6

1.6K 14 0
                                    


Buong akala ko nung sinabi ko kila nanay at tatay na bumibisita si Marcus sa bahay kapag wala sila ay magagalit silang dalawa sakin.

Alam ko at nababasa ko ang reaksyon ni tatay pero pinipigilan lang siya ni nanay. Sinensyasan na 'okay lang' or di kaya pinapakalma niya lang si tatay.

Sa tingin ko unti unting tinatanggap na ni tatay ang katotohanan na hindi na mawawala o maaalis ang nangyari noon pa.





"Arthur, alam mo namang kaarawan ngayon ng apo natin diba? E syempre pagbigyan mo naman."

"Pupunta ako pero ang kinapuputok ng butsi ko ay bakit sa mansiyon pa ng hayop na yun?!" Tinakpan ko nalang yung tenga ni Mavy dahil kung ano ano na ang lumalabas sa bibig ni tatay.

"Arthur mag tigil ka narito yung apo mo't marinig ka!, ke tigas ng ulo at puso mo di ka man lang maging mapagkumbaba at ngayon lang naman na kaarawan pa ni Mavy?" Nag aaway nanaman sila nanay at tatay, ngayon pa e kaarawan ni Mavy.

Naghahanda na kasi kami ngayon at papunta na sana sa mansiyon nila Marcus pero ang tigas parin ni tatay.

"O sya! Para matapos nang araw nato" lumabas una ng pinto si tatay bago kami sumunod.

"Hay jusko Arthur di ka na masuyo" iginaya ni nanay si tatay sa kotse namin na si Reese ang mag da-drive. Umuna nang sumakay si Reese sa sasakyan dahil sa ingay ni tatay at kanina pa nagma-maoy.

Papunta pa lang kami ay di na mapakali si tatay. Mabuti nalang at tumahimik na siya dahil nawala ang galit niya saglit nung tinabihan siya ni Mavy.

"Ang aga naman natin at sa hapunan pa naman mag sisimula?" Nagmamaktol ulit si tatay nang mainip siya sa loob.

"E tay, kelangan present tayo no mas maganda pag maaga" si Reese na pagpapaliwanag niya kay tatay.

Napasinghal si tatay sa kanya "Ha! Present mukha niya. Maaga kong makikita ang pagmumukha ng tukmol na yun!"

"Isa!" Tumahimik ang lahat ng pagalit na nagbilang si nanay lalo na si tatay na nagmu-mukhang tuta na hindi pinakain ng ilang araw. Natawa kami ni Reese ng palihim dahil alam namin kung gaano ka under si tatay sa kanya pag nagsimula nang pumutok si nanay sa galit.



Pagkarating at mismong pagkababa namin ay tumakbo na si Mavy sa loob. Wala pang gaanong tao pagkapasok namin dahil nag hahanda pa nang nagsalita ulit si tatay.

"Wag lang magpakita ng kahit na anong ikagagalit niyang unggoy nayan sakin at de oras magiging halimaw ako." Nakita ko si nanay na nakahawak nanaman sa sentido niya.

"Bahala ka Arthur at baka atakihin ka ulit sa puso." Umunang nag lakad si nanay pero sinundan siya ni tatay na sinusuyo ulit. Para silang high school lovebirds kung titignan kasi iniwakli ni nanay yung kamay ni tatay na nakahawak sa braso niya.

"Sana all" sabi ni Reese na ikinatawa ko na nalang at saka kami naglalakad patungo sa loob ng mansiyon.




Bumungad samin ang pinaka magandang arrangement ng bahay nila. Napaka arogante tignan at halatang mapagkakamalan kang prinsipe o prinsesa pag dito ka nakatira.

Lalo na siguro nung inayos para sa mga bisita nilang mayayaman rin. Mula sa taas hanggang sa baba. Chandeliers to tiles. Napaka mamahalin. Nakakatakot nga tumakbo baka makabasag ka sa dami ng mga mamahaling vase at fugurines.

"Welcome ho ma'am Sirene kanina ka pa po hinahanap ni sir." Sabi ng isa sa mga katulong nila dito. Naka linya lahat ang sampong katulong at bodyguards para iwelcome kami. Nakaka pressure naman at intimidating tignan tuloy.

My Only DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon