4

1.9K 23 1
                                    


Hindi ko alam kung ilang araw na ang nakaraan simula nung kinuha ni Marcus si Mavy sakin.

May karapatan naman siya dahil galing naman sa kanya si Mavy. Pero nakakalungkot lang at wala akong kakulitan dito mula sa pagising sa umaga at pagtulog sa gabi. Palagi na rin akong babad sa trabaho para hindi ako gaano nag iisip sa mga problema ko.

Yung tipong isang tingin mo lang kay Mavy napapawi lahat ng pagod sa katawan mo?

Sana magkamabutihan kayo ng anak natin Marcus.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtutupi ng damit nung may nagtext sakin.

Marcus:
Let's talk in my office I'll see you after our last meeting. Be there in 30.

Anong oras na ba at malapit na ang kinalaliman ng gabi?

Pagkatapos kong mabasa ang text niya ay dali dali akong naligo at nagbihis naglagay ng konting lipstick at pulbo tsaka pumunta na sa sasakyan sa labas.

Pagkababa ko ng kotse ko, pinakalma ko muna ang sarili ko't nagpalabas ng buntong hininga. Magiging maayos din to. At maaayos din to. Lakasan mo lang ang loob mo't magsabi lang sa kanya ng totoo. Inihahakbang ko palang ang isang paa ko nung may lumapit na sakin sa parking lot.

"Good evening Ma'am Sirene hatid ko po kayo sa office ni sir kanina ka pa niya hinihintay" Maamong tugon sakin ng isang babaeng mas bata pa siguro sakin.

"A-Ah.. sekretarya ho ako ni sir Marcus Ma'am pasensya na ho kayo't di ako nakapagpakilala agad" nahihiyang sabi niya sakin.

"Ah no it's okay" sabi ko na lamang sa kanya. Napansin niya nga sigurong nakatitig ako sa kanya't inoobserbahan pa siya.

"This way Ma'am sa tenth floor po ang office ni sir" ngiting sabi niya sakin

"Sige maraming salamat" ani ko sa kanya bago pumasok ng tuluyan ng elevator.

Tahimik lang akong nag aantay na makalabas nang magsalita ang babaeng kasama ko sa loob ng elevator.

"He didn't even let me in! May appointment daw siya!" Nang-gagalaiting sabi nung babae sa cellphone niya. "At this time?! Akalain mo yun appointment daw?! Ha!" Singhal niya kaya mas lalong nakakunot ang noo ko.

I'm not trying to eavesdrop pero talaga lang ang lakas niyang magsalita na parang wala siyang kasama dito.

Huminto ang elevator sa eighth floor. Baka nga dun yung punta niya. "I am totally not sure if nagsasabi siya sakin ng totoo!.. Okay I'll be there in a minute geez!" Huling sabi niya sabay baba ng cellphone. Agad na siyang lumabas at umalis na parang batang nagdadabog.

Wow ha?.

Nang huminto ang elevator sa tenth floor ay lumabas agad ako. Naglakad ako papuntang opisina niya. Marcus De Casto. Ito na yung opisina niya. Nang nasa harap na ako ng pintuan ay pipihitin ko na sana ang door knob pero binaba ko ulit ang nga kamay kong nanlalamig na. Eto na yun. Kalma lang Sirene. Kumatok muna ako ng pangatlong beses at pinihit ang door knob. Sumilip muna ako sa loob. Ang dilim sobrang dilim naka off lahat ng ilaw pero napatigil ako sa pagsilip ng marinig ko ang boses niya.

"Come on in. And lock the door" agad akong kinabahan dahil ang mga salitang yun. Parang bumalik ako sa nakaraan nang utusan niya akong ilock ang pintuan. "I'm not making stupid request again Sirene wag kang matakot mag uusap lang tayo." Rinig kong sabi niya at nag aalinlangan pa akong pumasok.

Pumasok ako sa silid at inilock ang pintuan gaya ng utos niya nang biglang umilaw ang mataas na lampshade sa gilid ng sofa niya.

"Hindi mo lang ba ako babatiin?" Bakas sa tono ang pagka sarkastiko niya.

My Only DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon