Unwanted 17.2

4.1K 43 3
                                    


Sakay ako ng taxi ngayon at mahigpit nakahawak sa bag ko.

Alam kong magagalit si andrew kapag nalaman niya  ang pagsisinungaling ko.

Napapikit ako ng may lumandas na luha sa mata ko

"Maam? okey ka lang? " tanong ng taxi driver marahil nakita niya ang luhang lumabas sa mata ko

Napatingin ako sa rare view mirror ng taxi driver

"Wala ito manong" sagot ko at tumingin sa daanan.

Patawad andrew alam kong kasusuklaman mo ako  kapag malaman mo ito

Pero para sayo, para sa ating dalawa gagawin ko ang lahat

Muli kong pinahid ang sumunod na luhang pumatak

Sana mapatawad mo ako andrew mahal na mahal kita you're everything to me

Mabilis ang takbo ng taxi kaya naman sa isang iglap nasa harap ko na ang building na kung saan ko gagawin ang isang bagay na hindi ko pagsisihan hangang sa huling hininga ko.

Habang hawak ko ng mahigpit ang bag lumapit ako sa entrance ng building. 

Alam kong madedetect ang baril ng metal detector kaya isinilid ko sa isang triangular box para malusot ko sa loob ng building

Pumasok ako ng walang naririnig tumutonog na alarm at nag direderetsyo sa unit na tinitirhan ni leo o Dr.  Falcon

Habang palapit ako inilabas ko na sa box para madaling bunutin.

Huminga muna ako ng malalim bago nag doorbell

At pagkatapos, bumukas ka-agad iyon at sumalubong sa akin ang ngiting demonyo ni leo

"I'm glad you're here" at pag kasabi noon aakma niya akong hahalikan pero iniwas ko ang mukha ko kaya naman lumanding iyon sa pisngi ko

Hinawakan niya ako sa panga at aakmang hahalikang muli pero naitulak ko siya at natumba sa sahig

"Langya kang babae ka mag papakipot ka pa ha! Pwes!  Hindi kita palalabasin dito hanga't hindi kita nakukuha!"
Nanlilisik ang matang sabi nito at lumapit muli sa akin

"Bitiwan mo ako leo ano ba?! "Pag poprotesta ko sa kanya

"No i wont pagsasawaan mo na kita bago kita ibalik sa pipitsugi mong boyfriend hahaha! " at tumawa ito ng malademonyo

"Ano ba bitiwan mo ako!" ani ko at muli niya akong hahalikan pero nasipa ko siya sa bagay na iyon kaya namn napaupo siya sa sahig

"Aray..! Walanghiya kang babae ka! Ahhhh!!!!!"

"Yan ang bagay sayo!" At agad kong nilabas ang baril sa bag ko

"Sige subukan mong lumapit muli papaputukin ko to! " ani ko

"Hahaha! talaga?  Baka hindi mo kaya! " ngisi ngisi niyang tukso sa akin

At muli itong tumayo at lalapitan ako kaya pinaputokan ko na siya at dahil hindi ako sanay sa pag gamit ng baril tumama ito sa kaliwang paa niya

"Ahhhhh!!!! Puta ka! Wag kang mag paabot sa akin papatayin kita! Ahhhh! " sigaw nito at umagos ang dugo mula sa paa niya

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatutuk sa kanya ang baril

Tumayo ito at paika-ikang nag lakad palapit sa akin at biglang ngumisi kaya naman na papaatras ako

"Wag kang lalapit! Kundi sa ulo muna to tatama! "

" talaga? Hahaha! ni tamang angulo ng baril hindi mo alam....angel, angel... Angel" ani into sabay iling

Mas dumoble ang takot ko ng mag iba ang boses niya wari'y parang isang diyablo na nag anyong Tao.

muli siyang lumapit sa kinaroroonan ko at inagaw sa akin ang baril at dahil malakas siya kesa sa akin matagumpay niyang nakuha ito pero sinipa ko siya ulit sa harapan na naging dahilan ng pag tilapon ng baril sa tabi ng lamesa

"Ahhhhhh!!! Bitiwan mo ako!  Tulong!  Tulong!  " sigaw ko dahil nasa ibabaw ko na siya

Pak!

"Ahhh! "
Sinampal niya ako ng sobrang lakas sa kanang pisngi ko

Pak!

"Ahhhh! Masakit!  Tulong....!! "Sigw Kong muli dahil Hindi ko na kaya na manhid na ang mag kabila Kong pisngi

" walang tutulong sayo angel! Hahaha! Pag sasamantalhan man kita at pagkatapos papatayin walang pupunta para tumulong sayo hahaha! " ani nito

"Halimaw ka! Halimaw!--

Pak!

"Akin ka lang dapat Angela, akin! naiintindihan mo?! " sigaw nito sa akin sabay hawak sa mag kabila Kong braso at unti unting nilalapit nito ang kanyang mukha

"Wag! Please maawa ka Leo... Parang awa mo na" ani ko sa kanya pero ngisi lang ang sinagot niya sa akin

"Awa? Huh?! Kay tagal kong hinintay ang araw nato"

"Andrew..... "

"Kahit tawagin mo yong boyfriend mo hindi siya dadating! "

Blag!

Sabay kaming napatingin sa pinto na ngayoy tangal sa pintuan

Masakit at alam kong namamaga ang mag kabila kong pisngi

"Andrew... Dumating ka" mahina kong sabi dahil halos hindi ko maibuka ang bungnga sa sakit ng sampal niya

"Pano mo nalaman?" litong tanong ni leo na nag pa distract sa kanya kaya naman hindi niya namalayan ang sumunod na nangyari

Paulit ulit at sunod-sunod ang pag suntok ni andrew sa mukha ni leo

"Walang hiya ka!  Akala ko kaibigan kita! Pero aahasin mo pa ang girlfriend ko!"galit na galit na sigaw ni andrew habang walang tigil ito sa pag suntok kay leo

Nakatingin lang ako sa kanila habng nakahiga sa sahig hindi lang kasi mukha ko ang masakit pati ang iba kong parte ng katawan

Duguan ang mukha ni leo at halos hindi na makilala kaya namn bago pa mapatay ni andrew si leo agad siyang tinawag

"Tama na andrew please.. " ani ko

"Hindi! Pag katapos niya gawin sayo yun! Papatayin ko siya! " sigaw niya

"Andrew please..." pag susumamo ko at dahil doon agad niya akong nilapitan

"Angel sorry.." ani ni andrew sabay yakap sa akin

"Hindi ako dapat ang mag sorry dahil sa mga ginawa ko sana mapatawad mo ako" humihikbi kobg sabi habang yakap siya

"Mahal-"

Bam!

Isang malakas na pag kabasag ang narinig ko at ganoon na lang ang pag tigil ng mundo ko ng lumabas ang dugo sa ulo ni andrew

Ang akala ko nawalan na ng malay si andrew pero tumayo siya at binalingan si leo na tumutulo din ang dugo sa ulo

"Kahit kailan hindi kita itinuring na kaibigan adriano ! Noon pa man ahas ka na! Inagaw mo sa akin si angela! "Ani ni leo

"Kahit kilan hindi siya naging sayo! Una pa lang alam mong ako ang gusto niya at hindi ikaw! " sigaw pabalik ni andrew

"Hindi!" at isang suntok ng binigay niya kay andrew at natumba ito

"Wag! Andrew! Tama na leo! " sigaw ko kahit masakit ng pisngi ko hindi ko ininda

"Huh?! Papatayin ko na siya angela" ani ni leo

Napahikbi ako at pinilit kong tumayo para pigilin siya ng mahagip ng mata ko ang baril

Agad-agad ko yong pinulot at dalawang putok ng bala ang umalingaw ngaw sa boung unit

Kita ko ang unti unting pag handusay ni leo  sa sahig

"Nakapatay ako... "

"Nakapatay ako... "

......

To be continue in next chapter

(Its not yet fully edited so, bare with the corrections)
WARNING: UNDERCONSTRUCTION

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon