Unwanted 11

7.3K 92 1
                                    

San burgon, Nobyembre 12, 1889

Nakatayo sa harap ng malaking salamin si Angela habang sinusuklay ang makintab at kulay burganding buhok na kulot sa dulo.

Nakangiti siya sa sarili bukas ay magkikita sila ng kasintahan, sa wakas ay masisilayan na niya ang kagwapuhan ng iniirog sa halos boung buwan ng agusto wala silang komunikasyon at ang telegrama naman na pinadala niya ay matagal pa aabot dito.
Sa umagang iyon excited siyang lumabas ng bahay pero napatigil siya ng matanaw ang kung sinong nakatayo sa kanilang tagpuan ng kasintahan

Aakmang babalik sa bakuran ng mansyon nila pero nahila na siya nito at isang marubdub na halik ang ginawad sa kanya noong una ay nag pupumiglas siya pero kalaunan ay sinasabayan na niya ito.

Kataksilan at walang kapatawaran ang makakakita sa dalawang taong ngayon ay walang sawang sa halikan

"Leandro.. "

"Angela mahal kita"

"Mga walanghiya kayo! Mga taksil! Angela pinagkatiwalaan kita akala ko mahal mo ako yun pala nawala lang ako may kalantari kana! Angela sa araw na to tapos na ang ating relasyon " umiiyak na sabi nito sa kanya

"Adriano wag! pakiusap nag kakamali ka sa nakita mo pinilit niya lang ako! Leandro magsalita ka! Sabihin mo sa kanya pinilit mo lang ako! Leandro ano ba! " umiiyak na sabi niya

"Ano ba leandro magsalita ka!" Sigaw niya dito pero walang salita na lumalabas sa bibig nito

"Aalis na ako, mag ingat ka angela nawa'y mahalin niyo ang isa't isa" malumanay nitong sabi pero bakas ang sakit sa mga mata nito saka nag lakad paalis

"Adriano bumalik ka ikaw ang mahal ko wag kang umalis pakiusap... " pagsusumamo niya

"Adriano....." mahinang tawag niyang muli ngunit hindi ito lumingon kahit minsan

"Angela" mahinag tawag sa kanya ni leandro

"Kinasusuklaman kita leandro, kinasusuklaman ko ang boung pagkatao mo! Nang dahil sayo iniwan na ako ni adriano " namumuhing sigaw niya habang umiiyak kay leandro

"Angela wag mo akong kamuhian nagawa ko lang iyon dahil mahal kita " namumula ang matang sabi nito

"Hindi... Hindi leandro umalis kana!" sigaw niya

"Angela mahal kita "

"Tumigil ka" pag kasabi noon umalis na siya patakbong pumasok sa kanilang mansyon kahit hilam ang mukha ng luha ay wala na siyang pakialam.

"Angela isinusumpa ko sa lahat ng mga makapangyarihang diyos na kahit sa ka apo-apuhan mo walang makakatulayan na kadugo ni adriano isinusumpa ko! Isinusumpa kita angela! " malakas na bulong na ritual ni leandro na biglang dumilim ang kalangitan at malakas na ihip ng hangin

Pati si angela na umiiyak sa loob ng kwarto natigilan sa pag iiba ng kalangitan mukang uulan pero hindi karaniwan ang pag dilim nito yung tipong malaking usok na itim ang pumalibot sa boung bayan


At sa araw na iyon ang sumpa ay naganap na.....










Nagising na pinag papawisan si angel hindi niya alam kung panaginip lang iyon, dahil parang siya ang babae at ang adriano na tinawag niya ay parang si andrew pero hindi niya kilala si leandro wala siyang kilala kamukha nito.





UnwantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon