Alas sais ng umaga ako nagising. Tiningnan ko si Marcus muna bago maingat na bumangon upang hindi siya magising. Kinuha ko sa cabinet yung binili namin kahapon ni Reese sa pharmacy at pumunta sa CR at inilock ang pinto.Kumuha ako ng baso at pinatakan konti yung tester. Nag antay ako ng isang minuto bago tingnan yung resulta. Kinakabahan parin ako kahit alam ko na ang resulta base sa mga nararanasan ko nung mga nakaraang pinagbubuntis ko pa si Mavy.
At hindi ako nagkamali sa inaasahan ko , tama nga ako sa lumabas na resulta. Wala pa akong balak sabihan si Marcus dahil gusto ko na mabigla siya kaya tinapon ko sa basurahan ang PT at naghugas ng kamay bago lumabas ng kwarto. Tulog parin si Marcus ng paglabas ko kaya bumaba ako para maghanda ng makakain naming almusal. Tamang tama pagkatapos kong maghain ay gising na ang ibang mga katulong at tinulongan akong maglinis ng bangera.
"Morning" bati ni Marcus sakin habang buhat niya sa isang kamay niya si Mavy at nasa buhok niya pa ang isa niyang kamay upang ayusin ang magulo niyang buhok.
"Goodmorning" bati ko rin balik sa kanya. Kinuha ko sa kanya si Mavy upang maka pag handa na siya sa sarili niya.
Habang kumakain kami ni Mavy ay ramdam ko ang halik ni Marcus sa tuktok ng ulo ko. Ningitian ko lang siya at sumimsim naman siya ng tinimpla kong kape para sa kanya.
"Coffee?" aya niya sakin pero umiling ako sabay subo ng pagkain. "You're weird" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at napailing nalang.
"Love? is something wrong?" pangungulit niyang tanong sakin.
"Nothing" sagot ko.
"Is this about yesterday? I'm sorry I--"
"Wala nga!" tumayo nalang ako pero bigla niya akong hinuli gamit ang isang braso niyang nakapulupot sakin. "Ano?"
"Did I do something?" inilingan ko lang siya at pilit na kumawala sa bisig niya. Dali dali nalang akong pumunta sa kwarto namin at naligo na.
"San daw kayo mamaya?" naabutan ko si Marcus na nagbibihis pa pero tuloy lang ako sa walk in closet at nagpalit ng damit.
"I don't know, I just want to be here. To be with you." Lumapit ako sa kanya at tinapik ng marahan ang pisngi niya.
"Ayoko ng sobrang clingy, yung level ng clinginess mo nasa 999% na kaya you enjoy your night later sigurado ako wala kang time sa mga kaibigan mo dahil madami kang ieentertain sa party mo bukas"
"Urgh! I hate entertaining someone." napahiga siya sa kama dahil sa iritasyon.
"Sus parang hindi sanay sa work ah?"
"I just.. Love the way how you entertain me" taas babang kilay na sabi niya sakin kaya nag init tuloy yung pisngi ko.
"Manyak!" Pinalo ko lang siya ng shoulder bag ko at tuloy na lumabas ng kwarto.
Ako na ang umiiwas baka dahil kung saan pa makarating yung panghaharot niya.
Pagkababa ko ay naabutan ko si Reese na nakikipag laro kay Mavy ng clay. Hinalikan ko nalang sa pisngi si Mavy at nagpaalam na dahil male-late na ako sa trabaho.
"Wag mo na akong sunduin mamaya" sabi ko kay Marcus habang nagtatanggal ng seatbelt. Nilingon ko siya at nagtugma ang dalawang kilay niya dahil sa sinabi ko.
"Why? do you have meetings? are you that busy? late kana makakauwi?" sunod sunod na tanong niya pero tanging iling lang ang naiskli ko.
"Diba sabi ko sulitin mo yung gabi niyo?"
"What about you? I can't just sit and drink while thinking of you"
"Sa ikatatahimik ng konsensya mo magpapasundo ako kay Reese mamaya okay na?"
Ilang minuto pa siya bago makasagot pero inunahan ko na siya ng halik at tuluyan ng nag paalam.
It was lunchbreak at feel kong kumain ng pinya na may syrup. Ewan ko kung bakit pumasok sa isip ko yung weird na pagkain kaya ginawa ko ay bumangon sa inuupuan ko at bumaba kaso napahinto ako nung makita ko ulit si Bianca na naka shades at prenteng umupo sa may dulo ng canteen namin.
Hindi ko alam anong binabalak nanaman ng babaeng yun dito kaya nilampasan ko nalang presensya niya at lumabas para pumunta ng palengke.
Pagkabalik ko ay umupo ako sa swivel chair ko at binuksan ang isa sa tatlong balot na pinyang binili ko.
Isang kagat ko palang ay tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino yun.
"Where are you?" Bungad agad ni Marcus sakin ni hindi palang ako nakasagot.
"Nasa work? Bakit?" Rinig ko ang maingay na background sounds mula sa kinaroroonan ni Marcus. Grabe maka sigaw si Ace sintunado.
"Oh, nothing." Nagtaka tuloy ako sa iniasta niya "I was.. just checking on you."
"May.. problema ba? Ikaw?"
"Nah, I'm fine. Take care. I love you" kinikilig na natatawa ako sa loko. "Sunduin kita later okay? No buts!"
Napaka persistent talaga ng lalakeng to. Sumuko na talaga ako sa kakulitan niya. "Okay, love you too" ibinaba ko na ang cellphone ko at patuloy na kumain.
"How's work?" Bungad niya sakin nang pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse.
"Nakakapagod" sabi ko sabay sabit ng seatbelt. "Inaantok ako kahit wala ako gaanong ginawa sa trabaho" pinilit kong magsalita sabay hikab. "Ikaw? Dapat tumagal ka pa roon." sabi ko sabay pikit
"It's because I choose to. You rest, I'll wake you up til' we got home." Hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo ko bago tumungo sa daan at nag drive na ng tuluyan.
Nagising ako at napatingin agad sa bintana. Madilim na pala. Ilang oras ba ako natulog. Napansin ko ring nasa higaan pala ako. Bumangon ako pero nakita ko si Marcus na nakasandal sa may pintuan. Naka cross arms pa at tiningnan ako ng seryoso na para bang may nagawa akong mali.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Confused na tanong ko sa kanya. Nagulat nalang ako nung may itinaas siya. Napanganga na lamang ako kung ano ang nasa kamay niya.
"Is this yours?" Taas kilay na tanong niya sakin pero naiwan akong naka nganga pa rin at nakatunganga.
"Marcus—"
"Why didn't you tell me?" Binaba niya ang kanyang kamay na may hawak na PT at lumapit siya sakin na may paglalambing na mukha. Kinabahan ako dun akala ko galit talaga siya.
"Pasensya na. A-akala ko galit ka. K-kasi gusto kitang surpresahin sana sa araw ng birthday mo." Pinaglaruan ko ang mga daliri ko pero hinawakan ng isang kamay niya yun. Ang isang kamay ay nasa pisngi ko at hinalikan niya ako sa noo. Tiningnan niya ako ng matagal bago pinagdikit ang mga noo namin.
"Why would I be mad? I was in shock you know. I wanted to be the first one to know. I wanted to jump in ecstasy." He let out a sexy chuckle. Napakagat ako sa ibabang labi bago naman siya nagsalita.
"It was the best second birthday gift. Mavy's the first one" Hinalikan niya ako sa labi at tumugon naman ako. "Ugh! I can't to change your surname into mine" napatawa nalang ako sa kanya.
"Corny mo" hinampas ko siya ng mahina sa matigas na dibdib niya.
"I will let anyone know about this. Isasabay ko lahat ng good news sa party" napangiti ako sa isiping yun.
Ang corny ng mga lalake pagna eexcite but at the same time, nakakakilig.
"I wanted you to be legally mine." Hinalikan niya ako sa likod ng kamay at tumingin ulit sakin. "God, I couldn't wait til' she will came out, I will protect you three"
"She?" Napakunot ang noo ko sa kanya.
"Yeah" ginapang ng mga kamay niya ang kamay ko at pinagsiklop yun "I just wanted a little princess running around and invite me to her little tea party"
Napailing ako "Napaka kumpyansa mo" natawa talaga ako sa kanya matapos niyang hukoming babae talaga ang magiging baby namin.
"Why? I trust my sperm." Tiningnan ko siya ng masama bago lumabas.
Hayy Marcus.
BINABASA MO ANG
My Only Desire
RomanceGusto ko lang naman magtrabaho at matulungan ang pamilya ko kaya napilitan akong makipagtalik sa boss ko para sa malaking halaga hanggang sa di inaasahang may nabuo pala matapos ang apat na taon. (Photo cover not mine) Slightly matured content Autho...