CHAPTER 10.5

88 3 4
                                    

NADS POV

Siguro ganun nalang talaga pag mahal mo ang isang tao. Willing kang gawin lahat ng bagay na makapagpapasaya sa taong iyon.

Well, lahat naman tayo may kahinaan. Kahit gaano pa tayo katatag o kalakas.

Weakness from something that haunts us. . .maybe a part of our past. . . or a memory we don't want to look back.

Maraming pinipili na lamang itago ang kahinaan nila. But it's easy to know if someone's hurting. . . especially when that person's so important to you. 

Oh, baka isipin niyong . . .

WALA AKONG BOYFRIEND!! MGA LUL KAYO!

Si Reneeza 'yan, guys. Si Ren. Okay?

ABA! BABAE HO AKO! MGA UTAK NIYO!

PAG BA LOVE, LOVELIFE KA AGAD? KAPAG IMPORTANT, JOWA KAGAD?

Jusme. May salita ring friendship at bestfriend. Just so you know.

Sabihin nalang natin na iba kasi si Reneeza. Siya kasi lagi nakakahuli ng soft side ko.  And she has that ability to see right through me.

Oo, maton at boyish ang tingin ng karamihan sa akin. Pero si Reneeza, alam niya kung sino ba talaga ako. 

At 'yun ang gustong gusto ko sa kanya. Naiintindihan niya ako. 

Kaya nga ayaw na ayaw kong malulungkot siya. Kasi, wala eh. Sobrang importante siya sa akin.

At kung may magagawa ako para hindi niya maramdaman ang sakit. . . kung may magagawa ako para hindi niya maalala ang araw na 'to. . . 

"Intayin mo naman ako, babe!" 

AY ANAK NG TIPAKLONG! BAKIT BA BIGLA BIGLA NALANG SUMUSULPOT 'TONG HINAYUPAK NA 'TO?!!

"ANO?!!"

"Chill!" Hinarang niya pa 'yung kamay niya sa may mukha niya. Tss. "Ang bilis mo kasi maglakad, babe. Alam mo namang--"

"Letse ka! Bakit ba ang hilig mong magsumiksik sakin ah?"

Pinilit niyang makasabay sa kin sa paglalakad pero, track and field kaya ang sport ko. Hah. Asa pang makakasabay 'to.

"Aray ko naman. Magsumiksik talaga ang term?" I was wrong, mabilis palang tumakbo ang loko. Nakasabay siya sa aking maglakad at kami lang ang bukod tanging nag-iingay sa hallway. Great. Late pa ata ako kay Madam Fem. "Hindi ba pwede--"

"Truth hurts, okay? Layuan mo nga ako."

"Mahirap kang layuan. 'cause yah kno, I'm so attracted to yah." Nag-break-it-down-yo move pa siya sabay kindat after sabihin 'yon. Muntimang talaga.

"Tsk. Kadiri talaga mga lumalabas sa bigbig mo noh? You just gave me another reasong why I should avoid you. And I, thank you for that."

Natigil siya sa paglalakad. 

"Ganyan ka ba talaga? Bahala ka na nga." Then he walked past me. His hands on his pockets, his eyes fixed on the ground.

What the hell. Siya pa nag-walk out?

**

A/N: After 1868951 years! Updated. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Take Me Back To YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon