Strevan

249K 8K 21.8K
                                    

Strevan's.

"Strevan, saan ka?! Tara na!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Strevan, saan ka?! Tara na!"

Ibinaba ko ang platong may pritong itlog bago linungin ang pinto. Bumukas ito at lumitaw ang ulo ni Zac. Ngumisi sya at tinawag pa akong muli.

"Bakit ang aga nyo?" seryoso kong tanong at nilingon ang orasan. Alas tres i-medya pa lang. Kadalasan ay alas kwatro kaming umaalis para mangisda.

Tuluyan na syang pumasok at napatingin sa mesa ko. Kahahanda pa lang ng almusal ko.

"Bakit ka pa nagluto? Hindi ba sinabihan kita kagabi na huwag na?! May paalmusal nga roon kina Kayee!" Halo ang pagtataka at inis sa boses nya.

Napapikit ako nang maalala nga iyon. "Nakalimutan ko."

Ganito ako lagi. Makakalimutin dahil masyadong abala sa trabaho ang utak ko. Doon lang naman tumatakbo ang buhay ko.

Trabaho at bahay tapos kaunting oras sa mga kaibigan. Pagkatapos noon ay wala na. Kaya naman ganoon ka-boring ang buhay ko. Parang may kulang lagi pero hindi ko alam kung ano.

Napagtanto ko ang kulang na iyon sa pagkatao ko nang magsimulang manirahan ang isang babaeng hindi ko kilala rito.

Marahil sasabihin ng iba na isa akong tanga sa pagkupkop ng taong hindi ko kilala pero unang kita ko pa lang ay alam ko nang hindi ito masamang tao.

Sobrang ganda at amo ng mukha. Pinakamagandang babaeng nakita ko ngunit hindi 'yan ang nagtulak sa akin na kupkupin sya, kinupkop ko sya dahil kaawa-awa ang itsura nya.

"Putang ina," mura ko habang tinatahak ang madilim na daan, karga karga ang walang malay at duguan nyang katawan.

Ni hindi ko alam kung paano ko sabay-sabay nahahawakan ito. Karga ko ang katawan nya, isang maleta, at isang flashlight.

Ako lang ang nakakita sa kanya dahil hind ako sumabay kina Zac. Tulad ng sinabi nya, nag-almusal pa sila kina Kayee pero dahil nakaluto na ako ay hindi ako sumama.

"Manang Stella!" sigaw ko at ibinaba ang maleta't flashlight. Mabilis ko ring kinatok ang bahay.

"Strevan? Jusmiyo, ano iyon at nagsisisigaw ka sa madaling araw?!"

Gulantang sya nang makita ang karga karga ko. Hindi pa sya naestatwa sa dugo, kung hindi dahil sa mala-anghel nitong itsura.

Mabilis kaming umuwi ng bahay para doon nya magamot.

Akala ko talaga patay na sya dahil sobrang daming dugo. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya o paano sya napunta doon pero gusto ko lang tulungan sya.

AZRIEL'S OBSESSION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon