1

3K 27 0
                                    


"Mavy! Dali na! Magtatrabaho pa si Mama!" Habol ko sa anak ko dahil nagpapakain ako sa kanya. Ang kulit naman ng batang to!

"Mama sama ulit ako sa work mo ha? Please? Behave na talaga ako!" Sambit niya.

"Mavy alam mo naman bawal kids sa work ni mama diba?"

"But I wanna come! Kahit wala na ako toys pag uwi promise!" At nag promise sign pa siya. Ayan nanaman ang di kapani paniwalang pangako niya.

Bumuntong hininga nalang ako at nakatingin sa kanya na nag pa-puppy eyes nanaman. Itong batang to napaka kulit!

"Fine! Pack your things 2 days tayong mawawala—"

"Yeyy!" Sigaw niya at umakyat sa taas para kumuha ng gamit.

"Ini-ispoil mo nanaman ang pamangkin ko ate dito nalang sana siya ang boring na nga dito sa bahay dadalhin mo pa yang maliit na dragon na yan" si Reese. Piningot ko ang ilong niya. Isa rin to.

"Ikaw mabuti pa tulungan mo sila mama sa tindahan kung ano ano pa ang sinasabi mo"

"To naman di na mapakiusapan e. Pasalubong ha?" Dumadagdag nanaman sa gastos tung batang to kahit may trabaho namana.

4 years ago,nag resign na ako sa kompanyang tinatrabahuan ko kay Marcus nung nalaman kong nabuntis niya ako. Pero di niya alam na nagbunga pala ang ginawa namin. Umuwi agad ako at nagtago. Hindi ako naka pag trabaho o nakatulong kila Tatay nun. Agad kong sinabi kay Reese at Nanay lahat. Mabuti nalang naintindihan nila lahat ng sinabi ko. Si Tatay lang talaga ang nagalit saakin noon kung bat ko nagawa yun.

Naka ani ako ng mag asawang sampal galing kay Tatay sa kamaliang ginawa ko pero tinanggap ko pati ang nung ilang buwan siyang galit at di niya ako kinakausap tungkol dun. Pero pamilya ay pamilya, tatanggapin nila lahat kahit na ano pang nagawa mo dahil mahal niyo naman ang isa't isa.

Nang sa wakas, nung lumipat kami sa Manila ay naka hanap agad ako ng trabaho, secretary ang posisyon at dahilan para makapag ipon ako upang maka pag pagawa ng bahay para saamin at ginamit rin namin ang binigay na dalawang million ni Marcus na pampagamot kay Tatay. Malaking halaga na yun para makapagpatayo rin ng konting lechonan na negosyo namin.

Kampante ako dahil hindi gaano nagtatanong si Mavy tungkol sa real Papa niya. Mukha lang siyang hindi interesado pero naaabutan ko siya sa kwarto niya na umiiyak dahil wala siyang kinikilalang Papa. Nasasaktan ako dun syempre. Matalino naman si Mavy. Siguro naiintindihan niya ako kasi mag ku-kuwento naman talaga ako sa kanya pag may nasagap akong balita tungkol sa ama niya. Alam lang niya ang tunay na pangalan ng Papa niya at kung anong trabaho meron siya.

Nakakatuwa lang talaga dahil alam niyang may lumalapit sakin na ibang lalake e sasabihan niya lang ng My Mama's taken! . Ang kulit talaga ewan ko san nagmana to.

"Mama! Okay na ako!" Dinig kong sigaw ni Mavy habang dala dala niya ang stroller bag niya.

"Okay let's go na" kinarga ko si Mavy at nag paalam na kay Reese.




"Mama asan pala tayo pupunta?" Tanong bigla ni Mavy sakin.

"Sa Japan anak." Nakangiting sinusuklay ko ang buhok niya

"Diba dun nakatira si Doraemon Mama? Gusto ko puntahan ang bahay niya!" Parang may kumikinang sa mata ang sambit ni Mavy sakin. Ang cute niya talaga pag naging excited.

My Only DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon