CHAPTER 6.5 - Close to you

162 14 13
                                    

*******

AN: Hello, hello! ^___^ Kumusta guys? Finally! Nakapag-UD na ako. Woooh! Sorry po kung medyo natagalan. >__< Busy po kasi sa school, grabe lang. As in sobrang busy. Grabehan. Pag-uwi ko, tulog ako kagad. >.< Sunod sunod na activities. Gaaah!

Anyway, tingin kayo sa kanan. Look at my new Book Cover! Haha. Cutie noh? Gawa ni Ate Theresaalexandra yan. Ikaw na po magaling! HAHA.

Okay. Andaldal ko na naman.

Basta guys. Don't forget to leave a comment and vote the chapter if you liked it. Napapasaya na talaga ako ng votes. Lalo na ng comments. :'>

Okay. Totoo na 'to. Tama na ang Speech ko. XD

****

CHAPTER 7 -

PART I  

December 8, 2012

Krystel's P O V

Silence. Very awkward silence. Sobrang takimik lang dito sa loob ng kotse ni Ian. Lahat kami, parang na-pipi. Mugtong mga mata. At tuyong lalamunan. 

Simula kaninang umalis kami sa ospital eh wala pang dumadaldal samin. Nabibingi na nga ako sa sobrang tahimik eh! 

K-kasi.. Kasi.. Hanggang ngayon, di parin nagsisink-in sakin ang mga pangyayari. P-parang isang iglap lang.. Mawawala na kagad?!

Parang kahapon lang.. Sinugod pa namin siya ni Nads sa bahay niya para intrigahin siya.. Tapos ngayon? Seryoso ba 'to? Bakit ang bilis naman?!

"Guys.. Magsalita naman kayo oh." Luke said. Trying to break the ice.

"Ano ba. Not in the mood." Poker faced na sagot ni Nads. Siniksik pa niya ang sarili sa may bintana. Para mapalayo pa lalo kay Luke. Magkatabi kasi sila sa likod. Tapos ako naman, nasa harap. Then, si Ian ang nag-ddrive.

"I still.. I still can't believe this. Parang masyadong mabilis lahat." I sighed. "Alam nyo.. Kung sasabihin nyong Joke time lang 'to, okay lang. Di ako magagalit."

"Buti nga sana kung joke time lang talaga 'to. Pero di eh. Totoo. Sh*t!" Nads said.

Awkward Silence. Mukhang mabibingi na naman ako sa sobrang katahimikan. Naman kasi eh! Ang mali nasabi ko, sumeryoso tuloy kami lalo.

"Uhh.. " Mag-isip ka ng magandang sasabihin, Krystel. "Uy! Ian soundtrip naman dyan oh!"

Tumingin muna sa akin saglit si Ian saka binuksan ang radio ng kotse niya.

And to my surprise.. A very familiar song played..

Why do birds suddenly appear

Every time you are near?

Just like me, they long to be

Close to you

Why do stars fall down from the sky

Every time you walk by?

Just like me, they long to be

Close to you

"Sh*t! Ian patayin mo na nga yang radio!" Mabilis na sabi ni Nads. Ian immediately turned off the radio. Oh God.

Napatigil sa pagddrive si Ian. Pinarada muna ang kotse sa tabi.

Kinikilabutan ako. That was Reneeza's favorite song! Hindi ko alam pero ever since na naging magkabarkada kami eh yun na ang paborito nyang kantahin. Lagi yun, sa videoke man o banyo. She even sung it nung 21st birthday ni Errol. Pakiramdam ko, nagtayuan mga balahibo ko.

Lahat kami parang na-pipi. Nobody dared to talk. Nagpapakiramdaman lang kami. Para bang nakikiramdam pa kung sinong unang magsasalita, may balak pa ba kaming magsalita o kung dapat pa ba kaming magsalita.

Di ko alam kung matatakot, kikilabutan o maiiyak ako. R-reneeza..

"God.. I can't take this anymore." I can't help myself.. I started to cry. "I can't imagine my life without Reneeza."

"Kung nahihirapan tayo... Pano pa kaya si Errol?" Ian said while eyes still on the road.

"It's his birthday today. Naalala kaya niya?" Nads said. "Si Reneeza lang naman nagpapaalala sa kanya na may birthday siya eh. Siya lang ata may gustong icelebrate yun. Ngayon... Pano na ngayon?"

Oh. I almost forgot.. 

It's Errol's 27th birthday today.

* * * * *

ERROL's POV

Hindi ko talaga alam kung bakit ko to ginagawa ngayon. Sinabi ko na dati na ayaw kong maniwala at hindi ako maniniwala sa mga ganyan. Love potion? Forget you potion? Tsk. Kalokohan.

Pero iba na ang pangyayari ngayon. I need to believe the impossible. I must believe in miracles. I have to.. Save Reneeza.

"The Miracle Store. 

Opens only at twelve midnight."

I have a special offer. How about a ticket to the past?" 

11:15. Sana makaabot ako.

* * * *

THE SHOPKEEPER'S P O V

11:45. 15 minutes left . Maya maya, magbubukas na naman ang shop.

Just so you know, 12:00 midnight lang ako tumatanggap ng customers.

Bakit? Eh kasi po, protocol po yun. :p

Kaya kung gusto niyong bumili saking Miracle Shop eh, dumating kayo 'On time'. Kasi nagsasara ang shop ng 12:01. I'm very punctual. Ayaw ko ng late, Filipino time. -,-

Wag kayong maniwala sa iba diyan na 'We got it all for you' Sus! As if meron sila ng mga tinitinda ko. Name it and i have it. Even those impossible things. Kaya kong ibigay yan.

Anyway, sigurado akong may babalik dito ngayon.

* * * * *

ERROL's POV

11:58. Sht. Kala ko di ako aabot! Kailangan ko lang namang mag-intay. Tsk. I can't believe this, nagpapauto ako sa mga ganto.

Pero.. There's nothing left to lose. Kung maniniwala ako, at kung magkakatotoo man ito. I'm willing to take the risk.. Eh kung tumalab nga yung kay Ate, sana effective din tong sakin.

12:00. Yung madilim at nakatatakot na bahay kanina ay bigla nalang nagliwanag..

Aaack! Nakakasilaw!!

Tumakbo ako papasok ng tindahan.

Argh! Mabubulag ata ako neto eh!

**

LATER GUYS. May pupuntahan pa ako. ;)

SEE EXTERNAL LINK

Take Me Back To YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon