Chapter 29

332K 9.2K 23.7K
                                    

Drunk

Pinanood namin ang nasa tapat naming bahay na maghakot ng mga gamit nila. Isang malaking truck din ang nagkakarga ng mga ito.

"Saan sila lilipat?" tanong ko sa katabi kong si Strevan.

Andito kami at nakatambay sa harap ng bahay ni Strevan habang kumakain ng pakwan.

"Dyan lang din daw, banda doon kila tiya," sagot nya. Napatango naman ako.

"Eh dyan lang pala, bakit lilipat pa?" tanong ko habang tinatanggal ang mga buto sa slice ng pakwan ko.

"Hindi ko alam, Lyra."

Inirapan ko sya at kumain na lang. Napatayo si Strevan nang lumapit sa bakod namin ang isang babae.

"Mag-iingat po kayo, Aling Laila," sabi nya rito at lumapit doon. Tumayo na rin ako at lumapit.

"Naku! Oo naman. Dyan lang din naman kami lilipat," she laughed. "Kaso baka ma-miss ka ni Stephany!"

Strevan laughed.

"Mag-ingat na lang po kayo. Uh, kailangan nyo po ba ng tulong?" he asked politely.

"Ay! Oo, dalawa lang kasi yung nagbubuhat tapos patpatin pa yung isa," sabi nito. "Babayaran na lang ki-"

"Wag na po," he cut her words before looking at me. "Saglit lang 'to," pagpapaalam nya. I just nodded and watched them go to the house in front of us.

Madaling nabubuhat ni Strevan ang mga gamit. Hindi nga sya mukhang nahihirapan. Iyong Stephany naman ay kilig na kilig habang pinanonood sya. I smirked at her when she looked at me. Nanlaki ang mga mata nya at nagmamadaling pumasok sa loob.

What? Wala naman akong ginawa ah!

I just smirked! Umirap ako at pumasok na lang ng bahay dala dala ang plato ng mga pakwan.

The next day, Kayee showed up in our house at 6 AM. Yes! Ang aga aga!

Ako pa ang nagbukas dahil naliligo si Strevan. Well, today is Sunday so he's here all day. We also have plans to go for a picnic near the ocean later.

"Good morning! Bakit?" tanong ko. Sumimangot agad ang mukha nya at luminga-linga sa likod ko.

"Hello? Bakit?" pag-uulit ko at kumaway pa kaya napatingin sya sa akin.

"Ah, si Strevan?" tanong nya.

"He's taking a bath," I answered. Naningkit ang mga mata nya sa akin. "Why ba?" tanong ko ulit.

"Gusto mo tawagin ko? Pwede ako pumasok," pang-aasar ko at ngumisi. "Hindi sya magagalit," dagdag ko pa.

I want to laugh hard when her eyes widened because of anger.

"Just kidding. Bakit nga? Pasok ka kung gusto mo," bawi ko.

Look, I'm trying so hard to be nice here!

"Sige. Hihintayin ko siya rito," she said coldly. I giggled and nodded.

Pumunta ako sa kusina para sa juice ng bruha. I get why she's mad at me, it's because she likes Strevan. Just like I said, I can help her only if she's been nice to me. But she's not, kaya bahala sya.

"Strevan! Si Kayee nasa salas!" sigaw ko.

"Bakit?" rinig kong tanong nya mula sa loob ng banyo.

"I don't know!"

"Palabas na ako."

Inilapag ko ang juice sa maliit na mesa kaharap ni Kayee.

"Palabas na raw sya. Sa kwarto lang ako," pagpapaalam ko. Her eyes glimmered. Nakangisi tuloy akong pumasok ng kwarto. See! She likes him! She likes him! Nagniningning ang mga mata nya nang magpaalam ako para ma-solo nya si Strevan.

AZRIEL'S OBSESSION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon