CHAPTER 6.5 - Ready for the trip?

126 11 13
                                    

AN: Done with the Christmas musical play. Congrats sa section ko. Hihi. I'm so proud of you guys. (Lol. As if mababasa nila 'to) Christmas party nalang tapos vacation galore na! Yipee! As promised, heto na ang UD. Part two ng last chapter. Kindly leave comments and votes. God bless! :)

Dedicated to: HimeSamaDesu! :) Thank you for supporting my story! *Power Huuuuuug*

DECEMBER 9, 2012

ERROL'S POV

"Hello Sir! Welcome back to Miracle Shop! And oh, Belated Happy Birthday Sir!" Nakangiting bati sa akin nung babae sa may counter. "Nalate yung bati ko ng 2 minutes. Anyway, how may i help you?"

Napatingin ako sa relo ko.

12/9/12, 12:02.

Di ko man lang namalayan na nag-birthday na pala ako. Pero dapat ko bang i-celebrate 'yun?

Anong 'Happy' sa Birthday kung yung mismong araw na yun eh ang araw din ng..  

Fuck. Ayoko nang alalahanin.

"Uhh.. Excuse me sir, ano pong maitutulong ko?" She asked as she waved her hand. Dahilan para maalala ko kung ano ba talagang pakay ko dito.

Hindi naman talaga ako naniniwala dito. Para sa akin, kabaliwan lang 'to. Hindi ko nga alam kung dapat ko bang patulan 'to. Pero desperado na ako. I.. I have to save Reneeza. 

Pero.. P-pano ko ba sasabihin 'to?

"Uhh.. A-ano kasi.."

Tumingin siya sakin nang maigi. Para bang binabasa ang iniisip ko. Sige. Basahin mo nalang ang isip ko. Ayokong aminin sa sarili kong pumapatol ako sa ganito.

"Hmmm.. Mukhang alam ko na, sir. Have a seat." Nakangiti niyang sabi.

"H-ha?" Umupo naman ako sa sofa gaya ng sabi niya. Lumabas namam siya ng counter at umupo sa tapat ng inuupuan ko.

 Dapat pa ba akong magulat na nabasa niya ang iniisip ko?

"Alam mo kasi sir, sana di mo na pinaabot ng ganito." Umiling iling pa siya. "Pero.. Ano pa bang magagawa ko? Nangyari na eh. Haay.. Sinayang mo ang pagkakataon. Noong nasa iyo pa, binabalewala mo lang. Pero ngayon, heto ka. Gumagawa ng bagay na hindi mo aakalaing gagawin mo."

Letse. Magbebenta na nga lang, sinermonan pa ako. Oo, alam ko namang kasalanan ko eh. Hindi niyo na naman kailangang pang ulit-ulitin.

"You want to go back in time right?" She asked, I nodded.

"Pero.. Di ganun kadali yon. Oo, maaring may magbago pero lahat ng yon eh nasa kamay mo. Masyadong delikado. Walang kasiguraduhan."

"Wala na akong pakialam sa kung ano ang pwedeng mangyari. L-lahat gagawin ko mabago lang 'to.. H-hindi ko kaya ang ganito." Naisampal ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Gusto kong itago nalang ang mukha ko kasi wala akong kwenta, nakakahiyang humarap sa kahit sino. "Ang gago ko lang kasi. Tangna. kasalanan ko 'to lahat. Walang kasiguraduhan? Wala na akong pakialam. Basta, kahit ngayon lang, kahit imposible, gusto ko namang may gawin para sa kanya."

"Alam mo, napakaswerte mo na nakilala mo ako." Natatawa niyang sabi. "Isa ka sa mapapalad na makakabalik sa nakaraan."

Napatingala ako't tumingin sa kanya.

Bakit ba parang pamilyar ang mukha niya?

"T-talaga?"

"Oo.." Inabot niya sa akin ang isang maliit na boteng may laman na kung anong kulay violet. Kung ano man 'to at kung saan man 'to galing eh wala akong alam.

Take Me Back To YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon