Chapter 26

339K 9.7K 18.6K
                                    

New

I opened my eyes and immediately felt the pain of my body, pero hindi na ganoon kalala katulad kanina.

Inilibot ko ang paningin ko. Nasa isa akong bahay... na gawa sa plywood at kahoy. Medyo mainit at hindi sanay ang balat ko sa ganito kainit na pakiramdam.

I looked down in my tummy. Nakita kong tumigil na ito sa pagdugo at nakabenda na rin ito, may iilan pang sa tingin ko ay halamang gamot na kasama sa benda. Kinapa ko ang noo ko at nakabenda na rin ito.

I roamed my eyes once more. Where on earth am I?

Para akong nakatira sa isang bahay sa mga probinsya. It looks classic, woody, and old.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. The door made a squeeky and creepy sound.

A man in his mid 20s entered while carrying a wooden tray. Napaawang ang bibig ko nang makita ang itsura nito.

He's handsome. I mean... he's so handsome. I suddenly remember Azriel, but Azriel, of course, is more handsome than him. It's just that his build kinda resembles Azriel's except that this man has a darker complexion.

He has this strong muscles and he's also tall. Seryoso ito at nakatitig sa akin habang naglalakad papalapit.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong nya sa mababang boses. Hindi ako kaagad nakasagot. Nauutal ako at nanginginig pa rin.

"I-I... w-where am I?" I asked, not minding his question. I forced myself to sit but I ended up moaning in pain.

"Mas mabuting humiga ka muna," sabi nya. Umupo sya sa kahoy na upuan kaharap ng kamang kinahihigaan ko. Ni hindi nga ito malambot. Pagkatapos ay inilapag nya ang tray na may lamang pagkain sa maliit na mesa.

"W-who are you? H-how did I g-get here?" I asked. Gulong gulo ako sa kung nasaan ako at kung sino ba sya.

"Nakita ko ang katawan mo sa damuhan bandang De Lama kanina. Duguan ka at akala ko patay ka na."

I watched how his jaw and lips moved as he speak his words seriously. Makapal ang kilay nito at seryosong seryoso lang ang ekspresyon. Umiwas ako ng tingin ng matantong hindi ko mapigilang ikumpara si Azriel.

"Sino ka at paano ka napunta dito?" sya naman ang nagtanong.

Sa tanong nya ay naalala ko ang mga nangyari. Si daddy... sina tito... si Azriel at si Anikka. Ang paghihirap ko sa van kasama ang mga taong hindi ko kilala. Ang walang awa nilang pag-abanduna sa nanghihina kong katawan.

Nag-init ang mga sulok ng mata ko at nagsimulang umiyak. His eyes widened and I felt his hesitancy to touch me.

"I-I don't know," umiiyak kong sabi. Titig na titig sya sa akin at dahan dahang tumango. Bumuntong hininga sya at tila naintindihan na ayaw ko pang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.

"Anong pwede kong itawag sa iyo, kung ganoon?"

I stopped crying and looked at him for a while, amused at his straight tagalog speaking.

"L-lyra," sabi ko sa maliit na boses.

"Lyra," pag-uulit nya. Umiwas ako ng tingin nang tumitig sya ulit sa akin. He's serious and it's like he can see my soul through his intense and serious gaze.

Natigil lang sya nang may nagtawag sa kanya sa labas. He stared at me for a while before standing up.

"Strevan, pare!" I heard another masculine voice.

"Von," rinig ko namang pagbati nya rito. I can clearly hear them talking even outside this room because everything is just wood here.

How come a handsome and musculine man like him lives here? Don't get me wrong. I don't like him.

AZRIEL'S OBSESSION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon