37 - Happiness

16.4K 326 14
                                    


Ilang oras, araw, linggo at buwan ang lumipas, ay naging matatag ang relasyon nila Prince at Xyrielle. Sa bawat pag-atake ng sakit nila, ay nandiyan sila para sa isa't-isa para umalalay at mag-alaga. Mahirap para sa kanila ang sitwayon na meron sila pero kakayanin nila para sa kanila. Para sa relasyon nila. Para sa pagmamahalan nila.

Alam nila na patuloy silang ginagabayan ng Diyos at hindi sila pababayaan.

"Xyrielle, magbihis ka at may pupuntahan tayo." Ngiti sa kaniya ng Ate niya.

Nagtaka ang dalaga. May mga panahon na lumalala ang sakit niya, may mga pagkakataon naman na unti-unting gumagaling. Hindi nagiging stable ang kalagayan niya dahil pa-iba-iba ang resulta ng bawat tests niya.

"Saan naman tayo pupunta?" Takang tanong ni Xyrielle kay Alexis. Ngumiti lang ito sa kaniya at inalalayan siyang makatayo.

Naninirahan na ngayon si Xyrielle sa mansion ng mga Park. Dito na siya mula nang malaman na siya ay isang Park.

Tinulungan ni Alexis na magbihis si Xyrielle.

"Ate, kaya ko naman eh." Natatawang wika ni Xyrielle. Ayaw niya na maabala ang iba para lang tulungan siya pero hindi nagpatinag si Alexis at tinuloy pa rin ang ginagawa.

Matapos magbihis ng magkapatid ay nagpahatid sila sa driver nila papunta sa isang lugar.

Kumunot ang noo ni Xyrielle nang makita ang pinuntahan nila. Mapakla siyang ngumiti.

"Bakit dito?" Tanong ni Xyrielle at mapait na tumawa. "Sabagay, mamamatay na din lang naman ako kaya eto na ang huling punta ko sa isang amusement park."

Pinaupo ni Alexis si Xyrielle sa wheel chair niya. Hindi gaano makapaglakad ng maayos si Xyrielle dahil medyo nanghihina na din siya.

Umiling si Alexis. "No. Don't think about that." Pinilit magpakatatag ni Alexis para sa kapatid niya para hindi manghina ang loob ni Xyrielle. "I promise you that this day is the day that you will never forget."

Tumango lang si Xyrielle at iginiya na siya ni Alexis papasok sa amusement park.

Nang makapasok sila ay halata sa mukha ni Xyrielle ang pagtataka. Kunot ang noo niya at hindi maipaliwanag ang itsura.

"B-bakit walang tao?" Nilibot niya ang paningin niya sa buong paligid. "Bakit tayo lang ang nandito?"

Ngumiti lang sa kaniya si Alexis at saka iniwan sa kinatatayuan nila. "Alexis!" Tawag niya pero kumaway lang ang dalaga sa kaniya.

Bumuntong hininga siya. Ano naman ang gagawin niya dito? Nakatanga lang? Ganun? Aba! Sukat ba namang iwanan siya sa gitna ng park. Ano na mangyayari ngayon?

Tumayo siya. Kahit na medyo nahihirapan siyang maglakad ay pinilit niya pa rin. Sa daanan niya ay may nakikita siyang pula na arrow na nagtuturo sa kung saan. At dahil na curious siya ay sinundan niya ito.

Sa bawat arrow ay may nakalapag na papel. Nakatupi ito.

Sa unang arrow, may nakalapag na papel at nakasulat sa likod ang Don't open.

Nagbigay ka pa ng papel kung ayaw mong buksan ko?! Isip ni Xyrielle.

Sa sumunod na mga papel na ay wala ng nakasulat sa likod. Gusto na sana niyang buksan pero may pumipigil din naman sa kaniya. Bahala na nga.

Nanigas siya nang makita ang nasa harapan niya. Nasa harapan niya ngayon ang mga tao na naging parte ng buhay niya. Mga tao na nakangiti sa kaniya pero yung inaasahan niya.. wala.

Maya maya pa ay tumunog ang isang musika. Pang-background lang.

Lumapit si Enrico kay Xyrielle. May hawak itong bulaklak na rosas at nakasimangot. Natawa si Xyrielle.

His Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon