Heae's Note: Hello guys! Kaway-Kaway! Hihi. Salamat po sa mga comments . Kinikilig po talaga ako. Kaya naman, update agad. :'> Labyu ol! :*
Anyway, habang nagbabasa kayo neto, sino naiisip niyo? Kumbaga pag ginawang live action, sinong bagay gumanap? Weee~ I'm looking for Character performers. Pwedeng Korean, Japanese, etc. Comment niyo naman po kung sino. Better kung Pinoy. Pero okay din kahit ibang nationality. :>
Dedicated to: TwoFaceDiva. Lalalalalabsyow :*
Okay. I'll shut up na.
* * * * *
ERROL's P O V
DECEMBER 7, 2012
"Okay. pack up na guys! Great job!" Sigaw ni Jerro. Finally, after 2 straight hours, natapos narin ang shoot.
"Ge, una na ako." Paalam ko sa kanila matapos maligpit ang gamit ko. Tumango naman sa akin ang mga staff.
Mabilis akong bumaba ng studio. Dumaan muna ako sa 7 eleven bago dumiretso sa hotel kong pansamantalang tinutuluyan.
5 araw na ang nakakalipas mula ng malaman kong ikakasal na si Reneeza. At limang araw na din akong di umuuwi ng bahay. Nakakainis kasi. Baka magkita pa kami ni Reneeza kung sakaling umuwi ako.
Kung dati, naiinis pa ako sa sarili ko kung bakit masyado akong apektado sa mga pangyayari, ngayon, malinaw na sakin kung bakit.
It only took me five days to realize.. But what hurts most is the fact that it's too late.
Si Reneeza.. Hindi lang siya basta Best Friend, Childhood friend, Classmate, Kabarkada at Kapitbahay.. Siya lang ang babaeng..
"Psst.. Errol." Tawag sa akin ng babaeng nakatungo sa may gilid ng pinto ng 7 eleven, pagkalabas ko.
Tumungo pa siya eh alam na alam ko naman ang boses niya.
Di ko siya pinansin at binuksan na lang ang binili kong beer. Ininom ko yun habang naglalakad papunta kung saan man ako dalhin ng paa ko.
Tsk. Bakit ba ngayon pa nagpakita sa akin 'to? Ako na nga yung lumayo para hindi na magulo pa. -____-
"Uyy!! Errol, intay naman oh!!" Sigaw niya sakin. Naman oh! Bat ang kulit niya masyado? Sinusundan pa ako!
Binilisan ko pa lalo ang paglalakad at tinungga ang alak.
"Errol naman! Wait up!"
Humarap ako sa kanya. Hinihingal siyang humarap sa akin. Engot naman kasi. Bat ba ako hinahabol?
"Bakit ba ha?"
Natahimik siya at tumungo.
"Hssh. Hinabol habol mo ako tas wala ka naman palang sasabihin? Tsk." Maglalakad na sana ako ulit palayo nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.
"Eh kasi naman, Errol. Kausapin mo ako. Mag-usap tayo."
Humarap ako ulit sa kanya.
"Ano bang pag-uusapan natin ah?"
"I'm sorry, Errol." Mahina niyang sabi.
"Bakit? Sorry kasi di mo sinabi sa akin? Sorry kasi ako yung huling nakaalam? Sorry para saan?" Binuksan ko yung isa pang bote at ininom iyon. "Alam mo, naiinis talaga ako. Hindi pa malinaw sa kin dati kung bakit eh. Dahil ba sa ako yung huling nakaalam? O dahil sa ikakasal ka na?"
Nagsimula na siyang humikbi. "Sorry, Errol."
"'I'm Sorry' lang ba ang alam mong sabihin?"
Kinuha niya ang bote ng beer sa kamay ko at inubos niya 'yon.
"H-Hoy! Wag mong ubusin yan! Dammit! Di ka naman marunong uminom!" Pagpipigil ko sa kanya.
"Di ko rin naman alam kung bakit hindi ko masabi sayo. I'm sorry, Errol. S-sorry talaga. W-wag ka nang m-magalit sakin." Naiiyak niyang sabi. Ibinato niya ang walang lamang bote sa may side walk. Alam kong nalasing na 'to. Anobayaan! "Ang hirap kasi sayo, lagi ka nalang galit sa akin. Lagi kang naiinis pero di ko alam kung bakit. Pwede mo namang sabihin eh. Gusto ko okay tayong dalawa. Pero wala eh, lagi mo nalang tinatago yung nararamdaman mo. Nakakainis ka, alam mo yun?"
"Kung sasabihin ko ba, may magbabago?" .. Kung sasabihin ko bang wag ka nang ikasal .. "Magiging okay ba ang lahat?" ... Ayokong maging selfish, Reneeza. Alam kong masaya ka na.
Tumingin lang siya sa akin habang patuloy na umiiyak.
"Wag mo akong iyakan, Reneeza. Baka makalimutan kong galit ako sa'yo."
Oo. Alam ko na kung bakit.. Pero bakit hindi ko masabi? ..
Iniwan ko na siya. Alam ko namang di ko na kakayaning magtagal pa doon.
* * * * *
RENEEZA's P O V
"Wag mo akong iyakan, Reneeza. Baka makalimutan kong galit ako sa'yo."
Hanggang ngayon, di parin ako tumitigil sa pag-iyak. Medyo nahihilo pa nga ako dahil dun sa ininom ko kanina.
Kahit kailan talaga, di ko siya maintindihan.
Inistart ko na ang makina ng sasakyan.
Uuwi nalang ako.
Nasayang lang ang pag-iintay ko ng 2 oras dun sa studio nila. Gusto ko lang namang personal na magsorry eh. >:( Tsaka.. Tsaka.. Birthday na niya bukas at kasal ko na sa isang araw.. Gusto kong magkaayos kami.
Pero pinagtabuyan lang niya ako. >:(
Medyo umiikot parin ang paningin ko habang nag-ddrive. Nagsisisi na talaga akong ininom ko 'yung dala niyang alak.
*PHONE RINGS*
Mabilis kong hinanap ang cellphone ko mula sa bag. Siguro si Errol 'to. Sabi na eh, di ako matititiis. Hihi. Ano ba yan Anlandi ko naman ata! :'> Sorry, lasing! XD
*PHONE RINGS*
Pero di ko mahanap yung cellphone. Where is it?
I leaned towards the passenger seat where i placed my bag. Namaaan. Ngayon pa nawala yung phone na yun! >.<
*BEEEEEEP BEEEEEEEP*
Binaling ko ang tingin sa daan. OhmyGod. A-anong gagawin ko?!
Umiikot parin ang paningin ko, pero kitang kita ko ang pasalubong na truck.
Natataranta kong tinapakan ang brake ng sasakyan.
Pero sa sobrang taranta ko at isama pa ang hilo...
Mali ang natapakan ko, dahil imbes na tumigil ito, lalo pa itong bumilis. Dahilan para salubungin ang tru--
*SCREEEEEEEEEEECH* *BOOOOOGSH* *BLACK OUT*
* * *
AN: Baka nagtataka kayo kung bakit nasa Fantasy Category to eh normal naman ang lahat. Hinay hinay lang. Siguro dalawang UD pa. :)
5:39
12/8/2012
BINABASA MO ANG
Take Me Back To Yesterday
RomanceWe take it for granted that the past is fixed. History always happened the way we remember it happening. To time travel is impossible, yes. We heard this line so many times before. But... let me tell you the story of Errol... The man who made the im...