CHAPTER 1 - The Shop
"Hoy lalaki! Gumising ka na nga diyan!!"
Naramdaman kong may humihila sa paa ko. Ginugulo ang buhok ko at hinahampas ang balikat ko. CRAP. BAKIT NGAYON PA AKO GINIGISING NAKNG-- BUONG LINGGO NA NGA AKONG WALANG TULOG UTANG NA LOOB. LIMANG ORAS LANG PAGBIGYAN NIYO NAMAN AKO.
"Uy! Errol!! Gising na please!! Please!!"
Bigla akong napabangon sa kama. "DAMMIT!" Sumilip ako sa relo. 11:20 palang ng gabi! "ANO BA NAMAN ATE! WALA PA NGA YUNG ARAW OH! BAKIT KA BA NAMBUBULABOG DIYAN?!!"
Sino bang hindi magigising sa magaling kong kapatid???!!! Sigawan daw ba sa tenga?! Eh ang tinis pa naman ng boses niya. Crap. Pano ba nakapasok 'to sa Condo ko??!
"Peram ako ng kotse, please? Please?" Desperada niyang pakiusap sakin. Ano na namang trip neto?!
"11:20 na, san ka na naman pupunta? Bar Hopping?! Gamitin mo kotse mo!" Sabi ko at bumalik sa pagkakahiga. Bwiset! Ginising ako para lang manghiram ng kotse eh meron naman siya! Tsk!
Hinila niya yung braso ko at pinilit akong bumangon ulit. Dammit! Bakit ba ang kulit neto?!
"Gumising ka kapatiiid! Kinuha ni mommy kotse ko! Nahuli ako last night, overspeeding. Plus nakainom pa ako nun. Gaaaah! I'm so unlucky that night! Sige naaaa! Peram na ako nung sayo! Promise! Ibabalik ko nang buo! At hindi na kitag iistorbohin sa pagtulog! Promise yaan!"
Kaya naman pala. Ilang beses na bang nahuli 'to dahil sa overspeeding at drunk driving? Pshh.
At ibabalik daw nang buo? Kalokohan. Eh hindi na nga nakabalik yung kotse ko nung huli ko siyang pinahiram eh!
"San ka ba pupunta?"
"Ah.. Eh.. Basta! Peram na ako please! Please!"
"Sabihin mo na kung saan ka pupunta at ihahatid na kita."
"Wag na. H-hehe. Alam kong inaantok ka pa. Alam mo namang ayokong napuputol tulog mo eh at ayaw na ayaw kong napupuyat ka, so okay lang talaga na ako nalang mag-isa. Just lend me the keys and I'll surely take good care of your beloved car." Nate-tense niyang sabi.
Is it just me or sadyang may tinatago siya sa akin?! -___-
"Ayoko. Wala akong tiwala sa driving skills mo. Oh ano? Ihahatid kita o matutulog na ako?" -__-
Nakipagtitigan lang siya sakin. Sabay pout. Gross! Bat ba ang hilig niyang magpacute? Antanda tanda na eh!
Tumingin siya sa orasan. "Dammit! It's already 11:30!" Tumingin siya sa akin. "Fine! Ikaw na ang magdrive!" At Kinadkad niya ako pababa ng kama. Wala nang pakialam kung mauntog o mabangga ako kung saan. Sadista talaga netong Ate ko. Psh.
Kumuha lang ako ng Jacket at nagpalit ng pantalon. Minamadali na kasi ako nung babaeng yon. Natatarantang ewan, bakit ba nagmamadali?!
"So where are we going?" Sabi ko pagka-start ng makina.
"I'll give the directions. Just drive fast. Kelangan kong makarating bago mag-alas dose." Sagot niya.
Sinasabi lang niya yung directions. Ayaw niyang sabihin kung saan kami pupunta. At hindi pa nakuntento sa 60kph. Bilisan ko pa daw. No doubt madalas mahuli 'tong babaeng 'to. Good thing, maluwag ang kalsada ngayon.
Pero san ba talaga kami pupunta? Wala na 'to sa sibilisasyon eh! Pagtingin ko naman sa Ate ko, para siyang baliw na dinadasalan ang daan. Ano na namang trip neto?
"Yung totoo, saan tayo pupunta?"
Tumingin siya sa akin at tumigil sa pag-chant. "Just shut up and drive." Pumikit siya ulit at nag-chant na naman. WEIRD.
BINABASA MO ANG
Take Me Back To Yesterday
RomanceWe take it for granted that the past is fixed. History always happened the way we remember it happening. To time travel is impossible, yes. We heard this line so many times before. But... let me tell you the story of Errol... The man who made the im...