Anikka

358K 7.3K 37.5K
                                    

Anikka's.

I'm jealous of everything she have

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I'm jealous of everything she have.

Walang wala ang buhay namin sa buhay nya. Hindi ko pa maintindihan noon kung bakit. Bakit sya ang mas lamang gayong ako naman ang legal na anak.

"Kilala ko sya, mama," pagkausap ko sa aking ina noong nabubuhay pa sya.

I know her so well. I actually seen her personally.

"M-maganda ba?" Nahihirapang tanong ni mama. Inayos ko muna ang kumot nya na magtatatlong taon nya na ring ginagamit.

Ngumiti ako nang mapait bago sumagot, "Sobra po."

"Maganda po ang uniform nila, 'ma. Parang iyong sa mga anime na napapanood ko," paglalarawan ko. Nakita ko sya noong sya ay nasa high school pa.

Sobrang ganda nyang nagdadalaga. Pinagmasdan ko lahat ng mga tao tuwing dumadaan sya, nababali ang leeg katitingin, babae man o lalaki, matanda man o bata.

"Hmm... m-maganda ang ina nya, Anikka."

Napayuko ako nang tumulo ang pinipigilan kong luha. Alam ni mama. Alam ni mama ang tungkol sa kabit ni papa. Iyon ang nagpapalala ng kondisyon nya. Stress.

"K-kaya mas m-mahal iyon ng p-papa mo-"

"MA!" I cried. Tumawa sya pero kumislap ang kanyang pisngi, tanda na umiiyak sya. Nagmumukhang matanda si mama dahil sa sakit nya.

"Ituloy mo, Anikka... Gusto kong marinig ang tungkol sa anak nya."

Nagpunas muna ako ng luha at tumikhim bago magsalitang muli.

"Ang gaganda ng gamit nya, 'ma. Palaging mga branded, iyong mga brands na nakikita ko sa magazines!" I laughed.

Hindi kumibo si mama kaya nagpatuloy ako.

"Nang makita ko syang muli ay nasa kolehiyo na sya. Sobrang ganda nya talaga at nakakainggit. Parang nahihiya ako kung malalaman nyang ako ang kapatid nya. Para akong basura pag tinabi sa kanya," I laughed but I'm really in pain.

"Anak. T-tigilan mo ang paggaganyan," saway ni mama. Tumango na lamang ako.

"N-nalaman ko na pag kolehiyo pala sa Manila, hindi sila nag-uuniform. Dalawang beses ko syang nakita, 'ma."

Sobrang ganda nya na para syang iyong mga bida sa anime. Parang pumapabor ang araw sa kanya at kahit saan sya pumunta ay nagliliwanag sya. Para syang kumikislap sa paningin ko.

AZRIEL'S OBSESSION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon