2

2.3K 32 1
                                    


"So okay for the next three weeks we will have meetings with the De Castro Group of Company and we will talk about the our collaboration with their group." Nakikinig ako habang sinusulat ng may bigat sa loob kung ano man ang napag meetingan namin. De Castro. Apilyedong dinadala ng anak ko ngayon.

"And that's for today. Meeting adjourned ." Nagkamayan at nagsitayuan na lahat ng kasama sa meeting at nagpaalam naring aalis ang boss ko dahil may aasikasuhin pa siya sa Sicily.

Naiwan kaming tatlo ng secretary ni Marcus. Busy ako sa pag aarange ng mga gamit ko nang bigla siyang nagsalita.

"Can you get me a glass of coffee? Oh, No. Make it two glass of coffee." Pag uutos niya sa sekretarya niya pero hinding hindi ako magkakamaling diniinan niya ang salitang two.

Hindi sa nag aassume ako. Baka sa sekretarya niya yung isang coffee.

"Yes sir" agad na tumalima ang sekretarya niya at lumabas kaya dalawa nalang kaming naiwan sa loob. Pakiramdam ko ang bigat ng atmosphere sa kwartong to.

Dali dali kong sinukbit ang dala dala kong shoulder bag at lalabas na sana nang pigilan niya ako.

"Let's talk Sirene." Kinabahan muli ako nang banggitin niya ang pangalan ko.

"I have to go. May nag aantay pa sakin" sambit ko pero hindi parin ako humarap sa kanya.

"Who? Your husband?" He chuckled "I don't see no ring Sirene"

"Kelangan pa ba ng sing sing para lang masabihan akong may anak na?" Natigilan siya sa nasabi ko.

"So you don't have someone right now huh?" Ngumiti siya direkta sakin at tumayo. Dahan dahan siyang lumapit sa akin. "Who's the father of that son of yours? Huh?!" Natatakot akong humarap sa kanya dahil nanggagalaiti na siyang nagsalita sakin.

"A-Ano ba Marcus! Bakit napakainteresado mo naman sa buhay ng may buhay?! Hindi na mahalaga yun! May iba iba na tayong responsibilidad ngayon Marcus at pwede ba! Hinihintay na ako ng anak ko!" Aalis na sana ako nang pigilan niya ang braso ko at isinandal sa mesa.

"You don't know me well Sirene. I can get whatever I want and I want you!" Pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa braso ko.

"A-Ano ba Marcus! Nasasaktan na ako!" Natigilan siya at agad niya na akong nabitawan.

Napalingon kami pareho nang pumasok ang sekretarya niya dala dala ang kapeng pina utos nito.

"Can't you just know how to knock?" iritableng tanong niya.

"S-Sorry S-Sir eto na po yung kape nyo—"

"Inomin mo yung isa dahil aalis na ang bisita ko." Sabi niya na agad akong tinalikuran at yun na ang pagkakataong maka alis ako sa kwartong yun.

Tumakbo ako papuntang rest room at doon umiyak. Iniyak ko lahat ang takot na nararamdaman ko.

Napaka sama mo palang tao. Ako pa nga napag buntonan mo ng galit mo't na saktan how come si Mavy pa?

Pinunasan ko ang pisngi ko at humilamos tsaka na dumeretsong umuwi sa hotel.

"Mama!" Salubong sakin ni Mavy. Ang lakas ko. Niyakap ko siya ng mariin at pinugpugan ng halik.

"Mama hindi ako makahinga tama na" napangiti ako nung nagpakawala ng cute na pagtawa ni Mavy. Kamukhang-kamukha mo ang Papa mo unti-unti sana wala kang nakuhang trait na galing sa kanya.

My Only DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon