Unwanted 10

7.7K 104 3
                                    

Palakad lakad si angel sa madilim na daan wala ng tao
Nakakatakot kung iisipin pero wala na siyang paki

Nawala na lahat sa kanya

"Beep! "

Napahinto siya sa dalawang itim na sasakyan sa harap niya agad siyang na alerto

Bumaba ang sakay at agad siyang kinabahan shit! Si dad!

"Angel.. Anak umuwi na tayo I'm sorry anak umuwi na tayo look at yourself hindi kita pinalaki ng ganyan papa is just busy promise I'll take care of you katulad ng pangako ko sa mama mo " sabi nitong halos maiiyak na

"Dad...... I'm so sorry po promise pakabait na ako hindi ko na po uulitin " pag kasabi nun agad niyang niyakap ang ama at umiyak dito

"I'm sorry too umuwi na tayo " sabi nito habang hinahaplos ang likod niya

"Yes dad " sagot niya sa amah

Makalipas ang isang buwan nag pasya siyang puntahan si Andrew sa opisina nito this time ginamit na niya ang kapangyarihan ng tatay niya kaya ngayon nag lalakad na siya papunta sa private office nito

Pag dating niya roon agad niyang natanaw ang isang babae na
busy sa harap ng computer ng di siya na papansin kaya tumikhim siya at nag angat naman ito ng tingin sa kanya

"Good morning, is Mr Andrew castro in? "  formal niyang tanong dito. She uses her father's business proposal to deal with this company para makalapit siya kay andrew actually nag volunteer siyang gawin iyon kahit wala pa halos siyang karanasan but anyway she came here not because of the proposal but for Andrew.

"Uhhmm apparently sir castro is busy ma'am nandiyan po si Mrs castro" formal din nitong saad

"What?! Pero diba may appointment ako at this hour sa kanya, bakit hindi matuloy? " pag hihisterya niya

"Ma'am hindi naman sa ganoon, Alam ni sir na dadating kayo pero biglang dumating si Mrs castro I'm sorry po but can you wait any longer?" Pakiusap sa kanya ng secretary

"Ha! No! If in this minute hindi parin matuloy, I'll go ahead" pag katapos sabihin iyon aakmang aalis na siya pero pinigilan siya nito

"Wait maam, please tatanongin ko muna si sir " at Dali dali itong tumawag siguro para informahin ito.

Tumingin-tingin pa sa kanya ang secretary pero tinaasan lang niya ng kilay

Pagkatapos ang tawag nito lumapit ito sa kanya

"Ma'am okey na po sabi ni sir, this way po " pag ba guide sa kanya ng secretary patungo sa pintong nakasarado.

Nag taka siya kung bakit pinapapasok na siya gayong nandoon pa ang nanay nito.
Nakilala na niya ang engratang ina nito naka ilang beses na kaya parang ayaw na niyang pumasok hindi sa takot siya dito pero baka masira lang ang araw niya but she need this kaya sumunod na siya sa secretarya.

Binuksan nito ang glass door na tinted at sumunod siya sa loob malaki ang private office nito may sofa set at flat screen tv na 50 inches at napatingin siya sa lalaking seryosong nakatingin sa kanya

"Sir nandito na po ang representative na pinadala ng CCB" paliwanag ng secretary at ang kaninang seryoso nag iba

"Oh!  Look who's here ang babaeng taksil! " ani ng mommy ni Andrew

"Excuse me? Ako taksil? I didn't, yes I admit I flirted with guys pero hindi ako taksil! " sagot niya

"Wow!  What a liar! Anak give those photos you have and I'll show that to this slut! " galit na galit linta ng mommy in Andrew sabay tayo at pumunta sa harap ni Andrew

"Mom! Stop it! Angel please if you came here for business let's move on " kalmadong salad nito

"Andrew actually....I" hindi niya natapos ang sasabihin

"Then get out! If you came to say sorry to my son out! I won't forgive you! Out! " malakas na sigaw ng mommy nito

"Mom!I said stop it! Angel lumabas na na rin I'm not ready for your sorry so please leave! " pilit na pinapakalma ang sarili nito

"Andrew... " mangiyak ngiyak niyang tawag dito

"Bingi ka ba?! Out diba?! Labas! Shoo! " pagtataboy ng mommy ni Andrew sa kanya

"Mom! " tawag nito sa ina

Parang pagod na lumabas siya pinahiran lang niya ang mga luhang lumalandas.

Kahit almost one month na ang lumipas nag bago na siya even once hindi na siya tumapak sa mga bar she lost contact to all her buds in partying.

She'll accept na ayaw pa siyang patawarin ni andrew pero hindi siya titigil.

UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon