Chapter 3

537K 15.1K 13.5K
                                    

Call

Nagising akong wala na si Azriel. I looked at the wall clock and it says 9:47 am. Kanina pa sya siguro umalis dahil alas otso sya kadalasan.

I looked at the bedside table. Nakita kong may pagkain. Kinukusot ko ang mata at hinawakan ang pancake. It's cold! Napairap ako.

I stood up and went to the door. As expected, it's locked. Kumatok ako roon. I heard a voice.

"Hey!" I shout

"Ma'am, hindi po pwedeng lumabas-"

"Stop putting words to my mouth. Ayoko ng almusal!" Sigaw ko.

"P-pero ma'am, kailangan nyo po iyang kanina at bilin yan ni sir-"

"It's so cold already! Anong oras nyo nilagay to dito?"

"N-naku ma'am, kanina pa po kasi yan-"

"Give me new breakfast. Ayoko ng malamig," utos ko.

Sinunod naman nya. Pinapanood ko syang kuhain iyon at lumabas. I heard the door locked which made my eyes roll. Binuksan ko na lamang ang flatscreen tv at namili ng palabas sa netflix.

Nang dumating ang almusal ay pinalayas ko na sya agad. Kumakain ako habang nanonood. It's actually quite nice. I mean, this series. This is stranger things. Nakakawala ng boredom lalo na't nawawala ang cellphone ko ngayon (na tinago ni Azriel.)

Maya maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nakita ko ang ulo ni Linda na sumisilip. Pinanlakihan ko sya ng mata at pumasok na ang buong katawan nya. May hawak syang cellphone sa tainga.

"Ma'am, si sir po gusto kayo makausap-"

"Ayoko," sagot ko at nagpatuloy sa panonood.

Bakit hindi nya ibalik ang cellphone ko para sa akin na lang sya tumawag, huh?! May relasyon siguro sila ni Linda at ginagawa nyang dahilan yan para makapag-usap sila.

"E, sir. Ayaw po ni ma'am," rinig kong sabi nya. Naghintay sya at nakinig sa sinasabi ng kausap.

"Ma'am, saglit lang daw po-"

"Ayoko nga," pag-uulit ko.

"Ayaw nya talaga, sir eh," she said. I made a face and rolled my eyes.

"Nanonood po ng tv tapos kumakain ng almusal," rinig kong sabi nya.

"Opo, kagigising lang po eh."

Umirap ako. I thought he's a busy man? Bakit tatawag tawag pa dito para alamin ang ginagawa ko.

"Can you leave? Hindi ko marinig yung pinapanood ko," I said. Kinakabahan namang tumango si Linda at naglakad na.

"Pinapalabas na ako, sir eh." Huli kong narinig bago nya isara ang pinto at i-lock. I just sighed.

Nakatulog ako matapos kumain. Nagising ako ng ala una na ng tanghali. I turned the tv off and stood up take a bath. Napansin ko rin ang tanghalian sa bed side table. Wala na rin ang pinagkainan ko ng almusal. And the food is still warm huh. Para akong preso rito.

Nagtagal ako sa banyo. Playing bubbles in the tub nang maalala ko ang ginawa namin dito kahapon. Nag-init ang pisngi ko. Umiling iling ako. No... Pinigilan kong alalahanin iyon dahil para akong sinisilaban ng kung ano. I just played bubbles to distract myself.

I want to call to tito, but how? Wala akong cellphone. Nakakatakot kulitin si Azriel at baka masaktan nya pa ako.  Natatakot akong dumating ang araw na mapagbuhatan nya ako ng kamay.

I went out of shower wearing nothing. Kinuha ko ang bathrobe ko saka lumabas. Umupo ako sa harap ng salamin at nagsimulang tuyuin ang buhok gamit ang  hair drier. Nang matapos ay nagbihis ako sa komportableng bestida atsaka nagsimulang kumain ng tanghalian. I'm so hungry.

AZRIEL'S OBSESSION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon