Chapter 4

501K 15.2K 15.2K
                                    

Hide

"M-ma'am, pinapaakyat na po kayo ni Sir Azriel sa kwarto nyo," Rinig kong tawag ng maid. Gabi na at nasa labas pa ako, I mean sa garden at nagpapahangin.

Matapos ang tahimik na hapunan ay nagpaalam syang magsshower sa kwarto namin. Lumabas naman ako rito. Ang mga guard ay pasulyap sulyap sa akin na animo'y tatakas ako.

Paano ako makakatakas sa malaking pader na yan noh! Ayos lang ba sila?

"Mamaya na," mahina kong sagot. Nakatalikod ako sa kanya at niyayayakap ang sarili dahil sa lamig.

"Pero ma'am, magagalit po si sir-"

"Mamaya na nga sabi ko diba!" Inis kong sigaw at naglakad papunta sa kabilang side ng garden. Tinawag nya pa ako ulit na mas nagpairita sa akin.

"Ano ba! I said mamaya na at gusto ko pang magpahangin! Say that to him!" Bulyaw ko. Takot naman syang tumango at tumakbo papasok ng main door.

Dinapuan naman ako ng kaba. Stupid Seleira! Dapat hindi ko na sinabi iyon. I'm so dumb. Magagalit sya lalo sa akin.

Kaya naman nang hindi nakatingin ang guard ay mabilis akong nagtago sa malaking halaman at malaki rin nitong paso. I'm slim so sigurado akong hindi ako madaling makita dito.

"Ew," I whispered to myself when my hand touched the soil. Pinagpag ko yun sa aking bestida at nananahimik na. I heard running footsteps bago ko marinig ang pagtatawag sa akin ng maid.

"M-ma'am? Nasaan po kayo?" Rinig ang kaba sa boses nya. Paulit ulit nya akong tinatawag. Tahimik lang ako at nagdasal na sana hindi nya ako makita.

"Ma'am Seleira, nasaan po kayo?" Nanginginig na sa takot ang boses nya. Kinurot ko ang sarili para hindi matawa.

Ganoon na lamang ang kaba ko sa dibdib nang magsisigaw na sya.

"Guard! Ate Linda! Tulong! Nawawala si Ma'am Seleira!" She exclaimed nervously. Nanlaki ang mga mata ko at sinilip pa lalo sila.

"Ano?! Andyan lang yun nakatayo kanina ah?!" Rinig ko namana ng guard. Shiz!

"Bobo! Natakasan ata tayo! Lagot tayo kay Sir Azriel nito!" Ang isang guard naman. Nanginig pa ang boses nito nang banggitin ang pangalan ni Azriel.

Nanumbalik ang tawa ko pero napigilan ko naman. I just laughed mentally when I saw their scared faces. Hah! Lagot kayo kay Azriel.

"Rose! Tawagin mo si Sir!" Rinig ko si Linda na sumigaw. Si Rose naman ay tumakbo muli papasok.

Iyan ang ayaw na ayaw kong marinig. Mas lalo akong kinabahan. Naririnig ko ang mga mura ng guard. Should I just show up? I'm dead. I'm literally dead. Should I just show up?!

Nagtatalo pa ang isip ko sa gagawin nang marinig ang pamilyar nyang galit na galit na boses.

"BLOODY HELL!" malakas nitong mura. Napapikit ako dahil doon. Narinig ko rin ang kinakabahan nilang mga bulong.

"WHERE ON EARTH IS MY WIFE?!" Sigaw nito. Wala namang sumagot. Parang may daga na sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"SAGOT!" muli akong napapikit at ayaw na syang tingnan.

"A-andito lang po sya k-kanina, sir... tapos sabi n-ya p-po s-sabihin ko r-raw po sa i-inyo na m-mamaya na s-sya aakyat-"

"That's why you shouldn't have listen to her! She possesses an innocent face with sweet voice but she also have the darkest plans! Damn it! Son of a bitch!" Pagsisigaw nito. Nang silipin ko sya ay pulang pula ang mukha nito. Nag-init ang pisngi ko nang makitang wala syang pang-itaas at basa pa ang buhok. Tila kaliligo lang at naghanap lang ng jeans para bumaba agad dito.

AZRIEL'S OBSESSION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon