10

1.3K 16 0
                                    



Maaga akong nagising. Hindi ako nagising sa alarm ko. Nagising ako dahil sa ingay ni Marcus.

Kalahating sigaw, kalahating bulong.

Kahapon pa siya stress na stress sa trabaho niya at hindi man lang binigyang pansin yung mga pagkain nakahanda.

Alam kong may kausap siya sa cellphone niya. Galit na galit pa ang itsura niya. Hindi ko nalang binigyang pansin yun dahil parte naman talaga sa trabaho ang maging stress.

Ang ginawa ko nalang ay nag handa ng makakain namin pang agahan. Para naman sana magaan gaan rin yung mood niya. Pampalubag loob lang rin lalo na sa nagawa ko kahapong pagtulak ko sa kanya.

Pagkatapos kong magluto ay ipinaghain ko nalang siya. Pupuntahan ko sana siya sa kwarto para tawagin upang mag agahan na pero pagka bukas ko palang ng pinto ay nag aayos na siya ng necktie niya. Hindi pa yun literal na ayos. Kinuha niya yung brief case niya at inipit sa gitna ng tenga at balikat niya yung cellphone niya habang ang isang kamay naman niya ay yung jacket at susi ng kotse.

Sa loob ng ulo ko umiikot nalang ang word na "hot" si Marcus pag naka suit. Napailing nalang ako sa isiping yun.

"A-Ang aga mo naman?" Hindi ko alam bakit nanunuyo ang lalamunan ko nang tanungin ko siya.

"I have to go. I have lots of workloads to do." Sabi niya habang isinusuot ang relos niya.

"Mag agahan ka na muna kaya?" Kagat labing sabi ko at parang nahihiya pa akong sabihan siya.

"Thankyou but sorry I need to decline your nice offer. I'm gonna be late. Im going home by 11pm" Ngumiti siya sakin at hinawakan niya ako sa baba at hinalikan sa labi ng madali lang.

Madali lang.

Bakit ba ako naiinis kung smack lang yung paghalik niya?







Simula nung umalis si Marcus ay tinrabaho ko nalang ang mga papeles na pinapadala ng boss ko nung umalis ako papunta ng Seattle. Napaka rami talaga. Ipinagpahinga ko muna yung sarili ko at naisipang tawagan si Mavy. Namimiss ko rin ang presensya ng anak ko. Palagi nalang kasi akong nakatingin sa pictures niya dito sa cellphone ko kapag namimiss ko siya.

Ika isa, pangalawang ring ay sumagot agad.

"Mama!" Bungad ni Mavy sakin nang sagutin niya agad ang tawag.

"Anak kamusta? Okay ka lang ba talaga jan? Naging mabait ka ba kila Momay at Poppy mo? Kumakain ka ba ng sakto sa oras?" Sunod sunod na tanong ko dahil alalang alala ako all the time kay Mavy baka napa bayaan na siya.

"Mama! I'm okay po! Naging happy naman po ako dito pinapasyal ako nila Momay sa park! Tapos si kuya Ace tinuruan ako mag bike tapos pumunta kaming mall kasama si kuya Reese para mamili ng new shoes!" Tuwang tuwa pa siyang ikwento yung mga nangyayari sa kanila. Mabuti nalang at itong si Ace wala nang balak turuan ang anak ko ng kung ano baka pektusan ko talaga siya pag naka uwi ako sa pinas.

"And Mama I want to know how to play basketball! Kuya Ace taught me!—"

"Mavy! Sino yan? Si ate? Patingin ako!" Naki salo si Reese pati na rin ang parents ko hanggang sa naka abot sa parents nila Marcus. Namiss ko talaga ang pamilya ko.

"How are you my dear? Okay lang ba kayong dalawa ni Marcus? Is he doing good?" Alalang tanong ng mama ni Marcus sakin.

"Okay lang po ma'am, sa totoo nga po napaka hard working niya nga" sagot ko sabay nakangiti. Inaalala ko yung mga oras na nandito siya kaharap lagi ang laptop at papeles niya. Kulang nalang jowain niya nalang yung laptop at papeles na nasa harapan niya lagi e.

My Only DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon