Dedicated to: AngfutureniDJ. Sana po ma-enjoy mooo~
Di ko pa nachecheck typos, mianhe! XD
BTW, Changed my book cover. :) <3 Ganda eeh! :>
CHAPTER 7.5
Isang salita lang ang masasabi ko.
Korni.
Ang korni naming dalawa. -__- Kadiri. Ni minsan hindi ko pa sinubukang kausapin si Reneeza gamit ang mga korning salita -- kanina lang at wala na akong balak ulitin uli. Kadiri kasi. Masyadong... cheesy.
Pero ang sarap talagang pakinggan ng boses niya. Akala ko eh huli na naming pag-uusap ay yung gabing nag-away kami. Nakakahinga na ako ng maluwag ngayon. Siguradong may babalikan na akong Reneeza Elise Ignacio kapag sinundo na ako ng babaeng-hindi-ko-alam-ang-pangalan. Pero sa ngayon, susulitin ko muna 'tong pagbalik ko sa nakaraan.
Papunta na akong parking lot nang may tumawag sa akin dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
"Errol!"
H-hala?!
Masyado naman atang Digital! Susunduin na ba ako agad?! Eh wala pa akong dalawang oras ah. Pa-extend pwede ba?
Kinakabahan ako... baka ito na nga ang sundo ko. Gulp.
"Errol! Wait up!" Pagtawag nitong muli.
Humarap ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ang isang babaeng hindi ko naman gaanong kilala. Pero sigurado ako sa dalawang bagay: Hindi ito ang una naming pagkikita AT hindi siya ang sundo ko.
Nakahinga ako nang maluwag. Safe! Di pa ako uuwi!
Teka. San nga ba?
Ah. Siya yung model kanina.
"Bakit, miss?"
May ngiting nabuo sa labi niya kasabay ng pagtakbo niya papalapit sakin. Gusto ko sanang sabihan siya ng 'Ingat sa pagtakbo' dahil sa killer heels niyang suot pero huli na eh, nadapa na siya sa harap ko. (Well.. Wala akong kinalaman sa pagka-dapa niya ah. -__-")
Tinulungan ko siyang tumayo. "Okay ka lang?"
"Sht." I heard her swear. "Nakakahiya naman."
Binitawan ko na ang pagkakahawak ko sa kanya dahil mukha namang kaya na niyang tumayo mag-isa. Oo, hindi ako ang typical gentleman dito. Siguro si Ian papasa pa. "Nah. Okay lang, lahat naman tayo nadadapa. Iba iba lang ng paraan at dahilan. Ah, teka nga. Bakit ka ba nagmamadali?"
"Wala naman.. I just want to ask you a favor." Sabi niya habang pinapagpag ang sarili.
"Ano naman iyon?" Tanong ko habang sinusulyapan ang oras sa relo ko. 9:17PM, maaga pa naman. (Halata bang excited ako?)
"Nakakahiya eh." She said shyly.
"Go on."
"Uhmm.. Pwede mo ba akong ihatid pauwi? Ano kasi ehh.. Natatakot kasi akong umuwi mag-isa eh it's late na rin kasi. Plus, wala akong kasama. Di ko pa dala ang kotse ko." Hinaplos niya ang tuhod niya. "And my stupidity just made my situation worse." (Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang ipitin ang boses niya at magpa-'cute' habang sinasabi yan.)
Tsk. Kung ako rin naman ay babae at ang suot ko ay tank top (nga ba ang tawag dyan) at maikling short na alam-nyo-na-ang-tawag eh talagang matatakot akong umuwi.
Psh. Bakit ba ganito na ang mga babae ngayon? Alam kong mainit sa Pinas pero masyado atang kinulang sa tela ang babaeng 'to. -__-
Siyempre, di ko naman pwedeng tanggihan 'to. Baka sabihin nyo pa eh ang sama ko masyado. Konsensya ko pa pag napagtripan to ng mga adik sa kanto. "Okay lang naman siguro sakin. Saan ka ba uuwi?"
BINABASA MO ANG
Take Me Back To Yesterday
RomantikWe take it for granted that the past is fixed. History always happened the way we remember it happening. To time travel is impossible, yes. We heard this line so many times before. But... let me tell you the story of Errol... The man who made the im...