3 - Nightmare

33.3K 504 27
                                    

Xyrielle

I knocked on the door before I open it. "Doctor Park?" Tawag ko sa matandang nagturing sa akin na isang tunay na anak. Nakaupo siya ngayon sa swivel chair niya at busy sa kaniyang trabaho.

Napatingin siya sa akin. "Ow, come in hija." He smiled so I entered to his room. I sat down on the couch inside.

"Tawag niyo daw po ako." Magalang kong sabi. Tumango siya at may hinalungkat sa bookshelf niya na sa tingin ko ay isang dokumento.

Nang makuha na niya ito ay lumapit siya sa pwesto ko at umupo sa tabi ko. Inabot sa akin ang dokumento at kunot noo ko itong tinaggap.

"Here's the information about the patient you will nurse." Tila nabingi ako sa sinabi niya.

Ako? Bakit? Sa lahat ng nurse, ako pa ang madedestino sa ganitong trabaho?

Binuklat ko ang dokumento. "Uhh.. bakit walang picture?" Takang tanong ko.

Napatingin siya. "Oh. Ayaw kasi magpalagay ng pasyente ng letrato." Tawa pa nito. Ipinagkibit balikat ko na lamang ito at binasa.

Prince Earth Villanueva-Savino. 22. February 13, 1992. Harvard States. He has a disease called Congestive Heart Failure.

"Doctor Park, bakit ako pa?" Tanong ko na may halong pagtataka. Nginitian ako ni Doctor Park.

"He needed someone who will take care of his heart. I know you can do it. You're one of the best nurse here." He explained.

It's not about being the best. It's about being better than you were yesterday. I think I will just accept this kind of offer. Hindi naman pwede na tumanggi ako dahil sila na mismo ang nagbibigay ng trabaho para sa akin.

"When will I start?"

"Next week. Sa susunod mo pa makikilala ang alaga mo."

--

Matapos ang trabaho ko ay napagpasyahan ko nang umuwi. Alas nuebe na ng gabi at ramdam na ang lamig sa labas dulot din ng buwan ngayon. December.

Habang naglalakad, nag-isip-isip muna ako. Hindi naman sa ginagawa kong big deal ang pagiging personal nurse nitong isang tao na 'to pero bakit ako pa?

Marami naman sa department namin ang katagalan na at sanay na sa trabaho. Sanay na din naman ako dahil mahigit dalawang taon na akong nasa estado na ito. Pero bilang nurse nitong may sakit sa puso? Wala akong gaanong alam. Siguro kailangan kong bumili ng libro at mag-research tungkol dito sa Congestive Heart Failure na sakit na ito.

Tumigil ako sa tapat ng convenience store. Dito na lang siguro ako kakain. Nakakagutom na kasi.

Pumunta ako sa counter para bumili ng cup noodles at hot choco. Kailangan ko ding magtipid para sa ipon ko. Hindi kasi porket nagtatrabaho ako, gagastos ako ng gagastos. Matuto dapat magtipid para kapag nagkataon na wala kang pera, atleast may tinatago ka.

Nang malagyan na ng mainit na tubig ang noodles ay napagdesisyunan kong umupo sa dulo malapit sa babasaging dingding.

Kung pagmamasdan ang daan sa labas, maaliwalas. Kaunti ang sasakyan, tahimik. Walang maiingay na busina at hindi mausok. Kung sa katotohanan, karaniwan lang ang may buhay na payapa. Pero hindi mo alam, dati na palang sira kaya parang disyerto kapag iniwan.

May naramdaman akong tumabi sa table ko katapat ko. Napakunot ang noo ko at nang bumaling ako, napabusangot na lamang ang mukha ko.

May bitbit sa balikat na gitara. Blanko ang ekspresyon. "Hindi ka ba marunong magpaalam man lang?"

Napatingin siya sa akin. "You own this table?" Napasimangot ako. "Well I think I don't have to ask permission."

Minsan may mga taong nakakabastos na din eh. "Samantalang sa bus, hindi mo man lang ako pinayagang makaupo." Bulong ko pa.

"Past is past. Never discuss." He said. So rinig niya pala. Ayos ka din ah. Lakas nga ng pandinig mo, ang hina naman ng sense of humor mo.

"Kainaman." Iling ko pa at binilisan ang kain ko para makaalis na sa harap ng antipatikong lalaki na nasa tapat ko. Mahirap na.

Tumayo na ako. "Iyan. Solo mo na iyang lamesa. Iyong iyo na. Hiyang hiya naman ako." May halong sama ng loob kong sabi.

"Welcome." Balewala niyang sagot habang blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. Sa pagkairita ko ay nilayasan ko na siya.

Nakakainis. Imbes na magiging masaya ang araw na ito. Mukhang kabaligtaran pa ng inaasahan ko. Hirap pala mag-expect. Inis.

Padabog kong sinarado ang pintuan ng apartment ko nang makapasok ako. Ang sama ng araw na ito para sa akin.

Inayos ko muna ang buong apartment ko. Mag-isa lang ako dito kaya doble ingat ako. Nilinis ko muna ito bago ko ayusin ang sarili ko. Nag-shower na ako pagkatapos.

Humiga na ako sa kama ko, maliit lang ito, at nagdasal muna bago tuluyang matulog.

--

"Ate! Ate!"

Bakit ganito? Madilim. Boses ng batang babae ang naririnig ko. Nasaan ako?

"Ate! Wag mo akong iiwan!" Alam ko. Boses ko ito noong bata pa lamang ako.

"Ate! Babalikan mo ako diba? Ate!" Tama na. Gusto kong takpan ang tainga ko pero may pumipigil sa akin.

"Babalik ako! Wag kang mag-alala.."

Hindi ka naman bumalik..

-----

"Xyrielle! Xy!"

Napaahon agad ako mula sa kinahihigaan ko. Hingal na hingal at hirap akong huminga. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa hindi malamang dahilan.

"Xy? Okay ka lang ba?" Napatingin ako sa taong ito. "Bakit ka umiiyak?" Wala akong nagawa kundi humagulhol. Niyakap niya ako kaya mas lalo akong naiyak sa ginawa niya.

"Bakit lagi na lang akong naiiwan? May mali ba sa akin? Sabihin mo nga sa kin, Enrico. Talaga bang iniiwanan ang isang tulad ko?" Sunod-sunod kong tanong.

Hinagod niya ang likod ko. "Shh.. tama na. Wag kang mag-isip ng ganyan. Nandito ako. Si Alexis. Hindi ka namin iiwan. Tahan na."

Pero bakit ko napanaginipan ang pag-iwan sa akin ng Ate ko?

Bago pa masagot ang tanong ko sa isipan ko ay dumilim na ang paligid ko.

His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon