you will do anything for me. And this is I wanna do with you. We're just dancing.. is this too much?"

Bumama ang kanyang tingin kaya ang baba naman niya ang hinawakan ko para paangatin ang kanyang mukha at magtama ang aming mga mata. "Galit kaba?"

Hindi siya nakaimik.. so galit nga siya?

"Is it because the kiss?" sandali akong huminto sa paggalaw para hintayin ang sagot niya.

"I'm sorry Vince.." mabilis na nagtubig ang kanyang mga mata at anumang sandali ay tutulo na ito. Oh, for christ sake, sa lahat ng ayokong makita, ay ang pag iyak niya. Lalong lalo na kung dahil ito sa akin. Ganito na ba ako kalupit sa kanya? Nahihirapan na ba siya? Nasasaktan ko ba siya dahil sa mahal ko siya? "But I can't love you back, the same as you love me."

Bawat salitang binitawan niya ay parang mga pana na sunod-sunod na tumama sa puso ko. Hindi ko alam na mas masakit pala ang ma-basted kaysa literal kang mapana. Dahil ang pisikal na sakit ay nagagamot at gumagaling. Pero itong sakit na nararamdaman ko ngayon? Ay hindi ko alam kung anong lunas.

"Sorry.. sorry talaga. P-pero ayaw kitang tuluyang paasahin. Dahil wala na akong mamahalin pa, bukod kay Hans."

At dahil hindi ko na matiis ang sakit, ay mas minabuti kong umuwi na lang kami ni Macoy. Wala na, e. Sira na ang moment. Wala kaming imikan sa biyahe pero pagkahinto namin sa bahay nila ay pinababa ko na lang si Macoy at ako ay bumalik ulit sa aking restobar. Tinawagan ko naman si Andy, para samahan akong maglasing.

"Tol, salamat at sinamahan mo ako dito, ha.." tinapik naman ako ni Andy sa balikat sabay sabing, "ano kaba 'tol. Siyempre.. magkaibigan tayo, e. Kaibigan ko kayong dalawa ni Macoy. At naniniwala ako na anuman ang problema ninyong dalawa ay maayos din 'yan." Nasa harapan ko siya at ang lamesang puno ng beer at taquilla ang nakapagitan sa amin.

Umiling iling ako at muli kong inubos ang taquila sa baso ko. Napaubo pa ako dahil sa pagguhit ng init na hatid ng alak sa lalamunan ko. "Wala na talaga 'tol. Finnished na, tinapos niya na, e. Hanggang kaibigan lang daw talaga ako para sa kanya. At si Hans lang ang mamahalin niya." Parang batang pagsusumbong ko.

"Tsk! Tsk!" pagngisi niya. "Parang 'yon lang? Sumusuko kana kaagad. E, nag uumpisa ka pa lang, e."

Desperadong ipinatong ko ang mga siko ko sa lamesa at ginulo ko ang buhok ko.

MAMA KO KARIBAL KO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon