Huling kabanata
Ilang linggo na ang lumipas nang mangyari ang insidente na habang buhay ko siguro babaunin.
Kahit na sabihin na inako ni andrew ang kasalanan di pa rin maiaalis sa akin ang kunsensya. Pero di ko sinsadya ang bagay na iyon. Na-udyok lang ako dahil ayokong mamatay si andrew. Mas gusto kong pumatay kay sa si andrew ang mawala sa akin.
Pero, siguro parte lang iyon ng buhay natin na bawat isa sa atin ay kailangan pag daan para may matutunan sa buhay.
At ngayon, medyo wala ng kontrabida sa pag iibigan namin. Tanggap na rin ako ng mama ni andrew at malapit na kaming mag pakasal.
Pag katapos na lang daw ng graduation ko saka mag paplano. Hindi rin kasi kami nag mamadali dahil sabi niya mahaba-haba pang panahon kami mag sasama hindi lang bilang mag kasintahan kundi bilang mag asawa kasama ang mga magiging anak namin.
Nakangiti ako habang nakaupo sa nakalatag na banig at mumuni muni sa ilalim ng acasia dito sa park. Nag date kasi kami ni andrew at naisipan namin na mag dry picknick at enjoyin ang magandang view dito.
"Hon, anong iniisip mo? " ibinaling ang ulo nito sa gawi ko nakahiga kasi siya sa hita ko.
Ngumiti ako sa kanya at marahang hinaplos ang buhok niyang malambot.
"Wala... Sana kapag kasal na tayo ganito ka tahimik ang buhay natin" sabi ko habang patuloy pa rin hinahaplos ang buhok niya.
Tumingala siya sa akin at bahagya din ngumiti.
"Gusto mo bang tumira tayo sa may tabing dagat? " biglang suhestion nito.
At napaisip naman ako na maganda nga ang tumira malapit sa dagat. Yung pag tulog at pag gising mo payapa at tanging hampas ng dagat sa dalampasigan ang maririnig.
"Ano sa tingin mo hon? " tanong ni andrew na nag pabalik sa akin sa realidad.
"Oo gusto ko don"masaya kong tugon dito.
°°°°
1 YEAR AND A HALF LATER
Kinakabahan na naeexcite si angel habang pisil-pisil ang mga daliri. Ilang sandali na lang at nasa simbahan na sila kung saan pag darausan ng kasal nila at kung saan hinihintay siya ng kanyang Husband-to-be na si Andrew Castro.
Whoooh!!
Bumuga siya ng hangin para mabawasan ang kaba niya.
Makalipas ang ilang sandali itinabi na ng driver ang sasakyan sa tapat ng simbahan. Tanaw niya ang nag kukumpulang media sa labas at mga tao sa kani-kanilang magarbong kasuotan na napalingon sa sasakyan na siyang lulan. Tanaw din niya magandang dinesenyo sa loob ng simbahan at ang arko na gawa sa bulaklak. Napangiti siya dahil sa saya.
This is it! Aja! Fighting!
Bumukas na ang pinto at sinalubong siya ng kanyang ama na maluha-luha habang tinitingnan siya.
"You're so beautiful anak" sabi into at pasimpleng pinahid ang luhang tumakas.
"Salamat dad. I promise na kahit kasal na ako, you can still count on me" aniko at napapaluha na rin.
"Shhh.. It's your special day and wish you to be happy today and onwards" nakangiti nitong sabi na nag pagaan sa kanyang nararamdaman.
She's lucky to have a dad like him.
BINABASA MO ANG
Unwanted
RomansaI don't care if ayaw nila sa akin ang gusto ko lang siya kuntento na ako sa kanya but things got worse the only person who care about me is hating me now.