PERIOD:SPANISH ERA
Disyembre 30, 1854. Barrio Sta Elena.
Takot na takot si Ruela habang tumatakbo sa loob ng kakahuyan. Ayaw niyang abutan ng mga hudyong espanyol at baka mabilang siya sa mga babaeng ginahasa ng mga ito.
Pawis na pawis siya at pagod na pagod. Nakatulog kasi siya sa taas ng punong kahoy sa tabi ng ilog na kanilang labahan at ng magising nag kukulay kahel na ng langit kaya taranta siyang umalis.
Alam niya kasi na kapag gumagabi rumuronda ang mga hudyo at kapag may makitang taga nayon walang awang papatayin o dikaya kapag babae ginagahasa muna ito saka babarilin.
Natisod siya kaya tumama ang ulo sa nakahigang kahoy. Tumayo siya saka pinag pagaan ang sarili at di ininda ang noo.
Tumakbo siyang muli ng makarinig siya ng mga taong nag uusap sa lenguaheng espanyol.
"Ang mga hudyo.. " humingal niyang banggit saka nag hanap ng mapag tataguan at ng makita ng isang kahoy dali dli siyang umakyat doon at nag tago.
Palapit ng palapit ang mga hudyo. Maingay ang mg ito habang may dala dalang gasera kaya lumiwanag ang paligid at dahil don kailangan niyang itago ng mabuti ang sarili para hindi mailawan at mahuli ng mga ito.
Mabilis naman nag lakad ang mga ito kaya di na siya napansin at ng muling dumilim hudyat na nakalayo na sila. Bumaba na ako pero dahil madilim di ko naaninag na marupok na sanga pala ang natapakan ko. Pumikit na lang ako para hintayin ang pagbagsak ko sa lupa. Alam kong mababalian ako ng buto at baka di na makalakad.
Diyos ko!
Pero sa di malamang dahilan may isang matigas na bisig ang sumalo sa akin.
Napakurap kurap ako at inaanalisa kung ano ang kinabagsakan ko.
Napalingon ako ng umungol ito at doon ko napag tanto na tao pala ang kinabagsakan ko.
"Ay! Tú mujer, ¿qué estás haciendo aquí?!" malakas na sigaw nito sa kanya pero di noya maintindihan ang lenguahng espanyol---maryosep! Espanyol!
"Paumanhin! Paumanhin!"paulit ulit niyang sabi saka umalis sa pag kakadagan dito.
"¿qué estás haciendo aquí?" sabi nito sa matalim na tingin habang nag papagpag sa damit nito.
"Ah eh.. Paumanhin talaga at saka hindi ako nakakaintindi ng espanyol! Paumanhin" aniya na ikinakunot ng noo nito.
"No hablas espanyol? " kunot noo parin sabi nito.
"Huh?? Eh paumanhin di talaga kita maintindihan" aniya at unti unti siyang umaatras. Tatakbo siya ng sobrang bilis kapag nakatyempo na siya.
"Cuál es su nombre? " ani nitong muli pero ni isang salita nito hindi niya maintindihan.
Sa kanilang mga mahihirap hindi permiso ang makapag aral at tanging mga may gintong kutsara ang nararapat na matuto.
"Paumanhin" aniya muli.
"Pablo alfredo. I yo pablo alfredo, tu? " ani nito habng turo ang sarili kaya parang nakuha ko ang gusto niyang iparating. Nagpapakilala siya at siya si pablo alfredo at tinatanong ba niya ang pangalan ko?
"Ako? Ruela Santos" sabay turo niya sa sarili
"Espiere!" tigil nito sa kanya sabay baling sa gasera nitong hawak at binuhay iyon.
Umatras siya dahil makikita na nila ng maayos ng kanilang mukha. Kanina kasi na nag uusap sila tanging sinag ng malamlam na buwan ang ilaw nila.
Takot siya lalo na isa itong espanyol. Pero ang pinagtataka niya hindi siya nito ginalaw at parang nakikipag usap sa kaibigan.
At ganoon na lang ang pagkamangha niya ng masilayan ang gwapo nitong mukha.
Diyos ko gwapong hudyo!
Napahawak siya sa bibig ng mapagtanto ang kagwapuhan ng kausap na espanyol. Matangkad ito, matikas, makapal na kilay at kulay cocoa ang mga mata nito na pinaresan ng makapal at pilantik na pilik mata, matangos na ilong at sing pula ng rosas na labi.
Diyos ko! Magkakasala na yata ako dahil Humanga ako sa kagaya niya!
"Estas bien? (Espanyol language)
"Huh? " tanong niya at ng makarinig siya ulit ng kaluskos na may paparating agad na siyang tumakbo paalis hindi na siya nakapag paalam kay pablo.
"Adios y cuidate! " sigaw nito at hindi na niya alam kung maririnig ng mga paparating na tao ang sigaw nito na hindi niya alam ang ibig sabihin.
Habang lumalayo napangiti siya ng malala ang gwpong mukha nito at ang panglan nito.
"Pablo alfonso.. " sambit niya saka ngumiti muli sa sarili na may mumunti pang hagikgik na kasunod.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
This is a teaser medyo mahaba pasensya na.Tittle: Love unconditionally
BINABASA MO ANG
Unwanted
RomanceI don't care if ayaw nila sa akin ang gusto ko lang siya kuntento na ako sa kanya but things got worse the only person who care about me is hating me now.