Chapter 37

607K 11.6K 18K
                                    

Mature

"Huwag mo akong ma-prank prank, Seleira!"

Tumawa ako at umiling-iling kay Tito.

"I'm not lying!"

Nagkatinginan sina Tito at si Tito Hiro, tila hindi pa rin naniniwala sa sinabi ko.

"Hubby, oh," pagsusumbong ko sa asawa. Ayaw kasing maniwala ni Tito na buntis nga ako.

"Totoo ba, Azriel?!" ninenerbyos na tanong ni Tito.

"Yes, we're pregnant."

I pouted and let him kiss my forehead. Laglag panga naman si Tito sa harap ko habang si Tito Hiro ay tipid na ngumiti sa amin tapos ay binalingan si Tito.

"What?! Kailan pa? At saka kakabalikan nyo lang ah?" gulat nyang tanong bago ako tingnan at ituro. "Ang rupok mo, Seleira!"

Inirapan ko sya at saka tumawa. "I'm not!"

Hindi nya naman ako pinansin at binalingan naman si Azriel.

"Ikaw naman, ang bilis mo, hijo!"

Azriel just smirked evilly before snaking his sinful arms on my waist.

"I had to..."

Sinamaan ko sya ng tingin pero malambing na titig lang ang iginawad nya sa akin.

"N-no offense but how about your career? You have already signed contracts! And will you publicize this? Paano si kuya, sasabihin mo ba?" sunod sunod nyang tanong.

"I'll stop while I'm pregnant and I'll see if I still want to come back after... or just take care of our baby," mahina kong sabi at tiningala si Azriel. Nakangiti ang loko na tila gustong gusto ang sinabi ko.

"Shit, you're really a mother now, Seleira! Hindi ako makapaniwala!"

"About sa kung ipapa-public ba and the contracts, I'll let Pearl think about that since she know things about this better. Kay Papa... I don't even know where he is."

Both of my Titos looked at each other meaningfully. Nagtataka naman ako at parang may naramdamang hindi maganda.

"Uh... Kuya is sick, Seleira," nag-iingat nitong sabi.

"H-huh?" gulat kong tanong. Binalot agad ng pag-aalala ang sistema ko kahit na may ginawang kasalanan sa akin si Daddy.

"Yes. Na-trigger ang sakit nya sa puso dahil sa sobrang stress."

It's like my heart sank with what I just heard. Nanlumo ako at nag-init agad ang gilid ng mga mata ko.

"W-where is he? T-they don't have money, Tito. Paano na si papa?" tanong ko sa malapit nang umiyak na boses.

Napamura si Azriel bago ako yakapin mula sa gilid. Hinalikan nya rin ang buhok ko at hinahaplos-haplos ang aking braso.

"Seleira, calm down, you just said you're pregnant!" naaalarmang sabi ni Tito at napatayo. Si Tito Hiro ay tumayo rin upang kumuha ng tubig.

"Where are they?!" tanong ko.

"Baby, calm down..."

"Nasa St. Paul Institute. Tinutulungan naman namin pero mataas ang pride, hija. Dagdag pa itong si Anikka na galit na galit pati sa akin! Bwisit talaga ang malditang iyon!" inis na sabi ni Tito.

"I don't care about her. I want to visit Papa, tito, please... tomorrow?" I begged Tito with my puppy eyes before looking at Azriel. "Hubby?"

He sighs heavily before stroking my hair. "You need to sleep more and rest. Please do not stress."

AZRIEL'S OBSESSION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon