Chapter 30

394K 10.7K 22.4K
                                    

Moved

Days passed and Strevan is being distant. I mean, hindi naman talaga kami physically close lagi, but we always talk and laugh. Ngayon at noong mga nagdaang-araw, parang dumidistansya sya na hindi ko maintindihan.

"Why? M-may ginawa ba akong m-masama?" natatakot kong tanong sa kanya. I'm really afraid if he might just kick me out of his house once he realize I'm nothing but a heavy luggage for him.

"Wala," maikli nyang sagot.

"E bakit parang galit ka? Bakit ka ba nagagalit sa akin?"

"Hindi ako galit."

I pouted and watched him sweep the floor. Itinaas ko ang mga paa ko sa upuan para mawalisan nya ang ilalim ko.

"But it feels like you are."

"Hindi nga-"

"Hindi ako titigil hangga't hindi mo sinasabi kung bakit!"

Bumuntong hininga sya at umiling-iling. What the hell did I do ba? I really have no idea at all. This all started after we went to that anniversary party.

"Ano ba? Sabihin mo lang kung ayaw mo na ako dito!" Naiiyak kong sabi. He looked at me with his ruthless eyes. But his expression suddenly softened, too.

"Hindi 'yan ang sinasabi ko-"

"Eh ano nga?!"

"May asawa ka na." It wasn't a question. Dinig din ang pait sa boses nya. Napaawang ang bibig ko at nanlaki rin ang aking mga mata.

"W-what?"

"Azriel ang pangalan," he added without looking at me. He stares at nothing with his bitter and slightly pissed expression. Nag-iigting na rin ang panga nya.

What?! How did he know?

"Saan mo nalaman 'yan?" nanginginig ang boses ko.

"Niloko ka at sumama sa kapatid mo, ganoon ba? Kinamumuhian ka rin ng tatay mo. Iyon ang dahilan mo kaya ayaw mo nang bumalik sa Maynila."

His voice is so serious and there's really no trace of emotion.

"S-Strevan..."

"Seleira," he called me with my real name.

Mas lalong tumulo ang mga luha ko nang muling marinig na may tumawag sa akin ng totoo kong pangalan. Nag-aalala nya akong pinaupo muli sa upuan bago umupo sa harap ko.

"I'm sorry... I didn't t-tell you anything. I'm sorry, Strevan, I really am..." umiiyak kong sabi. Tinakpan ko rin ang mukha ko ng dalawa kong palad.

"Shh. Hindi mo naman kailangan sabihin ang kahit ano. Wala naman akong karapatan malaman, tahan na..." marahan nyang sabi unlike earlier that he really look and feel like a ruthless man.

"Kumusta ka? Ayos ka lang ba? Hindi ko alam kung anong nangyari at napadpad ka rito na duguan at walang malay," para akong hinehele sa tono nya.

I cried even more when he asked if how am I and am I okay. Hinagod nya rin ang likod ko kaya mas lalo akong nagiging emosyonal.

"N-nagagalit ka ba kasi tinago ko?" mahina kong tanong at sinulyapan sya. Agad naman syang umiwas ng tingin na parang nahihirapan makita ako.

"Hindi. Walang kaso sa akin 'yon. Talagang... umasa lang ako... pero kasalanan ko 'yun," his voice suddenly sound sad which made me confuse.

"Umasa saan?" tanong ko habang pinupunasan ang luha.

"Wala," he quickly dismissed it.

Kinuwento ko sa kanya ang iilang parte sa nangyari sa akin. He looks so mad when I tell him about my conclusion that my sister and my husband are cheating behind me. Dagdag pa iyong kay daddy.

AZRIEL'S OBSESSION (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon