CHAPTER 3 - Happiness

269 14 14
                                    

HEAE's Note: (Haba neto! Nobela note ko!)

Hello, mga beshies! I'm back!  >:D  **End of HEAE's Note.

JOKE! HAHAHAHAHA. Eto na talaga. Thank you po sa mga nagcomment, vote at naglagay sa reading list nila netong story na 'to. Dapat kasi ipapasa ko 'to sa Fil Subject namin, kaso baka malito teacher ko. Tsaka ayako hapitin 'tong kwento. XD

 Dedicated to: Ate @erubihigurashi! Heto na! How's the exam? :)

Yun lang. Please leave a comment . Mag-vote na rin kung nagustuhan. :> God bless! :) 

PS:  TURUAN NIYO NAMAN AKONG GUMAWA NG BOOK COVER!

----

 DECEMBER 2, 2012

"Tulala ka na naman, Errol. May problema?" Sabi sa akin ni Ian nang makaalis na yung dalawang babae. May mahalaga daw na pupuntahan, malay ko ba kung saan.

"Tinatanong pa ba yan?! Broken hearted ang loko eh. Hahahaha. Oh, eto," Singit naman ni Luke. Inabot niya sa akin ang isang bote ng beer. "Kelangan mo ng madaming ganyan ngayon."

"Psh. Tigilan mo nga ako, Luke. Broken hearted ka diyan! Ang bading 'tol! Tsaka, bakit ba andito ka ha? Di ba dapat nakabuntot ka lang dun kay Nads?" Kinuha ko yung inaalok niyang bote. *inom*

"Sus, Pre. Alangang ipagpalit ko ang problemado kong kumpare para kay Nads. Di namam ako ganun!" -Luke

"Sabihin mo, Luke, di ka lang pinasama ni Nads!" Hirit naman ni Ian.

"Walaya pare! Under!!" Dagdag ko pa. Umapir naman sa akin si Ian. Hahahahah. Napagkaisahan na naman namin 'tong si Luke! Hahaha.

"Mga lul kayo! Si Errol ang may issue dito, oy! Hindi ako! Ts-tsaka tigil tigilan niyo nga kami ni Nads ko!" Automatic na sagot ni Luke. Napainom pa ang loko. Hahahaha.

"Gags! Wala namang kayo eh!" Dagdag ko pa.

Tama yan, Errol. Eh ano naman kung ikakasal na yung luka-lukang iyon? Aba, Ayos nga yon eh! Pagkatapos ng 20 taon, may dahilan na siya para lubayan ako!

Walang makulit, mapilit, bipolar, masungit, maingay, madaldal, iyakin, baliw, tanga, engot, uto-uto, pasaway, pikon, masarap magluto, magalang, masipag, mabait, masayang kasama, palatawa, maalaga, magan-- T-TEKAA!! P-Parang nilalait ko pa siya kanina ah! A-ano bang sinabi ko?! Argh! Wag niyo nang pansinin. Nagsinungaling lang ako dun sa bandang dulo. -__-"

"... Tama pare! Naalala mo pa yun? Lupet nun, pre! Laughtrip!!" Tawang tawa pa ang dalawa sa kung ano mang pinag-uusapan nila. Teka, ano nga ba yun??

"Oy, wag masyadong seryoso, Errol. Pwedeng tumawa." -Ian. Wow. Tignan mo nga yung nagsalita, siya nga pinakang seryoso eh! -____-

"Tama, pre. Di pa end of the world yung pagpapakasal ni Renren. Ikaw din naman kasi eh. Hina mo, bro. Anong ginawa mo sa 20 taon niyong magkasama? Sinayang mo. Tsk."

Ginawa ko? Ano?! May dapat ba akong gawin na di ko ginawa? @_@ 20 Taon? 20 Taon?

Ang alam ko lang, di kami magkasundo. Lagi kaming nag-aaway dahil sa maliliit na bagay. Madalas pa nga kaming sabihan na 'araw araw nalang kayong nag-LQ!' (LQ KAYO DIYAN!! ASA!)

Madalas din siyang umiyak noong high school/ college kami. Kung bakit? Eh di ko alam. Pero lagi niyang sasabihin, 'ikaw kasi eh.', 'Tanong mo sa lelang mo', 'Nakakainis ka kasi.' 'Wag mo akong kausapin'.

Pero ano? Wala naman talaga akong alam. Nananahimik ako tas bigla nalang magtatampo/maiinis/magagalit/iiyak. Lagi nalang akong nasisisi eh wala naman talaga akong alam. Ang hirap pa namang suyuin nun!

Take Me Back To YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon