Chapter 21

356K 9K 13.2K
                                    

Cake

Today is when I went back to my office to work. Hindi na ako sa office ni Azriel katulad kahapon. I feel glowing and just so happy.

"Seleira, you're back! Are you now feeling good?" Mrs. Long Fingers asked. I smiled and nodded.

Napansin kong luminis ang office ko. Pinalinis siguro ni Azriel. Habang nagtatrabaho ay nacoconcious ako kakatingin sa mga empleyadong padaan daan. Why on earth does my office have transparent walls! I also think Ysmael could just pop out of nowhere.

Sa kalagitnaan ng pagtatrabaho ko ay may kumatok sa aking pinto. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Anikka sa labas. Hinawi ko ang buhok ko as I motioned her to come in.

"What do you want?" I asked. Awkward syang ngumiti at tumingin sa kamay nya. I also looked down and saw three korean style tupperwares.

"I-I made this... N-nabanggit ni papa na mahilig ka raw sa korean foods. T-tsaka nagkaroon tayo ng hindi pagkakaintindihan kahapon, gusto ko sanang... bumawi."

Something inside me felt a bit touched. Is this for real?! Tumayo ako at tiningnan sya muli.

"May lason?" deretsa kong tanong. Nanlaki ang mga mata nya at umiling iling.

"Naku! Wala!" sabi nya habang umiling-iling pa rin. Nagtaas ako ng kilay at inilahad ang dalawang kamay.

Not bad if I eat this, huh.

"E-eto," inilahad nya iyon sa kamay ko. Naamoy ko na kahit nasa loob pa iyon. Natakam tuloy ako.

"May kimchi, kimbap, korean style chicken, beef stew, rice, and egg roll..."

"Ang rami pala. I say thank you," sabi ko. Totoo. If she's always this nice, then I think we could get along. Just don't mess with my husband.

"Do you want to eat this with me later?" deretsahan ko ulit na pagyaya sa kanya. I think she's trying to make us work as true siblings.

"Sino? T-tayong dalawa lang?" she asked. She looked a bit hopeful.

"Yes, only the two of us."

"P-paano ang asawa mo?"

Kumunot agad ang noo ko at hindi na nagustuhan kung saan papunta ang usapang ito.

"I'll just text him to say I'm having lunch with you instead," madiin kong sabi. Nanliit ang mga mata nya at bahagyang umatras. Which I found weird.

"P-pwede namang sabay sabay na tayong kumain, S-Seleira... Nakakahiya naman," pagpupumilit nya sa marahang boses.

Just go straight tell me you want to eat with my husband.

Nabadtrip na ako agad. Pasimple kong padabog na ibinagsak ang mga tupperwares sa mesa.

"Tayong dalawa nga lang," inis kong sabi.

"N-naku... Huwag na lang. Kainin mo na lang iyan lahat, Seleira, tutal paborito mo iyan," she said and smiled awkwardly.

Kumunot ang noo ko at hindi na sya maintindihan lalo.

"Okay. I'll just eat this with him," sabi ko at umupo na muli. Ghad, I have work to do and here I am, talking to my crazy step sister.

"Talaga? S-sige. Sana magustuhan nya."

She went out and she's even swaying the skirts of her dress. Kumukunot ang noo ko habang sinusundan sya ng tingin paalis. Binalik ko ang tingin sa pagkain.

Wala naman sigurong lason iyan o gayuma o ano? I laughed at myself.

I continued doing my work while being concious of people walking around. Minsan ay sinisilip ko sila, ang bibilis nila maglakad. Siguro may ila-launch na naman na bagong project kaya busyng-busy ang lahat.

AZRIEL'S OBSESSION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon