HI ATEEE! I DEDICATE THIS TO YOUUU! LOOOVE YAH! :*
CHAPTER 2 - Never knew
DECEMBER 2, 2012.
2 MONTHS LATER.
*Beep Beep*
1 Text Message Recieved
FROM: 0916*******
Hello, guys! Kumusta na kayo? Tagal na nating di nagkita ah! Reunion tayo later! Please? Sa dating tambayan, 2:00 PM. Ang di pumunta, babaliin ko paa. Kthnxbai, Nads.
-
Nads? Nadeth Pascual? Aba, ayos ah. After 5 years, magkikita kita na ulit kaming barkada.
Ano naman kayang meron ngayon?
Way back in high school, meron kaming solid na barkada. Siyempre, kasama ko dun sa barkadahan si Reneeza. (Lagi nalang. -__-) Si Nads, siya ang maton sa barkada. Mas nakakatakot pa yun kesa kay Luke (Luke Salazar), yung manliligaw niyang habulin ng chix. Si Ian (Ian Aragoncillo) na nerd pero marunong sumakay sa trip namin ni Luke. At si Krystel (Krystel Garcia) na sobrang close sa Ate ko. Gusto din kasi niyang mag-model o mag-artista gaya ni Ate.
*Beep Beep*
1 Text Message Recieved
FROM: 0917*******
Pare, punta ka sa tambayan mamaya? Ian.
-
Nagreply naman ako ng: Oo, takot ko lang na baliin paa ko. San mo nga pala nakuha number ko?
*Beep Beep*
FROM: Ian
Kay Renren. Ge, kitakits nalang mamaya. Miss ko na rin ang barkada.
-
Kay Reneeza pala nakuha.
Pati pala si Ian pupunta. Eh, Teka, yung babaeng yun din ba, pupunta? Aish. Baka hindi. Malamang busy dun sa Matthew na yun.
Di tulad ng iba kong kabarkada, si Reneeza, lagi ko namang nakikita. Malamang, siya may-ari nung kapitbahay kong unit eh. Haay.. Di na nagsawa. Lagi nalang siya. -__-
Pero these past few weeks, di ko na siya madalas makita. Malamang, busy kay Matthew. Psh. Ipagpalit daw ba yung 20 years naming pinagsamahan para dun sa 3 taon niyang syota? Pssh..
Makatulog na lang nga! Umagang umaga, yung babaeng yun pa naiisip ko! Panira ng araw!
*Ding Dong Ding Dong*
*Ding Dong Ding Dong*
*Ding Dong Ding Dong*
*Ding Dong Ding Dong*
Argh! Sinabi ko lang na matutulog na ako, bigla namang may dumating! Ang aga-aga pa oh! Alas siyete palang!
Bumangon ako at pumunta sa may pinto.
Pagbukas ko ng pinto.. Parang gusto ko na ulit isara yung pinto. -__- Kala ko naman kung sino, si Ate Carol lang pala. -___-
"Oh, bat andito ka?" Inis kong tanong sa kanya.
"Anong bakit andito ako? Ang tanong diyan eh bakit andito ka pa. Di ba may Photo Shoot ng 7:30? Sa Guess pa nga yun eh!"
"A-ano?! Sht! Anong date ngayon?!"
BINABASA MO ANG
Take Me Back To Yesterday
RomanceWe take it for granted that the past is fixed. History always happened the way we remember it happening. To time travel is impossible, yes. We heard this line so many times before. But... let me tell you the story of Errol... The man who made the im...