unwanted 6

8K 104 0
                                    

Madaling araw na ng makauwi si angel sa condo nila ni andrew masyado siyang nag enjoy sa pag babar hopping kaya nakalimutan niya ang oras lagot na siya kay andrew

Pero siguradong tulog na ito dahil palagi itong pagod sa trabaho palagi nga niyang hindi naabutan sa umaga kapag gumigising siya, sa gabi naman tulog na pag dating niya kaya ng nagagawa niya ang lahat ng gustuhin dahil palagi naman itong busy

Pag ka-lock niya ng pinto ng sasakyan pasuray-suray siyang nag lakad papunta sa elevator ng may isang matangkad na lalaki ang humarang sa daanan niya

tiningnan niya ito,  dahil sa kalasingan hindi niya halos makilala nakaputih at naka slack na parang itim ang kulay she can't figure out the color  urggh!!!

lumapit pa ito sa pwesto niya at may ibinaba itong mga gamit at isang trolley na hello kitty na katulad noong saakin

teka parang sa akin yun ah!

"maam ipinababa ni sir castro sabi hintayin ko daw kayo at ibigay po sa inyo ito"

"ha? bakit naman? anong ibig sabihin nito?, kakausapin ko siya"

"maam pasensya na ibinawal ni sir castro ang papasukin kayo sa condo niya pasensya na po" hinarang siya nito pero nag pumilit parin siya

"ano ba! sabi ng padaanin mo ako eh!"

"maam hindi po pwede, magagalit po saakin si sir castro" piliit pa rin nitong pinipigilan siya pero hindi siya nag patalo tinapakan niya sa paa ang gwardiya ng killer heels niya at napaupo ito sa sakit kaya nabitiwan siya

naglakad na siya papuntang elevator para puntahan si andrew pero hindi niya alam naghihintay na sa kanya ang dalawang gwardiya sa taas

Gusto niyang kausapin si andrew kung bakit siya pinapalayas sa condo nito pati yung hilo niya nawala dahil sa enkwentro nila kanina ng gwardiya buti na lang nakatakas siya dito

pero hindi kaya nalaman nito ang kalokohan niya? No! imposible naman yon

Ting!

nang tumunog na ang elevator lalabas na sana siya ng biglang pumasok ang dalawang malaking tao na gwardiya at hinawakan siya sa mag kabilang braso hindi siya makapalag sa lakas ng mga ito

pinindot ng isa ang G
na hudyat na pa baba ang elevator wala siyang nagawa hindi niya kaya ang mala bouncer sa laking tao

Pag dating sa baba tinulak siya ng mga ito dahilan ng pag kaupo niya sa simento saka bumalik na ang mga ito sa taas 

wala siyang nagawa kundi umiyak kasalanan niya kung bakit ayaw siyang harapin ni andrew pero hindi dapat siya basta basta nag patalo kailangan niyang makausap si andrew .



UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon