"Oh. Bakit ka naman ganyan makatingin?" Nakataas ang kilay niyang tanong sa akin. "Kung makakapatay lang ang tingin, double dead na ako ngayon."
Hindi ko alam kung nagpapatawa ba 'tong babaeng 'to o ano eh. Seryoso ba siyang tanungin kung bakit?!!
Napahampas ako sa mesa sa king harapan. "Eh bakit naman kasi ganoon? Alam mo ba yung salitang 'timing'?" Reklamo ko sa kanya.
Halatang nagulat siya sa akin. Hindi makapaniwala sa ginawa ko. "Wow. Kakaiba na talaga mga kabataan ngayon noh? Is that your very own way of saying 'Thank you'? Well then, Mister, you're very much welcome." Sarkastika niyang sagot.
"What the heck. Sinundo mo ako dun! Naiwang nasa Emergency Room si Reneeza! Wala ba akong karap--"
Hinarangan niya ng dalawang daliri yung bibig ko.
"Hssh! Alam mo, Errol, kaysa dumaldal ka dyan, magpasalamat ka nalang na natulungan kita. To think na libre pa yung serbisyo ko ah!" Humigop siya ng kape. "Hiyang hiya naman ako diba? Libre na nga, dami pang satsat." She mumbled.
Pero di naman ito dahilan para mapatahimik niya ako. "Eh kasi naman, wala akong alam kung anong nangyari kay Reneeza! Kung buhay pa ba siya o kung nasa ospital pa. Nag-aalala--"
"At talagang di ka papaawat eh? Nakalabas na siya, two days ago. Tss. Ibang klase ka kasi. Di mo ba siya pwedeng iligtas in a safer way?" Uminom siya ulit habang matalim na nakatingin parin sakin. "At kung pwede lang, lower your voice. Umagang umaga eh daig mo pa ang babaeng menopausal! Public place 'to, kuya." She said as she rolled her eyes.
"EH KASALANA--" Hihirit pa sana ako ulit kaso di na niya ako pinalampas.
"Chill.. Kape muna oh." Tinuro niya yung kape na nasa harap ko. (At kelan pa nagka-kape dito? Parang wala naman 'to kanina ah!)
Tsaka ko lang napansin na hindi ako pamilyar sa lugar. Akala ko, nasa Miracle Shop ako pero... hindi pala. Tumingin ako sa paligid - mga matang matalim na nakatingin sa akin. Para bang sinasabing may krimen akong ginawa. Ang ilan ay napailing na lamang sa akin tsaka pinagpatuloy ang kanilang ginagawa. Doon ko lang napansin na napakatahimik pala ng lugar na ito.
Teka nga... Bakit ba ang daming tao? Nasaan ba ako?!
She cleared her throat. "Ehem.. Underconstruction ang Miracle Store pag umaga. Dinala muna kita dito hanggang magising ka." Sagot niya sa mga tanong sa isip ko. Wow. Ibang klase talaga, may special talent talaga sa pagbabasa ng iniisip! "And mind you, nasa Coffee Shop po tayo. 6:30 palang po. Masyado pang maaga para mag-iskandalo."
"Sorry.. Pero normal lang naman na ganito ako.. Kung di ko lang talaga hinatid yung babaeng -- Tngna! Sino ba siya?!" Naisampal ko ang dalawa kong kamay sa mukha. "Hindi lang talaga ako mapalagay... Kung ano mang mangyari sa kanya... Kasalanan ko! Kasalanan ko! Nyeta! Wala na akong ginawang tama!!"
Matapos kong makapagsalita, nawalana yung mapang-asar na pagtaas ng kilay niya; Nakikita ko nalang ay awa... Sympathy.
"Have you learn your lesson?" Nilapag niya yung dyaryo sa mesa. "Oras lang ang pinahiram ko -- walang super powers na parang kay Superman na kayang gawin ang lahat bagay; Na nagagawa ang mga bagay one after the another.. Na kayang iligtas ang Metropolis at ang leading lady niyang si Lois. Errol, tao ka lang na binigyan ng pagkakataon. Pero naiintindihan naman kita eh.. Minsan, mahirap talagang timbangin ang Tama at sa Gusto mo...."
"Pwede ba akong bumalik? Ulit? Hindi ko na ako magkakamaling gawin yung ginawa ko. Gusto kong itama.." Desperado kong tanong.
Masisisi niyo ba akong OA ako at desperado?! Natatakot lang naman ako... Natatakot na baka gumising na naman ako na wala siya. Na alam kong di na siya babalik. Natatakot lang ako na maging miserable ang buhay ko.... Kasi alam kong hindi ko kakayaning 'wala' na siya. Nakakabaliw... Nakakagago.
BINABASA MO ANG
Take Me Back To Yesterday
RomanceWe take it for granted that the past is fixed. History always happened the way we remember it happening. To time travel is impossible, yes. We heard this line so many times before. But... let me tell you the story of Errol... The man who made the im...