12

1.2K 19 0
                                    


Mukhang may clue na ako kung anong pag uusapan namin ni Marcus pag uwi niya. Kaya naman hinintay ko muna siyang maka uwi kahit na nag aalinlangan pa ako sa pinaplano nila.

Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig sa cellphone ko. O di kaya sabihin na nating nakatitig lamang ako sa mga larawan ng wedding gowns na pinadala sakin ng ina ni Marcus.

Mabuti pa sila buo na ang plano nila sakin lang ay nag aatubili pa akong isagad sa plano ko lahat nang yun. Yung kasal. Pangalawang anak. Mag bu-buo na ng literal na tinatawag nilang pamilya.

Pilit kong pino proseso lahat nang yun. Ang dali naman ata marami pa namang panahon ganun ba sila ka atat?








Ilang oras ay nakauwi rin si Marcus tulad nang sinabi niya kanina ay umuwi talaga siya ng maaga.

Tinulungan ko siyang hubarin ang coat niya at kunin ang briefcase nang hinalikan niya ako sa noo, pisngi at labi ko.

"I'm finally home" nakangiting at halatang excited na sabi niya sakin kaya naman wala sa sariling napangiti ako. "I don't exactly expect how good it is pag may nag hihintay sayong umuwi." Parang wala sa sariling sambit niya at niyakap ako.

"M-Marcus, tungkol nga pala sa sasabihin mo—"

"Do you have any idea now?" Excited na tanong niya sakin. "Did mom finally send you those gowns you might be wearing on our wedding day?" Kita ko kung gaano ka kinang ang mga mata niyang sinasabi sakin yun. Dama ko kung gaano siya ka excited. Hindi naman ako ganun kasama para ipagkait sa kanya yun. Gusto ko man sanang ireklamo kung bakit ambilis naman nilang magplano ay ipinagliban ko nalang yun. Mabuti pa nga ay dapat akong tumugon dun. Parte naman kasi yun ng pag aayos namin.

"Uh, oo p-pero hindi ako makapili"

"They're so beautiful at kung pwede lang ipasuot ko sayo yun lahat." Hawak kamay kami at hinalikan niya yung likod ng kamay ko nang sabihin niya yun.

Buo na talaga yung desisyon nila na gusto rin ng pamilya niya yung ikasal na kami. Legally. Hope so na magiging maayos rin ang lahat.

Pagkatapos nang usaping yun ay madali lang kaming naka kain at naka pag linis ng katawan. Literal na sabay kaming naligo at paulit ulit niya naman akong inangkin. Mabuti nalang at madali lang kaming naka ligo pagkatapos nun.

Nasa tabi ko na si Marcus na natutulog. Yakap niya yung bewang ko at nakatagilid siya ng higa habang pinaunan niya yung braso ko sa ulo niya. Samantalang ako, hindi parin makatulog dahil namimiss ko na si Mavy. Tinitingnan ko ang mga litrato niya sa cellphone ko, lalo na yung bago lang ipinadala ni Reese saking litratong kalaro ni Mavy yung kapit bahay naming batang babae. Napaka saya niyang tingnan at naiiyak tuloy akong isiping baka hindi na niya ako namimiss.

"Missing our kid already?" Nagulat akong napalingon kay Marcus nang nagsalita pa siya. Iminulat niya ang mga mata niya konti at tumingin sa mga mata ko. Akala ko kasi mahimbing na ang tulog niya kasi kanina humilik pa siya ng konti.

"O-Oo, akala ko tulog ka na." Sabi ko dala punas ng luha sa kanang mata ko.

"Not until I heard you sniff. I'm sorry if I didn't bring our child. I just planned to bring you here para may time na magka ayos na tayo." Sabi niya pero hindi niya inalis yung pwesto niya kanina.

"Okay lang. May progress naman kahit papaano dahil sa pag paka layo-layo natin." Tiningnan ko siya at tiningnan niya rin ako ng mariin. Hindi ko maipaliwanag yung mga tingin niyang parang hinihigop ako.

"3 more weeks, after that it's my birthday." Natigilan ako. Ang boba ko talaga bakit hindi ko man lang inalam yung birthday niya! "And I'll finally announce our wedding day." Anunsyo niya sakin at mas ikinabigla ko nung may dinukot siyang isang red velvet box sa ilalim nang unan niya. Nanginginig ang kamay ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko talaga inaasahan na mangyayari yung may pa ganito pa.

Bumangon siya at umalis sa kama. Hindi niya inalis ang tingin niya sakin nang tumayo siya sa harapan ko ng naka boxer lang. Sino ba namang ganito ang mag po-propose na naka boxer lang!? Pero wala akong pakialam sa ngayon na isipin yun.

"Sirene Elegante Torres. I am asking you to be my wife infinitely." Naiiyak ako at hindi ko na siya nakikita kasi napupuno ng luha yung mga mata ko. "I'm sorry if I was just a fucking bastard to let you experience the whole hardships you faced since you raised our kid. I'm sorry if I could only bring back the past, I would wholeheartedly leave my job just for you, or more like for the both of you. I'll stop chasing my dream just to chase you. Everything I will do para lang maka bawi sayo. So, I am asking you to be with me forever. Please don't say no because I promised that I'll make you impregnate 5 times just to hear your sweet yes" natawa tuloy ako dala hampas pa sa braso niya kahit na iiyak na ako sa speech niya. Yung speech niyang parang wedding vow na. Hindi ako naka ilag dun.

"Marcus Cipriano De Castro, Hindi ko naman hinihiling na ihinto mo yung pangarap mo sa buhay. Hindi ko rin hinihingi sayong iwan mo ang trabaho mo. Pinaghirapan mo yun at alam kong hindi na maibabalik ang nakaraan. Ito? Ito yung pagkakamaling mamahalin ko magpakailanman. Basta uuwi at uuwi ka samin. Hindi mo ako kailangang buntisin ng ika limang beses para makuha yung oo ko dahil alam mo na ang sagot ko. Pinangunahan niyo pa nga akong magdesisyon na ikasal sayo. Yung oo ko nalang ang kulang."  Nahigit ang hininga ko nang niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan sa labi ng matagal. Halos iniaalog niya na ako dahil sa kasiyahang nararamdaman niya habang yakapin ako. Who would have thought na ganito pala masiyahan ang isang Marcus De Castro? Isang halimaw at kinakatakutan pag trabaho ang pinag uusapan?

Isinuot niya nang dahan dahan ang singsing sa kaliwang pala singsingan ko at hinalikan niya ako ulit. Ibang halik kumpara kanina. Alas dos na ng madaling araw pero heto kami ngayon ulit. Pumailalim ang paghahalikan namin at nawala isa isa ang suot naming mga saplot.

My Only DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon