Hilong hilo akong bumaba ng eroplanong sinasakyan namin. Malapit na sana akong tumumba at mawalan ng balanse nung saluhin ako ni Marcus."P-Pasensya na kanina pa ako nagduduwal" baka amoy panis na ako dahil sa suka ko kanina pa.
"No I won't mind. Napapadalas na ang pagsusuka mo lately are you completely okay love?" Tanong niya pero nagtataka ako bakit palagi akong naduduwal.
"Okay lang ako tara na gusto ko nang umuwi" pagod na talaga yung katawang laman ko at mabuti nalang hindi na nag matigas si Marcus at sumunod nalang.
"Mama! Welcome home!" Agad akong sinalubong ni Mavy ng yakap nung nakarating na kami sa sasakyan na mag uuwi samin sa bahay.
"Anak I miss you" yakap ko sa kanya at pinang gigilan siya ng yakap. Na miss ko talaga ang anak ko. Mabuti nalang sumama siya sumundo samin dahil mababaliw ako pag natagalan pa uso kasi traffic di na ako makapag tiis.
"Mama may laman na ba to?" Nagulat ako sa tanong niya pati si Marcus na kaninang hinihimas ang ulo ni Mavy ay huminto.
"Ah Mavy dali na pagod na Mama at Papa mo e sa bahay na tayo mag uusap mamaya ha?" Kinarga na niya si Mavy pero dinaka alis sakin yung tingin niyang nang aasar kaya inismiran ko nalang siya.
"Ma!" Tawag ni Marcus sa mama niya at sinalubong siya ng yakap.
"Anak ko! Ano na? May pangalawang apo na ba ako? Kamusta?" Biglaang tanong niya na kinabuga ko ng ininom ko na tubig.
"Yuck ate! Bakit mo binuga sakin?" Napangiwi ako nung kay Reese ko pa talaga na buga yung inumin ko.
"Ma! Wag naman mo naman pine-pressure si Sirene we've been talking about it nung nasa Seattle pa kami" Tanggol ni Marcus sakin.
"Talk lang? How about—"
"G-Gutom na pala ako haha!" Dagling putol ko sa sasabihin ng Mama niya dahil nandito si Mavy kumakain ng mga hinanda nila kanina pa. Sinurpresa kasi nila kami. Welcome party bakamo.
Nagsimula na kaming umupo lahat at kumain pero wala akong gustong kainin. Gusto ko lang sana umakyat sa taas at matulog pero ang bastos naman pag ganun iaasta ko. Kaya sinabayan ko nalang sila. Kakain nalang siguro ako kahit konti.
"Ate kain ka nito" inabot ni Reese sakin yung vegetable salad at nilagyan ako.
"Ano ba Reese ang dami niyan!"
"Anak eto pa kelangan mo gulay" Nilagyan rin ni Nanay yung plato ko nung Chopsuey.
"Eto Sirene kain ka marami mas makakabuti sayo yan para hindi ka duwal ng duwal" binigyan rin ako ng Mama ni Marcus ng salmon.
Yung plato ko kaninang walang laman ay puno na at halos wala nang bakante para sa kanin. Binigyan nila ako ng apple juice at maraming prutas na ikinapagtataka ko lalo sa kanila.
"T-Teka po h-hindi ko mauubos lahat ng yan e—" tinalasan nila ako pareho ng tingin kaya napalunok ako at wala nang ibang ginawa kundi kainin lahat ng nasa plato ko.
"Love, is there something wrong?" Nasa likod ko na pala si Marcus hindi ko kasi naramdaman ang presensya niya dahil kanina pa ako nanunood ng mukbang sa kwarto namin at kanina ko parin hinihimas ang ulo ko dahil feeling ko nagkakaroon ako ng vertigo.
"Okay lang ako" Nginitian ko siya ng matamis para makumbinsing okay kang talaga ako. Hindi ko alam pero madalas ng nangyayari sakin to.
"You sure?" Hinalikan niya ang sentido ko habang kinikiliti ang gilid ng bewang ko.
"Marcus tigilan mo muna ako" saway ko sa kanya na ikinatawa niya lang dahil alam ko na ang habol nito. Tumayo ako upang pumunta sa kusina at kumuha ng tubig dahil nauuhaw ako.
Pagkababa ko ay naabutan ko si Reese na may kinakalkal sa ref. Malamang ay pagkain nanaman dahil ano pa bang aasahan ko e parang hindi na uubusan ng pagkain ang lalakeng yan.
"Oh ate? Gising pa?" Tanong niya sakin habang kumukuha ako ng tubig.
"Hindi nag s-sleep walking ako" Pinaningkitan niya ako ng mata kaya napairap ako. Napainom ako ng tubig dahil sa hudlong to.
"Bakit bangon ka pa sa mga oras na ganito? Alam mo bang patay gutom ka?" Nilagay ko nalang ang baso sa lababo at lumabas na ng kusina.
"Sobra ka ate ah? Di ko kasi nakain to kanina" tiningnan ko yung pagkaing hiniwa niya at sumubo siya roon. Umakyat kami pareho sa taas pero tinakpan ko yung ilong ko dahil ayaw ko sa amoy nung kinakain niya tapos siya sarap na sarap pa.
"Ano ba... yan?" Tanong ko na parang nandidiri sa kinakain niya.
"Lasagna" sabi niya habang ngumunguya pa. "Gusto mo?" Inilapit niya sakin yung pagkain na pinandirihan ko at parang kumulo ang tiyan ko dahil sa masangsang na amoy. Napatakip ako ng bibig ko.
"Lah? Ang pangit mo naman ka bonding ate luto ko kaya to!" Habol na sabi niya sakin bago pumasok ng kwarto niya.
Dali dali akong pumasok na ng kwarto namin ni Marcus at dumiretso sa loob ng CR. Nabigla si Marcus sa kalabog na ginawa ko kaya sinundan niya ako at hinagod ang likod ko.
"Love pang ilang suka na ba yan ngayon? We need to go to the hospital right now—"
"Wag!" Pigil ko sa kanya at nagulat siya. "I mean wala lang to hindi pa siguro naka adjust yung sikmura ko mula kanina sa byahe". Pagkukumbinsi ko sakanya para matapos na yung gitgitan namin.
Pagod na ako at gusto ko ng matulog nalang.
Nasa pinaka kumportableng pwesto na kami nung nagsalita si Marcus.
"Ihahatid kita sa hospital bukas at magpacheck up ka. Hindi mo ko madadala sa mga pagpapalusot mo." Kahit naka talikod ako ay ramdam ko parin yung autoridad sa sinabi niya. Kaya napalunok ako bigla.
"Do you understand Sirene? I am just worried about you baka hindi na normal yung pagduduwal mo." Bumangon siya at tiningnan niya ako habang nasa tiyan ko parin ang braso niya. Tiningnan ko rin siya ng naka kagat labi at tumango.
"Good" sabi niya at hinalikan ako sa sentido ko. "Good night love". Yun at isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko ramdam ko ang paghinga niya na kumikiliti sakin. Iniayos ko na ang pwesto ko bago mahimbing na natulog.
BINABASA MO ANG
My Only Desire
عاطفيةGusto ko lang naman magtrabaho at matulungan ang pamilya ko kaya napilitan akong makipagtalik sa boss ko para sa malaking halaga hanggang sa di inaasahang may nabuo pala matapos ang apat na taon. (Photo cover not mine) Slightly matured content Autho...