UPDATED! Gawin nating medyo light ang mood. :)
CHAPTER 7.5 - Back to Yesterday
December 7, 2012
*Blink Blink*
"Okay. pack up na guys! Great job!"
*Blink Blink*
Iginala ko ang tingin sa palid. Pinagmamasdang maigi ang lugar kung nasaan ako ngayon. Staff... Models... Props.. Studio.
Studio?
Teka... Bakit ako nasa Studio?!
Hindi kaya?..
T-totoo nga yata talaga... Nakabalik nga ba a-ako?
Ilang beses kong kinusot ang aking mga mata. Sinisiguradong totoo ang lahat at hindi lang ako basta nag-iilusyon. Pero kasabay ng bawat kusot ng aking mga mata ay ang dasal na sana pag-mulat ko eh nandito parin ako.
Sa huling pagkakataon, minulat ko ang aking mga mata...
*Blink Blink*
Makalat na silid... Mga taong abala sa pag-liligpit at kung ano pa mang bagay iyon ay hindi ko na alam.. Pero isang bagay lang ang sigurado...
Nakabalik nga ako!!
Kinurot-kurot ko pa ang pisngi ko. Yung todong kurot. Ansakit nga eh, pero sa lahat siguro ng nasaktan, ako lang ang masaya. Aba siyempre! Napatunayan lang nito na totoo ang lahat ng ito!
"Hoy, Errol! Mukha kang ewan diyan!" Natatawang sabi sa akin ni Janice saka niya pinitik ang noo ko, katrabaho ko nga pala ang brutal na babaeng iyan.. "Anyareh sa mata mo?"
"H-ha? Bakit?" Napahawak ako sa mga mata ko. Tumingin pa ako sa repleksiyon ko sa salamin. W-wala namang kakaiba ah.. Kumpleto naman ang katawan kong nakarating dito.
"Wala naman. Kanina ka pa pikit ng pikit eh. Nako, antok lang iyn pre, itulog mo na iyan." Tinapik-tapik niya pa ako sa may balikat.
Papaalis na sana siya nang higitin ko ang braso niya upang magtanong.
" Teka lang! May itatanong pa ako sa'yo."
"Ano naman iyon?" Sabi niya habang nakatingin sa dala-dala niyang mga papeles ata iyon.
"Ano kasi... Ano na bang araw na ngayon?"
Tumingin siya sa akin na medyo nagtataka. "Huwebes. Bakit?"
"Hindi.. Ang ibig kong sabihin eh ano.. Anong petsa?"
"Linawin mo kasi. December 7 na. Nako Errol!! Matatapos na ang taon! Mayaman ka naman eh! Mura lang kalendaryo, bumili ka nga!" Reklamo niya sa akin.
"T-talaga?!" Excited kong tanong.
Tinaas niya ang isa niyang kilay sa akin. "Ilang beses ka bang ipinanganak ah? Ang kulit mo rin eh no?" May kinuha siya sa bulsa niya. Cellphone niya pala iyon. Binuksan niya yon tsaka pinakita yung screen. "See for yourself."
Tinitigan ko nang maigi ang orasan.
"Yes!" Napatalon pa nga ako sa nakita.
December 7, 2012...
She rolled her eyes. "Weirdo. Aalis na nga ako dito, baka sabihin kinakausap ko ang takas sa mental na tulad mo. Akin na nga yang cellphone ko at may aasikasuhin pa ako."
Binawi na niya yung cellphone niya at umalis na sa harap ko. Napakataray talaga ng babaeng ito, pero mabait din naman yan kahit papaano.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng studio. Kinapa ko ang cellphone sa bulsa.
BINABASA MO ANG
Take Me Back To Yesterday
RomanceWe take it for granted that the past is fixed. History always happened the way we remember it happening. To time travel is impossible, yes. We heard this line so many times before. But... let me tell you the story of Errol... The man who made the im...