Simula

4.3K 34 2
                                    


Slight R-18 ahead

"Ang gwapo talaga ni sir pagmalapitan ugh!"

"OMG! Ang super hot talaga ni sir"

"Sinabi mo pa! Parang gusto kong magpagamit sa kanya huhu" Ano na naman ba tong naririnig ko? Pinagnanasaan nanaman nila si Sir Marcus!

Sa loob ng isang taong pagta-trabaho dito sa sikat na kompanya ng mga De Castro, wala na talaga akong ibang naririnig kundi ang mga papuri at pagnanasa ng mga babaeng katrabaho o nakakatrabaho ko.

"Ikaw Sirene? Wala ka bang gusto kay sir?" Dinig kong tanong ng kasamahan ko.

"Oo nga Sirene di namin narinig na pinagnanasaan mo si sir lahat ng babae dito yan kasi ginagawa alam mo bang napaka bait mo talaga? Plus points ka sa heaven kapatid!" Dagdag nung isa habang nakatawa

Napapikit nalang ako at mabigat na nagpakawala ng buntong hininga tsaka sila sinagot. "C-Crush lang naman pero hindi tulad ng sainyo" at ayokong pumailalim at mahigitan pa ang nararamdaman ko. Ngumiti ako sa kanila ng marahan

"Aba! Palagi ka kasing tutok sa pagta-trabaho mo naku naku!" Sagot niya pero di ko naman na siya sinagot pa

Hindi naman kasi nakakapagtaka eh. Aaminin ko ang gwapo ni sir. Napaka kisig, matalino, mayaman at lahat ng gusto ng babae nasa kanya na.

Sa totoo, aaminin kong gusto ko talaga si sir at dahil na rin sa kung ano ang trato niya samin. Lahat kami pantay-pantay sa kaniya.

Pero hindi ko talaga maipagkakaila na may kutob akong hindi mabuti dito kay sir. Hindi ko malilimutan yung araw na yun kung san may nakikilabot akong narinig sa opisina niya.

"Harder Marcus! Yan! Shit!"

Malay ko ba maririnig ko yun e naka awang konti ang pinto at di ko sinasadyang marinig yun pagdaan ko!

Agad kong iniiling ang ulo ko dahil nasa isip ko nanaman yung pangyayari na yun.

Gusto kong ipagliban lahat ng nasa isip ko. Gusto kong malulong sa trabaho ko.

Oo trabaho talaga ipinunta ko dito sa manila para mapa opera agad si Tatay sa sakit niya sa puso.

"It cost a half to a million para mapagamot agad agad ang Tatay mo hija. But we're doing our very best to heal him as soon as possible" napanting ang tenga ko sa laki ng presyong iniatang saamin ng doktor. San ako makakakuha ng ganung kalaking halaga? Kung pwede nga lang ibenta ang isa sa kidney ko siguro nasa bahay na ulit si tatay o kaya'y nagsasaka.

Ang dami na ng iniisip ko. Wala pa nga akong sahod ngayong buwan e. Halos naubos lahat ng pera ko sa pangagailangan ko dito sa manila at sa pagpapadala kila Tatay ng pera.

Dagdag pa si Reese na tinutulungan kong mag gastos ng pagpapaaral niya dahil malapit na siyang magtapos sa college.

Itinuon ko ang atensyon ko sa ginagawa ko at inililiban nalang lahat ng problemang pumapasok sa kukote ko na tila bang puputok na dahil sa dami dami kong naiisip at nang mag ring ang cellphone ko kalaunan.

Agad akong lumabas at tumuon sa fire exit nung nakita kong si Nanay ang tumatawag at inaasam na mabuti ang balitang dadalhin niya sakin pero sumikip ang puso ko sa narinig ko.

"Anak ang Tatay mo sinugod uli sa hospital kasi parang di na nakayanan ang sakit niya humihingi kami ng tulong ngayon kung sino mang pwede mahingan at umutang narin kami. Anak kelan ka pa magpapadala ulit para sa tatay mo?"

"S-Sige nay. K-Konting tiis muna tayo. Babayaran ko l-lahat ng inutang mo." Pigil ng iyak na usal ko

"A-Anak p-pasensya ka na ha? Kami muna ang bahala sa tatay mo hanggang sa makasahod ka na't makauwi dito." Dinig kong iyak ni Nanay pero wala akong magawa.

My Only DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon