Mahirap mahusgahan ng mga bagay na hindi mo naman ginawa alam kong wala na akong ginawang maganda kundi ang bigyan ng sakit ng ulo ang pamilya ko I know mahilig akong mag night life, uminom ng alak, manigarilyo at makipag harutan sa mga lalaki, madalas na nga akong hindi pumasok sa school at kung trip kong pumasok ay trouble ang dala ko. Ilang beses narin akong suspended pero hindi ako naeexpel dahil sa impluensya ng pamilya ko. Lahat ng tao sa school ayaw sa akin mapa estudyante o teacher at ang dean ayaw sa akin at wala akong pakialam dun ayaw ko rin sa kanila.
Pero ang masakit sa lahat ay yung husgahan nila akong nag bebenta ng laman Oo aminin ko karamihan sa mga estudyante sa eskuwelahan na pinapasukan ko ang nakakakita sa akin sa mga labas ng bar nakikipag halikan sa ibat ibang lalaki pero hindi ako kailanman nag pakama sa kanila virgin pa ako.
Drew is my longtime boyfriend alam ko ang iiniisip niyo na I cheated on him at tama kayo sa iiniisip niyo inilihim ko lahat ng ito kay drew siya na nga lang ang nag iisang tao na nag mamahal sa akin tapos mawawala pa hindi ko papayagan iyon.
*beep
Napaangat ako ng ulo ng may tumigil na sasakyan at agad kong nilapitan.
Lumabas si drew sa sasakyan at agad akong niyakap habang hinahaplos ang likod ko at kinocomfort ako sa pamamagitan ng haplos at para bang isa yung senyales na Okey lang iiyak ko lang lahat.
BINABASA MO ANG
Unwanted
RomanceI don't care if ayaw nila sa akin ang gusto ko lang siya kuntento na ako sa kanya but things got worse the only person who care about me is hating me now.