13

1.1K 15 0
                                    


Mabilis tumakbo ang oras at araw. Apat na araw nalang bago kami uuwi ng pilipinas at sa wakas makakasama ko na ang anak ko. Kahapon pa kami bumili ng mga pasulubong para kila nanay at tatay sa bahay lalo na sa hudlo kong kapatid at kay Mavy.

Unti unti ko nang iniaayos ang mga gamit namin.

"I'm off to work" sabi niya at hinalikan ako sa labi at noo. Nagpalitan pa kami ng ngiti sa isa't isa at tuluyan ng pumasok nang trabaho si Marcus.

Kalaunan lang nang habang nag lilinis ako, napansin kong nandito ang cellphone niya. Naihulog niya siguro at nasa ilalim pa ng kama namin. Naiwan ang cellphone niya na naglalaman ng mga importanteng dokyumento at iba pa! Handa na sana akong magpalit ng damit nung biglang nag vibrate ang cellphone ni Marcus. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag pero nakatitig lang ako kung sasagutin ko ba o hindi. Wala namang pangalan yung tumatawag baka wrong call lang.

Natapos ang tawag ng hindi ko namamalayan. Pero 32 miss calls at 43 messages.

Hindi naman sa nanghihinala ako pero binuksan ko ang cellphone. Nagtaka akong pumindot sa home button pero na scan naman yung fingerprints ko. Nakakapagtaka kumilos ang lalakeng to.

Tiningnan ko ang messages nung number na tumawag. I don't want to pry into someone's privacy pero nadagdagan ang pagtataka ko kasi sasagot at sasagot talaga siya ng mga tawag. Hindi pwedeng hindi siya sasagot ng tawag unless hindi naman gaanong importante.

Sinimulan kong basahin ang messages mula sa pinaka unahan. 3 days ago pa ang iba at alam kong binura niya yung naunang messages. Wag naman sanang mag loko si Marcus sakin. Ang ikinakaba ko.

Binasa ko yung unang messages at habang nagtagal nagtataka ako.

"Missin' you in bed so much"

"Tagal mo namang umuwi mahal ko"

"I want you now"

"Good morning my love I'm waiting for you to come home"

"Please answer the call Marcus"

"I hate it when that stupid btch is with you!"

"Come back to me Marcus I'll do anything for you iloveyou"

"If I caught you with that hoe I'll scratch her face harder!"

Nagulat nalamang ako sa nabasa ko at hindi ko na nakayanang basahin pa ang iba. Gusto kong itapon ang cellphone sa galit pero hindi ko magawa. Nanginginig ako. Wala naman akong dapat ipag alala dahil hindi naman siya nagre reply sa text. At isa pa engage na kami at wala nang makakaputol dun. Ikinuyom ko ang mga kamay ko nung nag ring ang cellphone.

Yung unknown number ulit.

This time, sinagot ko ang tawag. Pinilit kong wag mag ingay at pinakinggan kung sino ang tumawag.

"At last you finally answer the call! Can you please get home already and leave that fcking business of yours? Nakaka sagabal satin hindi mo na ko nabibigyan ng oras." Nakagat ko ng todo ang pang ibabang labi ko na feeling ko magkakasugat na dahilan sa kung sino ang tumawag. Bianca.

"Err, hello? Marcus?—"

"Pati ba naman dito? Mangugulo ka?" Alam kong nabigla siya at napa tahimik sa kabilang linya dahil sa hindi niya inaasahang sumagot sa tawag.

"How the hell you got Marcus phone?! Give it back you hoe! Don't tell me magkasama kayo ngayon sa—"

"Oo kasama ko ngayon ang fiancée ko at hindi mo na siya magugulo!" Galit na usal ko sa kanya at halatang nanggagalaiti na siya sa galit. Hindi naman ako nakikipag away pero ito lang. Hindi ako marunong mang away pero please ito lang ang papatulan ko.

"You fcking! Argh! That will never be happen! Marcus is mine at babawiin ko siya sayo! That fcking engagement is just a play! Hindi gagawin ni Marcus sakin yan dahil sakin lang siya mag po-propose!"

"Pasensya na pero huli ka na pwede ko na bang putolin ang linya?" Pang aasar ko sa kanya at alam kong gusto na niyang sumugod ng Seattle dahil sa patuloy ko pang pang aasar sa kanya.

"It will never be happen at akin lang si—" Hindi ko na itinuloy ang sinabi niya dahil paulit ulit lang naman. Nakakarindi na. Baliw ang babaeng yun. Literal na kelangang dalhin pa sa mental hospital dahil malala na ang kalagayan niya.

Napatitig ako dun sa cellphone nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto namin.

"Hey did you see my—" naputol ang sasabihin niya dahil siguro sa expression ko at hawak ko ngayon ang cellphone niya. "Did she—" tumango agad ako bilang sagot at mabigat na bunting hininga ang pinakawalan niya.

"What happend to your lower lip?" Napahawak agad ako dun at may kaubting dugo palang lumabas

"Shit come here." Paglapit niya sakin at agad naman akong tumugon habang nasa isang kamay niya ang bulak at ointment. "I'm sorry if I didn't tell you that Bianca's—"

"Okay lang." Pilit ang ngiti ko habang ginagamot parin niya ang pang ibabang labi ko.

Tiningnan niya ko ng mariin. Gusto pa sana niyang ibuka ang bibig niya para magpaliwanag. Pero hindi niya naituloy nang hinalikan ko siya na ikinabigla niya pero tumugon parin siya.

Agad kaming nag hiwalay at narinig kong tumawa siya ng mahina. "Dumidikit sakin ang ointment na nilagay ko." Ngiting sambit niya.

"Nagustuhan mo naman." Umiling siya habang naka tawa. "Okay na yun. Ibinlock ko na ang number. Bumalik ka na sa trabaho mo."

Niyakap niya ako patagilid nang impit akong mapasigaw sa gulat. Hinampas ko siya sa braso niya pero walang talab dahil parang wala lang sa kanyang hinampas ko siya.

"Napagdesisyonan ko nang bukas na magpatuloy sa trabaho." Hinampas ko ulit siya pero tawa lang ang sinagot niya.

"Ano ba Marcus hindi pwede hahanapin ka nila!"

"Alright! Alright aalis na." Pero bago pa man ako maka alis sa yakap niya may panibago nanamang halik ang naka atang sakin. "I'll be home before 10" huling sabi niya at tuluyan ng umalis pagkatapos uli ng isang halik pa sakin.

Na iling nalang ako sa isiping yun and at the same time. I feel relief.

Nakalimutan ko saglit yung Bianca na sumasapaw pa sa buhay namin. Nakapagtataka talagang babaeng to at hindi talaga kami tatantanan. Lalo na si Marcus. Ayaw pa niyang sukuan.

Ex ka na pero mas nauna pa ako sayo kaya ako ang legal.








Pagkatapos kong magluto at maghanda para mamaya sa hapunan namin ay napag desisyonan ko na tawagan sila nanay habang pampalipas oras man lang bago dumating si Marcus pa uwi.

Tatlong ring lang at sinagot na nila agad ang tawag ko. Tumambad sakin ang mukha ni Reese na puno ang bibig ng pagkain. Napaka takaw talaga kahit kelan.

"Ate! Kamusta?" Unang bungad niya sakin bago nagpakita sila nanay at tatay sa video.

"E kayo? Kamusta? Kayo muna unang tatanungin ko ano" masayang tambad ko sa kanila na ikinapagtataka nila.

"Ay good mood alam na" Nang aasar na ngiti niya sakin at tumawa naman sila nanay at tatay sa likod ni Reese.

"A-Anong good mood ka jan? Kinakamusta ko lang naman kayo ah?" Patay malisya kong sabi sa kanila. Sa kakulitan nila parang nahihilo ako.

"Sus kunwari pa! ano? Meron na ba?" Taas baba ang kilay niya at alam ko ang ibig sabihin nun kaya nag init ng tuluyan ang pisngi ko.

"Anong meron? W-wala ah—" agad kong natapon sa kama ang cellphone ko nung nakaramdam ako na parang masusuka ako kaya agad akong napatakbo sa CR at doon ko inilabas lahat ang pinipigilan kong pagluwal.

"Wala pala ah!" Dinig ko pang sigaw ni Reese at tawa nila Nanay.

My Only DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon