7

1.4K 24 0
                                    


Yung katawang laman ko nasa pagtatrabaho pero yung isip ko, di ko alam san na patungo.

Kanina pa nang gugulo yung masasakit na salitang ibinaon ni Bianca sakin kagabi.

"Marcus? He's mine and keep your distance away hoe."

Hays. Sumasakit talaga ang ulo ko pag sa mga ganun. Ayoko ng gulo o away talaga.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtitimpla ng kape ng boss ko nung tawagin niya ako.

"Ms. Torres? are you alright? Kanina ka pa dagdag ng dagdag ng asukal sa kape ko ah? Intensyon mo bang bigyan ako ng diabetes?"

"S-Sorry sir, my mind's only occupied on something."

Tumikhim muna siya at bumuntong hininga "Tapos naman ang meeting natin take your lunch baka ginutom ka lang" nag alangan na lumabas ang boss ko nang napansin niyang wala ako sa huwisyo.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko at aktong lalabas na sana pero tumunog yung cellphone ko.

Napailing nalang ako kung sino ang tumawag.

Wala ako sa mood na mag entertain ng iba ngayon. Gusto kong sumalampak nalang at ipikit ang mata ko kahit sandali.

Pero napaka kulit ng cellphone ko kahit isilent mode ko, mag va-vibrate at va-vibrate talaga siya. Kung pwede ko lang i off ang cellphone ko malamang ay kanina ko pa to na off pero bawal e pag nasa trabaho ako e para na ngang minu-minuto tawag ng tawag si boss.

Kahit anong tingin ko sa cellphone ko ay paulit-ulit na sa caller ID, pangalan niya talaga ang lalabas. Hindi pa talaga nakuntento at nagpaulit ulit pa siyang nag send ng text.

"Answer my call Sirene this is instant"

"I know your not busy I called your boss"

"Answer the damn call Sirene Torres!"

"ANSWER THIS FCKING CALL OR ELSE!" Nagalit ko na ata kaya wala akong choice nung tumawag ulit siya ay sinagot ko na.

"Why the hell took you so long to answer the call?!" Halata nang iritable niyang sabi.

"Itinext mo nalang sana yung sasabihin mo Marcus may gagawin pa ako—"

"Can you please stop buying excuses?! I want to talk to you, in personal. Meet me in my office, be there in 5" yan lang ang huli niyang sinabi bago ako binabaan ng tawag. Siguro magpapaalam muna ako sa boss ko na lalabas ako.

Agad na nag text muli si Marcus sakin.

"I just called your boss to give you an exit." Talaga lang? May telepathy power ba or may hidden camera tong taong to na tinago sa bawat sulok ng gamit ko?

Kahit mabigat sa loob ko ay pinilit ko parin na umalis baka kung ano pa ang magawa niya't napaka lakas pa naman ng koneksyon ng taong yun.





Hindi ko alam kung ano bang pag uusapan namin ni Marcus kasi pakiramdam ko napaka personal e.. hindi ko naman ma basa basa yung tao dahil sa tono niya palang at tindig niya kelangan obserbahan mo talaga siya at mapakiramdaman dahil napaka bossy at sensitive niya at the same time. Pagka parking ko palang ay kitang kita ko si...

Oo si Bianca..

Hindi ako magkakamali. Pero may kasama siyang babae. Dalawa sila. Pero may kausap si Bianca mula sa cellphone niya. Parang.. na fu-frustrate na talaga siya to the point na gusto niyang itapon ang cellphone niya sa galit.

Mabuti nalang at naka pag parking ako na may pagkalayo mula sa parkingan ng sinasakyan nila.

Bumaba ako at agad na nagdahan dahang naglakad dahil sinisiguro ko lang na hindi niya ako makita.

Hindi ko parin kasi maalis ang masamang aura at ang mukha niyang parang kakain ng buong tao. Kaya mas mabuting mag ingay nalang ako baka ano pang gawin niya sakin. Masama talaga ang kutob ko sa kanya nung una palang. Napaka maldita niya talaga at nababasa ko na rin na parang nasa aura na niya na kaya niyang pumatol ng kahit bata pa sa kanya.

"Meeting?! Appointment?! Oh come on Marcus! Palagi ka nalang ring unattended pagtinatawagan na kita!" Rinig at dama ko ang frustasyon sa bawat salitang banggit niya. "The hell you— hello?! Hello?!.. Fuck off!" Sigaw niya da cellphone niya. Lumingon ako konti at kitang kita ko na galit na galit na talaga siya. Kinuyom niya ang cellphone niya at tinapon ito sa kotse niya.

"Easy girl, easy" pagpapakalma ng babaeng kasama niya sa kanya.

"For fuck's sake Jillian! Bakit ba ganito si Marcus sakin? Noon pa nga kahit oras o trabaho niya igini-give up niya para sakin! Tapos nung dumating yung maharot na babaeng ginamit niya lang naman pampalipas oras at pampalipas ng stress? Yun na yung inaatupag niya! Fuck her off! Bakit niya pa kasi nabuntis!?" Sabunot niya sa buhok niya dahil sa di mapigilang frustasyon.

"Girl, in the first place, your not his and he's not—"

"No! Don't you dare! Don't you dare continue those words Jillian! I know he's mine and mine alone!"

"Geez, fine! You're being paranoid girl. Ewan ko nalang sayo." Bigla ay tumakbo ako nung akala ko papasok na sila sa kotse nila pero tinraydor siguro ako ng sandal ko!

Nakalimotan ko palang nag heels ako kaya naman tagaktak talaga yung heel ng sandals ko.

"Let's go Jillian" Rinig ko na huling sabi niya.






"What took you so long?" Inip na bungad niya sakin nung pagkapasok ko sa opisina niya.

"Sorry, t-traffic." Ano ba yan. Talaga namang tinraydor nanaman ako ng bibig ko. Nauutal pa at sigurado akong hindi talaga ako marunong magsinungaling.

Alam ko na hindi ko siya nakumbinsi sa pagpapalusot ko kaya naman nasira ang mukha niya dahil dun. Naging iritable uli siya. May mood swings din ba minsan ang lalake?

"You know I hate waiting." He sighed. "Sit." Utos niya agad sakin at lumapit naman ako.

Nakukutoban kong..

"About Bianca.." sinasabi ko na nga ba. "What does she tell you? Is she babbling some nonsense again?"

"H-Ha? H-hindi no wala naman." Pagpapalusot ko uli pero bigo akong makumbinsi siya.

"It's funny how you attempt lying on me. Somehow it affords light mirth on the situation. But it doesn't mean malalampasan mo na to." Napakagat ako sa pang ibabang labi ko dahil naninerbyos na ako.

"Wala na yun Marcus. Samin na yun. Ayoko na ng gulo. Ex mo ba si Bianca? Baka.. baka lang naman.. magkabalikan pa kayo.. I don't mind. As long as okay kayo ng anak mo." Kinukoskos ko yung dalawang daliri ko habang binabanggit yung mga sinabi ko. Problema ko lang ay hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak. Ano ba to? Napaka iyakin ko kahit sa napaka liit na dahilan.

"What?" Ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng nakakatawang ekspresyon. "I don't know what you are talking Sirene. Hindi ko alam kung magagalit o matatawa ako sa sinasabi mo." Patuloy siyang natawa dahil kuno sakin at napa hilamos siya sa mukha niya.

"A-Ano pala? Hindi ba't totoo naman? Ayaw ko ng gulo Marcus. Gusto ko ng mapayapang buhay para sa anak ko. Kaya kahit ano isa-sakripsiyo ko alang alang sa kabutihan ni Mavy—"

"Why not marrying me?" Tiningnan niya ako ng mariin sa mga mata ko. "Baka ang gusto lang ng anak natin ay kumpletong pamilya? We made him tho and we should get civil."

"Maso-solusyonan ba ang lahat kung magpapakasal ako sayo? Sa tingin mo matatapos din yung issue ni Bianca samin? Bakit mo ba igini giit na magpakasal tayo? Ganun ka ba ka sobrang selfish? Ha? Sarili mo lang siguro naiisip mo at—" hinila niya ako gamit ang buo niyang lakas kaya naman napunta ako sa kanya, naka yakap at ikinulong ako sa mga bisig niya.

"You babble too much, it's not about the words baby, it's about the actions" hinalikan niya ako sa labi ko. Nung una ayaw kong papasukin siya pero pinipilit niyang pumasok ang dila niya sa bibig ko. Nahigit ang hininga ko ng napaka diin at napaka lalim na nung paghahalikan namin at binitawan niya ako agad, tumingin ng mariin sa nga mata ko.

"See how I put an effort when I want something". Bulong niya sakin bago ako binitawan.

My Only DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon